🍊 - OO3

53 7 19
                                    

E U N J I
[ narration ; lowercase ]

“ooh! from highschool friends to lovers huh?” sabi nung emcee kaya natawa naman kami ng mahina. napatingin ako kay jeno at nagulat naman ako na nakatingin din pala siya sa kin. nginitian ko lang siya at pasimpleng umiwas ng tingin pero ramdam ko pa rin ang titig niya.

“so how did the both of you confessed?” nakangiting tanong ulit ng emcee. muli akong napaisip sa tanong niya.

“well...”

flashback...

it's already our summer vacation. nandito kami ngayon sa isang beach resort sa donghae-si. siyempre sagot agad ni chenle yan. the perks of being a rich kid.

magkakasama ang mga boys sa isang room while me and yujin, on the other hand, ang magkasama sa isang room.

yep! magkakasama sa iisang room ang mga boys. kahit mayaman si chenle, nireserve niya ang isang room para sa kanila. para tipid daw sabi niya pero kuripot lang talaga siya.

tapos na ko mag-ayos ng gamit ko. nailagay ko na lahat ng damit ko sa cabinet. hinihintay ko na lang matapos si yujin dahil sa dami ng dala niya. isang maleta nga bitbit niya eh. hindi ko alam kung naglalayas siya or ano.

habang busy siya mag-ayos ng gamit sa cabinet niya at busy naman ako magcellphone, nakarinig kami ng katok. nagkatinginan muna kami bago ako tumayo sa pagkakahiga atsaka binuksan yung pinto. isang na jaemin na nakangiti ang bumungad sa kin pagbukas ko. wag mong sabihing mang-i-inis na naman siya?

“hep hep hep hep!” pagpipigil niya sa kin sa pagsasalita habang nakaharang sa mukha ko ang palad niya. “hindi ako nandito para mang-inis kundi para tawagin kayo dahil kakain na ng hapunan.” sabi niya sabay ngiti. napairap ako sa kawalan atsaka tinampal yung kamay niyang nakaharang sa mukha ko.

“yujin! kakain na daw!” tawag ko kay yujin. di nagtagal ay nasa likuran ko na siya. mukhang kakatapos niya lang din pagkatawag ko sa kaniya.

sabay-sabay na kaming pumunta sa may cottage na nirent din ni chenle. nakahapag na yung ibang pagkain habang yung iba naman ay niluluto pa.

nag-i-ihaw sina chenle at jisung. nag-a-ayos naman ng bonfire sina renjun at donghyuck. si mark at jeno naman ang naghahapag nung mga pagkaing nailuto na.

“nandito na kami!” masiglang sabi ni yujin at naunang naglakad sa min ni jaemin kaya naiwan kaming dalawa. napatingin naman silang lahat sa min at napangiti. yung iba naman ay tinukso pa kami ni jaemin maliban kay jeno na nakangiti lang ng tipid atsaka umiwas ng tingin at pinagpatuloy ang pag-a-ayos.

---

kakatapos lang namin kumain. nandito na kami ngayon sa may bonfire at nagtatawanan. siyempre si hyuck ang may pasimuno ng lahat.

nang matahimik ang paligid, di nagtagal ay muling nagsalita si hyuck, “guys! laro tayo!” sabi niya kaya napalingon kaming lahat sa kaniya. laro? ano namang laro?

may kinuha siyang bote atsaka tinaas-baba niya ang mga kilay niya. i don't feel good about this lalo na si hyuck ang pasimuno.

“the cliche game called truth or dare.” sabi niya pa kaya nagsireact kaming lahat. ang laro na kung saan mabubunyag ang lahat.

“bakit parang ayaw niyo? para nga makilala pa natin ang isa't isa eh! lalo na sina yujin at eunji.” sabi ni hyuck sabay lapag ng bote sa buhangin. napatango naman ako sa sinabi niya. may point siya.

in the end, pumayag na kaming lahat. afterall, makikilala naman namin ang isa't isa.

pinaikot na ni hyuck ang bote. nang tumigil ito, kaagad natapat kay...

jaemin...

“so... jaemin.” tawag ni hyuck sa kaniya. naging alerto naman si jaemin na parang handa niyang sagutin lahat. “sinong gusto mo?” tanong ni hyuck sa kaniya. siyempre unang-una na yan itatanong.

nagulat kaming lahat nang makitang ngumisi si jaemin at sa di namin inaasahan na sagot niya.

“si eunji. si tak eunji ang gusto ko.”

U̶N̶DESTINED ¦ 이제노.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon