Napansing ko lang.. mula nung umalis ka hindi na 'to na upuan, dinaan-daan ang dati nating malambot na tambyan. Kailan kaya muli tayong mauupo dito't magkukwentuhan? Tatawa, magtatalo, magkakaasaran, magaaway, maglambingan.. kailan kaya?
Natatandaan ko pa kung paano natin sinuyod ang divisoria para makahanap ng tela pamalit sa lumang punda ng mga unan ng sofa. Pagod na pagod tayo non pero masaya.. nakailang balik, ikot at tanong sa kung kani-kanino mahanap lang yung kulay na gusto nating dalawa. At sa wakas, makalipas ang ilang oras, nahanap din natin siya. Magandang klaseng tela na maaliwalas sa mata. Gustong-gusto mo siya, sabi mo.. "bagay na bagay to sa kulay ng sofa" parang tayo lang?.. bagay sa isat- isa?! (naisingit pa).
Hindi muna ako uupo dito hanggat wala kapa, mamimiss ko lang ang bawat pagkakataong katabi kita. Kahawak, kayakap, mga oras na gusto kong bumagal kasama ka.. habang haplos mo ang aking muka, nakahiga sa malalambot mong hita, mahimbing ang aking bawat paghinga.. sayo lang ako makakatulog ng walang pangamba.
Sabado ng gabi ang pinaka aabangan nating dalawa. Dito tayo madalas magkita, nanonood ng mga paborito nating pelikula.. habang kumakain ng luto mong pinagpraktisan mo pa, paano na? Paano ang Sabado ko ngayong wala ka? May sisipot paba saakin sa tagpuan nating dalawa? O manonood ako ng pelikula magisa?
Email Reminder:
Hi Prince Ivan,
Your Netflix subscription will ends on August 14, 2020. Please update your payment details and continue to enjoy all the best TV shows & movies without interruption.
Restart Membership?
DELETE.
Tara bukas...
BINABASA MO ANG
MECQ Serye
RomanceNag MECQ. Pinag-uusapan palang namin na kailangan nyang mag bedspace miss ko na sya. Dahil sa simula palang alam nyang hindi ako pang LDR at sanay na 'kong ma-lockdown kasama sya. Gaano nga ba kahirap ang LDR? Nasusukat ba to sa layo at tagal? Samah...