Chapter 24

3.9K 101 17
                                    

Chapter 24 

"Ano ba naman iyan!" Reklamo ko kay Tofer. Nagrereview kasi ako para sa prelims namin pero heto siya ngayon nandito sa harapan ng pintuan ng condo ko at may dala-dala pang art materials at isang paper bag. 

"Just help me out, Des." Hindi ko pa siya pinapapasok ay pumasok na siya sa condo ko. Padabog ko tuloy sinara ang pintuan. 

"Gabi na, ano pang ginagawa mo rito? Paalala ko lang sayo, prelims natin bukas." Though, may event bukas at iyon ang valentine's day na hindi naman ako nagcecelebrate ng ganon. 

"Papatulong gumawa ng bouquet." Sabay pakita pa niya ng mga card boards at ibang arts para makagawa ng bouquet, yung isang paper bag naman ay puno ng chocolate ang laman. 

"At bakit ako? Bakit hindi kay Tascia ka magpatulong?" Wala sa sariling tanong ko tiyaka pasalampak na umupo sa sofa, kinuha ko ang ilang materials niya para matingnan kung anong pwede kong gawin. 

"Sa kaniya ko ibibigay tapos papatulong ako sa kanya?" Pambabara niya sa akin. Padabog ko nalang kinuha ang cutter para macut ang board na ilalagay sa bouquet para hindi malambot. 

Wala akong magawa kung hindi tumulong kay Tofer. Mabuti nalang talaga at hindi ako nahihirapan sa lesson kung hindi kahit lumuhod pa siya sa harapan ko hindi ko siya matutulungan. Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko muna iyon para matingnan. 

Joaquin: done review? 

Me: not yet but done.

Joaquin: huh? 

Me: huhtdog. char. Tofer's here. 

Joaquin: why? 

Me: he asked me to help him. prepare a bouquet of chocolates for Tascia

Joaquin: oh I see. help him, gonna review one more subject and i'm done. 

Me: yep! Good luck, Engineer! 

Joaquin: you too, good luck Mrs. Tan. 

"Ew. Panget kiligin ah." Nandidiring wika ni Tofer habang busy sa paggawa ng bouquet kuno niya. "Hep! Kay Tascia iyan!" Hindi na niya ako napigilan dahil nabuksan ko na ang isang kitkat. 

"Isa lang damot mo naman." Tiyaka ko iyon kinagat. Napabuntong hininga siya na tila alam naman niyang wala siyang magagawa sa akin. 

"Isa lang ah!" Paninigurado niya. Mabilis kong inubos ang kitkat tiyaka bumalik sa pagtulong sakaniya. 

"Mahal mo ba talaga si Tascia?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pag-aayos namin. Tiningnan niya ako ng seryoso bago siya sumagot. 

"Oo naman. Tingin mo ba gagawin ko ang lahat ng ito kung hindi?" 

"Kung mahal mo talaga siya, gugustuhin mo siyang magkaroon ng diabetes?" Halos mapairap siya sa sinabi ko habang natawa lang ako. 

"Gago akala ko pa naman seryoso ampota." Lalo akong natawa kaya pinagpatuloy ko nalang ang paggawa ko para hindi siya mapikon. 

Ang dami kayang chocolates nito, diabetes naman talaga ang aabutin ni Tascia kapag kinain niya lahat ito. Masisira rin ang diet niya, pero sabagay, favorite food ito ni Tascia kaya okay lang naman tapos galing pa kay Tofer. 

Alas nuebe nang matapos kami at nagpaalam siya, binalaan ko siya na kapag marami akong mali sa exam bukas sagot niya ang two months kong lunch. Hindi na ako nagreview at natulog nalang para marelax ang utak ko. 

Escape In A Cold City [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon