Chapter 1

8.4K 161 10
                                    

Chapter 1 

"Sigurado ka na ba talaga?" Tanong ng kaibigan kong si Bella. Nandito ako ngayon sakanila, nakatambay. Tatlong bahay lang naman ang pagitan namin, iisang subdivision lang din. 

"Never been sure." Sagot ko sakaniya. Siya na ang pinakamatagal kong kaibigan at nagtagal sa ugali ko. We've been best friend since elementary. 

"Alam mo na hindi naman lahat ng problema kailangan taguan at takbuhan." Seryoso lang akong nagcecellphone habang nakikinig sa sermon niya. Alam ko na ang sasabihin niya. 

"Alam ko." Sagot ko, napasinghap siya sa sagot ko sakaniya. "Mas gusto ko lang takbuhan ngayon. I need peace of mind and to breathe fresh air with a new environment." I explained. 

Nagscroll ako ngayon tungkol sa Saint Louis University. Iyon kasi ang top university sa Baguio and even in Northern Luzon. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at napili ko ang Baguio. 

Maybe because they said Baguio fixed broken hearts. 

"I don't really know what perfect words to say right now." I nodded. Naintindihan ko naman siya, kahit naman siguro ako kung naghiwalay ang magulang niya, I don't know any words to comfort her. 

Dumapa ako sa kama niya tiyaka pinagpatuloy ang pagreresearch tungkol sa university na papasukan ko. Graduating na kami, sa senior high sa UST.  Dapat ay mag La Salle ako sa college ang kaso mga lang, ayoko munang dumagdag sa iniisip ko sina mama. 

They filed an annulment because they fell out of love. Grabe diba? Paano nangyari iyon? E masaya lang naman kami, kahit na pasaway ako. 

One reason why I needed to escape with my problem is because I'm not used to handling it. Maybe because I'm too spoiled? 

Si mama lang naman ang dahilan kung bakit ayaw kong umalis dito pero dahil nandiyan naman si kuya sakaniya, siguro kailangan ko munang maging independent. Hindi ko kasi talaga matanggap na ang isang masayang pamilyang kinagisnan ko bigla nalang mawawasak sa isang araw lang. 

"Bibisita rin naman ako rito. Huwag mo akong masyadong mamiss." Pang-aasar ko sakaniya. 

So magkaiba pala ang campus ng mga under sa SAMCIS department. Tapos lahat ng course nasa main campus na. Mabuti nalang at may malapit na condo roon, hindi na ako mahihirapan lalo na at hirap din akong gumising sa umaga. Mabuti nga ka-close ko teacher namin sa first subject kung hindi drop na ako sa first subject. 

"And what about Kian?" Tanong niya sa akin habang may ginagawa na ngayon sa laptop niya. 

"What about him?" He is my suitor and her cousin. 

"Are you ready? Long distance relationship?" She asked and that made me laugh. "Okay don't tell me, my cousin is one of your flings?" 

"Of course. Kailan pa ako nagseryoso?" Bara ko sakaniya. "Bella, we're still young to enter a serious relationship!" Wika ko sakaniya. 

I can't imagine myself at the age of seventeen entering a serious relationship? Commiting your life with your partner that you're not even sure about if it will last? 

"Ano? Ighoghost mo ulit?" Tanong niya sa akin. "Alam mo ikaw kapag nakahanap ka ng katapat mo sa Baguio ewan ko sa'yo." Inis na sabi niya sa akin. Naiinis lang siya sa ugali ko madalas pero alam kong mahal ako ni Bella. 

"Grabe. Ghoster ba ako? Judger ka ah." Sabay bato ko sakaniya ng unan pero nakaiwas siya. Habang pinagsasabihan niya ako ay nakapag-apply na ako sa portal ng SLU. 

"Tiyaka ako? Ma-inlove?" Tumawa pa ako para ipakita sakaniya na nababaliw siya. "Never. Magkakaroon muna ako ng CPA sa pangalan no!" 

I took up ABM in UST while Bella took up STEM. Magmemed kasi siya kaya iyon ang kinuha niya pero simula nung elementary hanggang high school ay magkaklase kami. 

Escape In A Cold City [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon