Bakit nga ba breakfast ang tawag sa breakfast? To fast is to go without food. So breakfast is to break the fast you are observing since you went to sleep. Pero sa'kin.. "break"- parang kame dahil wala siya at "fast"- pabilisin ang oras, magbalikan na tayo!
Tahimik ang kadalasang masigla kong alamusal, muntik kong kausapin ang kinain kong pandesal. Lumilipad ang utak ko habang nginunguya ko yung tocino at lumpia, hindi ko nga namalayang ubos na pala. Yung seafood noodles galing Japan, favorite ko pa naman pero parang hindi ko nalasahan.And dating almost 1 hour na breakfast dahil sa masarap na usapan kasama ka.. natapos ko ng 5 minutes, hindi ko na nga nakuhang mag round 2 pa. Nabusog ako hindi sa kinain kundi sa hangin.. bawat subo ko kasi ng kanin napapa Haaaaaayyyyy! ako, nasaan ka na ba?
Kumain akong mag-isa at iniisip na nariyan ka, pinagmamasdan kung pano ka ngumuya. Mabagal kang kumain.. mahin-hin, pero madami kang kwento. Madalas mong sinasabing busog kana pero hihirit kapa ng isa! Dyan? kung nasan ka ngayon.. nabubusog ka ba? Humihirit ka parin ba ng isa?
Hinayaan ko lang ang plato ko sa lababo, pati paghuhugas kinatamaran ko na. Dumiretso sa kwarto, humiga sa kama, nagbasa ng mga text messages mo saakin na hindi ko nabasa dahil tulog pa 'ko. "Good morning po.. papasok na po ako, I love you". Bumangon pa ko at nagalmusal! Sa text messages mo lang pala ako makakahanap ng kabusugan.
Tara bukas..
BINABASA MO ANG
MECQ Serye
RomanceNag MECQ. Pinag-uusapan palang namin na kailangan nyang mag bedspace miss ko na sya. Dahil sa simula palang alam nyang hindi ako pang LDR at sanay na 'kong ma-lockdown kasama sya. Gaano nga ba kahirap ang LDR? Nasusukat ba to sa layo at tagal? Samah...