Chapter 21
Nakaupo ako sa kama habang nakalagay ang laptop at ilang papel, ballpen, books and highlighter sa mini study table ko. Tinatamad na kasi akong bumangon para pumunta pa sa sala. Habang busy akong nagrereview para sa midterms ay nag ring ang doorbell kaya kumunot ang noo ko.
I'm not expecting anyone. Nasa Batangas si Joaquin dahil may business sila roon kasama ang daddy at lolo niya. Samantalang sina Tascia at Tofer ay hindi naman sila nagmessage sa akin na pupunta sila ngayon dito. As of Joshmer and Dianna, wala rin naman silang nasasabi sa akin.
Tamad akong tumayo para tingnan kung sinong bwisita ngayon. Sa sala narin ako magpapatuloy mag-review mamaya at mag-order nalang ng makakain. Though, marunong na akong magluto pero wala pa akong time. Lalo na mamaya ay baba pa akong condo para magpa-laundy.
Undas break ngayon, as usual, undas break before midterms. Apat na araw lang naman kaya hindi na ako bumaba sa Manila. Mas kailangan kong magreview ngayon since hindi ako masyadong nakikinig sa lecture.
Pagdating ko sa pintuan ay sinilip ko muna sa peephole, it's better to be safe than sorry ika nga nila. Pero namilog ang mata ko nang makita ko kung sino ang dalawang tao ang nakatayo sa harap ng pintuan ko na mukhang bagot na bagot dahil sa tagal ng pagbubukas ko.
"Ang tagal ah." Kaagad bungad ni Bella kaya niyakap ko siya kaagad. Noong July ko pa siya huling nakita sa personal, nung umuwi kami before mag start ang second year.
"I miss you!" Excited na wika ko sakaniya. "Bakit hindi ka nagsabi?" Reklamo ko sakaniya. Humiwalay ako sa yakap namin pero nakahawak pa rin kami sa baywang nang isa't-isa pagkatapos at sinuntok ng mahina si kuya.
"Ouch! Napagod ako sa kakadrive ah." Reklamo niya sa akin tiyaka inunat ang braso niya kung saan ko siya sinuntok.
"Bakit magkasama kayo? May hindi ba kayo sinasabi sa akin?" Binigyan ko sila nang may malisyang tingin. Umirap si Bella sa tanong ko tiyaka ako tinulak papasok sa condo.
"Baka gusto mo muna kaming papasukin?" Patuloy pa rin siya pagtulak hanggang sa maupo na ako sa sofa. Dumeretso kaagad siya sa kusina para tingnan ang laman ng ref. Nag-ikot naman si kuya na parang may tinatago akong lalaki sa condo.
"Wow daming stocks ah? Marunong ka na talagang magluto no?" Wika niya habang tinitingnan ang mga pinamili namin ni Joaquin sa mall nung isang araw. "Hindi nga lang masarap." Kung malapit lang siya ay binato ko na siya ang kaso lang baka hindi kayanin sayang naman ang unan na ibabato ko sakaniya. "Pero ayos na iyon at least marunong ka na sa basic skill. Proud ako sa'yo." Sagot niya tiyaka lumipat sa rice cooker para tingnan kung may laman.
She's always like that. She's like a mother to me who's always looking after me. Kaya kung ano man ang merong namamagitan sakanila ni kuya, I'll support them. At least, yung best friend ko magiging in-law ko.
"Ano ba iyan? Kuwarto ba ito? Bakit ang kalat?" Reklamo ni kuya pagkatapos niyang mag-ikot sa kuwarto ko. "Pati yung kama. Really? Tinutulugan mo iyon?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Umirap ako sa sobrang arte niya.
"Nag-aaral kasi ako for midterms kaya wala akong time riyan. Tiyaka papalitan ko rin mamaya 'yang bed sheet dahil papa laundry ako." Paliwanag ko. Pumasok siya sa CR para i-check niya iyon.
"Malinis naman pero ang dami mong maruming damit sa basket." Pinapalinis ko rin kasi ang cr, nagbabayad ako since hindi naman ako ganon kapulidong maglinis. Pero kahit na malinis na, may masasabi pa rin si kuya, ganon siya kaarte. Mas maarte pa kay mama.
"Kaya nga papa-laundry ako mamaya diba?" Iritadong tanong ko sakaniya. Umupo si Bella sa tabi ko, kumalma naman ang itsura ni kuya dahil don.
Pareho silang malinis ni Bella na kahit kumikintab na sa linis ang sahig ay sasabihin pa nilang marumi. Kaya kung magkaka-anak man sila, siguradong malinis din iyon. Wala naman masama sa pagiging malinis pero minsan ang OA na nila dahil malinis naman pero makalat pa rin sakanila.
BINABASA MO ANG
Escape In A Cold City [Baguio Series #3]
ChickLitBaguio Entry #3 [Completed] Desiree Solaina Pascual student from University of Sto.Thomas: a "ghoster" decided to transfer at Saint Louis University, Baguio. Falling in love was not on her vocubolary not until she met Joaquin Lonzo Tan, an Engineer...