One- Irreplaceble

193 3 0
                                    

Madz

Standing in the front yard, telling me
How I'm such a fool, talking 'bout
How I'll never ever find a man like you
You got me twisted

You must not know 'bout me
You must not know 'bout me
I can have another you in a minute
Matter of fact, he'll be here in a minute (baby)

Relate na relate ako sa kantang pinapakinggan ng kapit bahay namin. Parang nanadya at nilakasan talaga nya pra ano hndi lang katawang lupa ko ang mkarinig kundi pati kaluluwa ko na din ! Exagerated! Hahaha

"Best!!, buksan mo to !"

"Gumising ka na jan!!"

Tok.tok.tok.tok.!!!

Oh my! Ang aga aga ! Ang ingay ingay ng babaeng to. Si Tina ang bestfriend ko .Daig pa ang ingay ng Wang Wang kung mkasigaw eh.

Anyway kanina pa talaga ko gising at parang di nga ata ako natulog. Nandito lang ako sa kwarto, nagmumuni muni. Ang bigat bigat ng mga mata ko at ang sakit sakit ng ulo ko .

Binuksan ko ung pinto.

"Best!" Sabay yakap sa'kin.

Napano kaya toh ! Ganun nya ko kamiss.? Eh kahapon lang magkasama kami ah.

Nagpumiglas akong lumayo sknya.

"Hoy ! Problema mo ? Inistorbo mo ko pra lang yumakap ? Sinasabi ko na nga ba ! Best ? Type mo ko?!" sabi ko sa kanya. At tumawa ng malakas.

"Baliw !" Sabi nya sabay hampas skin . Pero tawa pa rin ako ng tawa . Tawang wagas .

"Makatawa ka para kang walang problema aa" sabi ni Tina .

Natahimik ako . Tama kasi sya.

Siya naman ang tumawa ng malakas. "Sabi na at dinadaan mo lang sa tawa ang lahat"

Ngumiti ako ng pilit at sinabing "Ano bang pinagsasabi mo jan?" Sabay talikod sa kanya . Naramdaman ko kasi na tutulo na ang luha sa mga mata ko. Pasimple ko tong pinunasan .

"Sus! Kaya nga ako nandito dahil alam kong kailangan mo ng karamay ngaun!"

Di ko pa rin sya hinarap. Pero yung luha sa mga mata ko di ko na mapigil sa pag agos. Dumiretso ko sa may bintana . Mahangin. Sakto para matuyo ng kusa ung luha sa mga mata ko.(Bilis hangin hipan mo ung luha sa pisngi ko!)

"Best, ung status nya sa facebook in relationship na sa iba! Di ka pa din ba magkkwento Miss Madeline Villanco??!" sabi ni Tina .

Parang sinaksak dinurog binuhusan ng asido ung puso ko. Kagabi lang kami nagbreak tapos ganun na agad agad?! Kung sabagay di ko naman dapat ipagtaka yun.

Hinarap ko na si Tina.At yun na nga d ko na napigilan ang umiyak . Sinubsob ko ung mukha ko sa unan ko na kagabi pa basa ng luha.

Patindi ng patindi ung pag iyak ko na parang bata.Nagngangangawa na ko. Pero syempre kontrolado ko ung lakas ng hikbi ko baka kasi may makarinig sa labas isipin pa nilang nababaliw , nasasaniban o ginagahasa na ko dito. Maganda pa naman ang imahe ku sa mga tao sa labas! Ayokong masira yun ! Chosz! Tumagal din siguro ng ilang minuto yung pagiging isip bata ko. Hinihintay ko kung may magpapatahan sa akin. As I remember kasi may kasama ako dito sa kwarto. Pero wala man lang siyang ginawa as in wala. Di man lang ako inalo ng best friend ko. Dahil di naman nya ko pinapansin so enough muna mga tears, nagmumukha na kong tanga kung magpapatuloy kayo sa pag agos ngaun.

Tahimik lang si Tina. Hndi ko sya maramdaman. Parang wala na sya dito. Lumabas na kya sya?? Iwan ba naman ako habang umi'emote!

Umayos ako ng upo. Hinawi ko ang buhok ko na humaharang sa mukha ko. Halos wala na kong makita sa paniningkit ng mata ko. Pano ba naman kasi singkit na nga lalo pang sumingkit kaiiyak. Kinusot kusot ko ung mata ko at iginala ang paningin sa loob ng kwarto. At ! Nakita ko ung best friend ko nasa sulok hawak ang.hawak ang..

"Hoy Miss Christina Taluman, who told you to use my phone!" Sabay takbo ko sa pwesto nya.

"Oh yan na cellphone mo!" Binigay naman nya agad. Pero pahagis kaya napasigaw ako at agad agad kong sinalo. Baliw tlga toh pano na lang kung di ko nasalo at nasira dba .

"Kahit wag ka na pala magkwento best , I already knew and understand what happened to you and your boyfriend..I mean ex bf." Sabi nya na nakangiti.

Aba loka lokang toh binasa ung convo namin sa text ni .. Ayokong banggitin ang pangalan nya! Bitter pa ko eh! Normal lang naman siguro yun pra sa mga nasaktan.

Tumahimik lang ako ng hampasin nya ko sa likod.

"Aray! Ang sakit nun aa! Masakit na nga puso ko sasaktan mo pa ko physically.!" Sabi ko at hinampas ko rin sya.

"Mas masakit un aa!" Sabi ni Tina at akmang gaganti pero nakaiwas ako.

"Bleehh!" Sabi ko sknya sabay tawa.

"Tse! Mag aus ka na lang ng sarili mo sumama ka skin." -Tina

"At san tau pupunta?"-ako

"Maghahanap ng bagong bf ."-Tina

"Baliw ka talga ! Saan nga?"

"Basta !"

"Saan nga kasi?!!"

"Rarampa nga pra di kna nagmomokmok jan. Kilos na ! Bilis!" Bulyaw ni Tina.

Ayoko sana pero kailangan ko yun.

"Sige maliligo lang ako,hntayin mo na lang ako sa baba."

"K.dot.! Makikipagkwentuhan muna ko kay Tita ." at lumabas na sya ng room ko.

Si mama ko ung tinutukoy niyang tita pero tita ko un kasi hindi sya ang mama ko. Medyo nakakalito dba? Sige kukwento habang nag aasikaso ako ng sarili ko.

Ganto kasi yun eh : Nea yun ung pangalan ng tinatawag kong mama ngayon. Ang totoo nasa heaven na talaga yung tunay kong nanay. Namatay daw sya when she gave birth to me. Sobrang kasiyahan ng makita kung ganu ko kaganda kya nakalimutan ng huminga. Charot lang.

At dahil si mama Nea lang ang nag iisang kapatid ng tunay kong ina skanya ko napunta. Malas wala ng ibang choice eh,biro lang. Napakaswerte ko kaya at sa kanya ko lumaki.! Baka pag dun ako sa tatay ko eh naging alipin pa ko ng wicked step mom at step sisters ko. Ala-fairytail buhay ko dun. Insert Cinderella !

May other family kasi ung father ko. Pero hindi mistress ang nanay ko huh! Kami ang unang pamilya.Nag asawa lang ng iba yung tatay ko after my moms death. Medyo maharot yung tatay ko nuh ? Kapapanganak pa lang skin at kakamatay pa lang ng nanay ko nag asawa na agad. Kaya di kami close eh. In my 19 years of existence dito sa earth twice ko pa lang ata sya nkasama. Pero di naman sya nagkukulang ng suportang pinansyal para sa akin. Takot lang niya kung di niya ko susuportahan nuh! May pinirmahan kaya syang kasulatan. Maraming abogado ang hahabol skanya. Hahaha (Friendships ni mama Nea almost attorney lahat)

Hindi na nag asawa pa si mama Nea. Kaya kaming dalawa na lang ang natatanging magkaramay umulan man o bumagyo at sa hirap at ginhawa.

Mahal Ko Siya! Pake Nyo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon