🍊 - OO1

82 8 4
                                    

E U N J I
[ narration ; lowercase ]

“please let us all welcome, soon-to-be mr. and mrs. lee!” masiglang sabi nung emcee. huminga muna ako ng malalim atsaka pinigilan ang mga luha kong nagbabadyang tumulo ng wala sa oras bago pumasok sa venue. masigabong palakpakan at naglalakihang mga ngiti ang sumalubong sa kin. napangiti naman ako sa nakita. makita silang masaya ay masaya na rin ako.

pumunta na ako sa may pwesto namin. nang makaupo na ko ay saka nagtanong ang emcee, “so mr. and soon-to-be mrs. lee, how did the two of you meet?” nakangiting tanong nung emcee. napaisip naman ako. paano nga ba?

flashback...

“tak eunji!” tawag ng isang babae sa pangalan ko. napatigil ako sa paglalakad at nilingon ko ito. napangiti ako ng mapagtantong si yujin pala. my best friend.

yujin and i are best friends since birth. well not literally when we were born but we're childhood friends. kambal-tuko nga ang tawag nila sa min dahil hindi kami mapaghiwalay sa sobrang close namin. we became best of friends because we do have a lot of things in common. especially, we're both in love.

tumakbo siya papalapit sa kin. nang makalapit ay napatingin siya sa likod ko atsaka tumili, “omg! bes tignan mo! ang gwapo talaga ni... ni...” tili ni yujin na di rin matuloy ang sasabihin sabay may itinuro sa likod ko. napatingin ako sa gawing iyon lalo na sa isang lalake na nakaupo sa damuhan kasama ang mga kaibigan nito at tumutugtog ng gitara. ang laki ng ngiti nito na lalong nagpagwapo sa itsura niya. kaya siguro ang daming nahuhumaling sa kaniya, including us.

yes, we're both in love with the same man. nauna si yujin at sumunod ako. i tried to resist it dahil hindi pwede lalo na't nangako kami sa isa't isa na hindi kami pwedeng mahulog sa iisang lalake. but, i can't help but to fall for him too. sino ba naman ang hindi maiinlove sa isang—

“...lee jeno!” pagpapatuloy ni yujin sa sinabi niya. napangiti ako ng tipid atsaka napaiwas ng tingin. may ipinangako ako kay yujin at hindi pwedeng masira yon.

maglalakad na sana kami nang biglang may sumigaw, “jieun-ah!” sigaw ng isang boses lalake kaya napapikit na lang ako sa inis. nandito na siya.

nang maramdaman kong nakalapit na siya sa min ay kaagad ko siyang hinampas sa may braso niya. agad naman niyang hinawakan yung braso niya at napadaing sa sakit. tinignan niya ko ng masama pagkatapos pero tinaasan ko lang siya ng kilay atsaka pinagkrus ang mga kamay ko. kung di siya natuwa, mas lalo na ako noh!

“kayo talaga! para kayong aso't pusa pero sabi nga nila, opposites attracts so bagay kayo.” sabi out of nowhere ni yujin kaya umakto ako na parang nasusuka. ito? itong na jaemin na to? bagay sa kin?

oo, si na jaemin nga yung lalakeng tumawag sa kin at hinampas ko lang naman sa braso kanina. si na jaemin na mahilig bwisitin ang araw ko.

“bagay daw tayo.” sabi niya sabay taas-baba ng kilay niya atsaka nakangisi. aambangan ko sana siya ng suntok nang bigla niyang hawakan ang ulo ko para pigilan ako sa paglapit sa kaniya. porket matangkad siya at maliit ako aish!

“bakit mo ba kasi ako hinampas? wala pa naman ako ginawa ah?” sabi niya kaya tinampal ko yung kamay niya paalis sa ulo ko. at may gana pa talaga siyang sabihin na wala pa siyang ginagawa ah?

tinignan ko siya ng masama simula ulo hanggang paa atsaka nagsalita, “una sa lahat, wala ka pang ginagawa so ibig sabihin, may balak ka.” sabi ko sa kaniya sabay diin sa ‘pa’. nakamot naman siya sa ulo niya atsaka ngumiti.

“pangalawa, tinawag mo kong jieun at sa maraming tao pa? hindi jieun ang pangalan ko kundi eunji!” sabi ko saka siya pinanlakihan ng mata. nagpeace sign naman siya and he mouthed ‘sorry’.

“pangatlo, presensiya mo pa lang, naiirita na ko kaya lumayo ka sa kin kahit isang metro lang.” sabi ko sabay taboy sa kaniya. humakbang naman siya ng isang metro ang layo sa kin. nagthumbs up pa siya habang nakangiti. inirapan ko na lang siya atsaka nagsimulang maglakad papunta sa building namin. naramdaman ko namang sumunod sila sa kin pero malayo pa rin sa kin si jaemin habang nasa tabi ko si yujin.

“nako!” sabi ni yujin sabay iling kaya tinignan ko naman siya ng nagtataka. nagkibit-balikat lang siya atsaka ngumiti na lang. binalewala ko na lang yon at napaisip.

bakit ko nga ba siya naging kaibigan?

U̶N̶DESTINED ¦ 이제노.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon