Chapter 4
Nang makalabas na kami ay kaagad akong napayakap sa sarili ko. Long sleeve na kulay navy blue lang ang suot ko ngayon, hindi siya ganon kakapal kaya tinablan ako ng lamig ng Baguio.
Yakap-yakap ang sarili ko habang sumusunod kay Joaquin. Nahihirapan pa akong maglakad dahil nahihilo na talaga ako.
Napanguso ako ng bumangga ang noo ko sa likod ni Joaquin. Huminto siya sa paglalakad kaya umangat ang tingin ko. Humarap siya sa akin tiyaka hinubad ang jacket na suot niya, nagulat ako nang pinatong niya ito sa magkabilang balikat ko.
"You're trembling." Napangiti ako ng mapuna niya, akala ko hindi niya ako napansin eh. "Wear thick clothes next time, specially when it's night."
"Hala! Bakit ang daldal mo bigla?" Namamanghang tanong ko sakaniya. Parang ibang tao siya noong una ko siyang nakita.
Napangiwi siya sa sinabi ko tiyaka umiling. "Nevermind." Napanguso ako nang nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Sayang iyon, chance nanamin ni crush.
Binuksan niya ang pintuan ng Mustang niya pero luminga-linga muna ako para hanapin sina Joshmer at sina Tascia, nasaan na ba sila?
"Sina Joshmer? Sakanila nalang ako sasabay." Napatingin ako sa bag ko na hawak-hawak niya sa kamay niya. "Ahm. My bag?" Nahihiyang turo ko pa sa bag ko. Bahagya pa akong napangiwi dahil naamoy ko ang sarili ko na amoy alak.
Baka ma-turn off si crush. Payag siya yung future jowa niya dugyot pero ubod ng ganda?
"Joshmer had emergency home." tipid na sagot niya sa akin. Naiilang akong tumango, ramdam ang pagkirot ng ulo ko. Kailangan ko na talagang makauwi sa condo ko.
"Ah. Eh sina Tascia?" Tanong ko ulit, syempre gusto ko siyang makasama pero nakakahiya dahil amoy alak ako.
"I don't know." He shrug, lalo niya pang binuksan ang pintuan.
Lumapit ako sakaniya tiyaka marahan na kukuhanin sana ang bag ko sa kamay niya ang kaso nga lang mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak dito.
"Taxi." Tipid na sagot ko sakaniya.
"No, I'll drive you to your condo." Matigas na sabi niya na tila ba wala akong choice kung hindi sundin iyon. "Baka kanino ka pa magpahatid." dagdag pa niya.
"Kanino naman ako papahatid? Eh wala naman akong kakilala rito." Parang batang pagmumukmok ko.
"Wala ka palang kakilala pero sino iyong kasama mo kanina?" Tiningnan ko siya habang namumungay ang mata ko dahil sa antok, wala yung kama ko rito pero ang lakas ng espirito niya para hatakin akong humiga.
"That's Khillian!" I defended the man whom I danced with earlier. He gave me a mocking laugh.
"Do you know him?" Umikot ang mata ko sa tanong niya.
"Of course, I know his name nga diba?" Of course, my scorpio ass won't let me lose an argument.
"How about his surname?" Bahagya akong natigilan sa tanong niya, nasabi ba kanina ni Khillian ang apilido niya or Khillian lang?
"Malay ko! Basta ang alam ko ngayon, inaantok na ako."
"Kaya nga sumakay ka na, diba?" He sounds sarcastic!
Hindi dapat talaga ako sasakay ang kaso nga lang inaantok na talaga ako. Kaagad kong sinuot ang seat belt tiyaka hinilig ang ulo ko sa bintana, pinikit ang mga mata dahil iyon ang kailangan ko kanina pa.
Nagising ako sa marahan na pagtapik ng kamay sa pisngi ko. Nakita ko na ang condo ko, kaya kahit hindi pa ako nahihimasmasan ay binuksan ko na ang pintuan at inalis ang seat belt ko. Lumabas na ako para makahiga na sa kama.
BINABASA MO ANG
Escape In A Cold City [Baguio Series #3]
ChickLitBaguio Entry #3 [Completed] Desiree Solaina Pascual student from University of Sto.Thomas: a "ghoster" decided to transfer at Saint Louis University, Baguio. Falling in love was not on her vocubolary not until she met Joaquin Lonzo Tan, an Engineer...