Unang Friday na 'di ko na inabangan, sana ito lang.. pero prang magbibilang pako ng ilan.. mukang maeextend pa, sana wag na! Pero asahan ko na, para pagdating.. handa na.
Usually Monday palang looking forward kana mag Friday, Tuesday to Thursday gusto mo ng i-skip yan. Sa mga magkakarelasyong every weekend lang nagkikita, yan ang mind set nila. Pano yung monthly? may ganon ba? Uuwi sa'yo kada katapusan lang? Sahod lang yun db? No idea.. comment down below nga! Worst-case scenario.. may iba.. ikaw yung orig ha! Or pwede ding ikaw yung no. 2 tapos proud at matapang kapa. Pano naman pag yearly? Wala din sigurong ganon, pwede every after three years. Hirap non! So imbis Tuesday to Thursday lang yung gusto mong i-skip, buwan at taon ang binibilang mo.. wala kang "thank God it's Friday" magkikita na kami ni jowaaa! AWIT!Kadalasan pag Friday buhay na buhay ang dugo ko, last day of the week.. dayoff sa trabaho, mahabang oras kasama siya. Sa normal na araw 10:15pm ngayon, habang nagtatrabaho ako (night shift), dapat nandyan siya sa harap ko (morning shift), kausap ko.. kinukwnto nya mga nangyari sa office nila kanina.. minsan naman nakahiga lang siya sa kama, hawak cellphone nya, kung hindi siya nagbabasa ng kung ano-anong articles at chismis online.. nanonood yan ng mga Korean videos. Mula sa pwesto ko, gustong-gusto kong pinanonood siya, tinatanong kung anong chismis nanaman ba yan?! or kaninong video yan? Blank Pink ba? Si Lisa ba? ('di ko sya crush!)
Pero ngayon sinubukan kong sumulyap kung saan siya dapat nakahiga, wala akong nakita.
Sofa, kumot at dalawang unan lang. Walang kwento, walang chismis, walang Black Pink in the area! Ingay ng malakas na ulan lang ang naririnig ko mula sa labas at mga boses sa utak ko na nagsasabing miss na miss na kita!
Tara bukas..
BINABASA MO ANG
MECQ Serye
RomanceNag MECQ. Pinag-uusapan palang namin na kailangan nyang mag bedspace miss ko na sya. Dahil sa simula palang alam nyang hindi ako pang LDR at sanay na 'kong ma-lockdown kasama sya. Gaano nga ba kahirap ang LDR? Nasusukat ba to sa layo at tagal? Samah...