Day 1: Sa kabilang side ng kama

16 4 0
                                    


Nakatulog kaba?Mahimbing ba?Ilang oras?


Tanong ko padin yan sa sarili ko hanghang ngayon.. basta ang natatandaan ko pumikit ako at pagmulat ko ito...


Ang himbing ng tulog mo, halatang napagod ka kahapon sa dami ng nagawa natin, ang aga ba naman nating gumising nung Sunday, after ng online classes mabilis na breakfast lang tapos diretso na para mag grocery.. ang dami mo ngang pagkaing binili, eh ang plano gagawa lang tayo ng nachos. Nag exceed na tayo sa budget, okay lang.. minsan lang naman.


Ang dami na nating bitbit pero nakabili pa tayo ng pintura at ilang paso. Simula ng nag ECQ nahilig lahat ng tao sa planting at pati tyo. Ilang paso din ang pininturahan natin kahapon. Habang umuulan, kasabay ng mga paborito mong kanta.. Isa-isa, natapos natin sila. Habang nakapikit ka, nakikita ko kung gaano ka kasaya.. kahit kasi tulog, nakangiti ka. Nasabi ko na ba na ang favorite kong part ng muka mo eh yung mga mata mo? Ang cute kasi nila.. dahil malaki, pag nakapikit ka yung isang talukap mo sa kanang mata kayang sumara pero yung kaliwa hindi, kaya minsan iniisip ko.. tulog kaba talaga? O kahit gabi na, gusto mo padin akong nakikita?


Maya-maya magigising kana, 5:40am ang alarm ng phone mo.. pero hindi kapa agad babangon, yayakap kapa muna sakin.. mga ilang minuto mararamdaman ko na gagalaw kana, mag che-check ng phone tapos tatayo para maligo. Habang tulog ako, nararamdaman ko paggalaw mo sa kwarto.. tatapat sa fan para mag patuyo ng buhok, magbibihis ng pamasok, mag mamake-up at yung huli yung pinaka inaabangan ko.. gigisingin mo ako sa mga halik mo. Isa.. dalawa.. tatlo.. "Love papasok na 'ko".


.. 35 minute akong tulala nakatingin kung saan ka dapat nakahiga, Iniimagine lahat mula simula. 9:42am na, bangon na!

Tara bukas..

MECQ SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon