Day 0: How to get used to it?!

13 6 0
                                    




12:13 am. Dapat mahimbing na tulog mo dahil tabi kayo. Nakayakap sya sayo at hawak mo ang kamay nya na nasa may pisngi mo. (na-imagine mo? Try mo dali! Gawin nyo din ng katabi mo) #ButikapaMaykatabi 😭. 

Paano ba hindi masanay sa nakasanayan mo na? Yung tipong bigla kang hindi gagamit ng kutsara at magtitinidor ka nalang. Paano ka hihigop ng sabaw? 

Double yung size ng kama ko.. pero single ako ngayon. Nag chat sakin yung isa kong tropa kanina, damitan ko daw ng damit nya yung unan na yakap-yakap ko para hindi ko sya mamiss. Gagawin ko ba? O baka mas lalo ko syang mamiss.. dahil nandoon ang amoy nya? 

Subukan kong pumikit uli, mapapagod din ako sa kakaikot sa kama. Sana managhinip ako ng masaya, yung paggising ko bukas andyan na sya. 

Tara mamaya..

MECQ SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon