🍊 - OO4

44 7 18
                                    

E U N J I
[ narration ; lowercase ]

“si eunji. si tak eunji ang gusto ko.” sabi ni jaemin na nagpagulat sa min lahat. a-ano?

bigla naman naghiyawan ang iba naming mga kasama maliban kay jeno na napangiti atsaka napaiwas ng tingin habang ako naman ay nanatiling gulantang sa narinig. g-gusto ako ni jaemin?

“oh! tama na! di na nakareact si eunji. kinilig ata.” panunukso ni mark kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan lang ako ng bwisit!

nagpatuloy ang laro namin at marami naman kaming nalaman sa iba. nagkagirlfriend pala si hyuck but things didn't work out the way they planned it. si mark naman ay single daw but not ready to mingle dahil may susundan daw siya sa canada which is #sanaall. si renjun naman daw ay good boy kaya focus lang siya sa studies niya. same din daw kina chenle at jisung since di pa naman nila naiisip yon.

pinaikot na ni jisung yung bote since siya ang last na naituro nito. the bottle spins until it stop to...

yujin...

“omg!” gulat na sabi ni yujin tsaka napatakip ng mukha. naghiyawan naman yung iba kaya mas lalong nahiya ito. kahit nakatakip ang mukha niya, makikita mong namumula ito dahil sa tenga niya.

“yujin!” tawag ni jisung sa kaniya kaya napatanggal si yujin sa pagkakatakip ng mukha niya. “one truth about you.” yun lang ang sinabi ni jisung pero napa-‘ooh!’ naman yung iba.

“okay.” nakangiting sabi ni yujin. she composed herself first bago muling nagsalita, “well... it's not just about me but with eunji as well...” sabi niya atsaka napatingin sa kin at ngumiti. “me and eunji are long time best of friends since we were kids.” proud na sabi niya kaya napa-‘oh!’ yung iba na hindi makapaniwala sa sinabi ni yujin habang ako naman ay napangiti sa sinabi niya. pero, bigla rin nawala nang maalala ko na naman yung ipinangako namin sa isa't isa na unti-unti ko ng nasisira.

i'm sorry yujin...

“ipaikot mo na.” sabi ni chenle kay yujin at sumunod naman ito sa kaniya. tumigil ang pag-ikot nito gaya ng pag-ikot ng mundo ko nang matapat ito kay...

“jeno ikaw na!” hiyaw ni hyuck. ngumiti lang ng tipid si jeno atsaka tumango. bigla naman ako kinabahan sa di malamang dahilan.

“since wala na rin ako maisip na tanong, same question na lang. sinong gusto mo?” tanong ni yujin since siya ang nagpaikot ng bote. natahimik ang lahat dahil naghihintay sa isasagot ni jeno.

“secret.” sabi lang niya kaya umangal naman silang lahat. natawa naman ako pero kinakabahan pa rin. i don't know why.

“daya mo naman jeno! kaya nga tayo naglaro para makilala ang isa't isa pero hanggang ngayon eh di pa namin kilala kung sino gusto mo!” naiinis na sabi ni hyuck atsaka napakamot ng ulo. nginitian lang siya ni jeno kaya sinamaan siya ng tingin ni hyuck.

“okay ito na!” sabi niya kaya natahimik ulit ang lahat. “may gusto ako.” dugtong niya pa atsaka napatingin sa kin. okay?! what was that?!

pero agad rin siyang umiwas atsaka nagsalita, “pero di ko na babanggitin yung pangalan.” sabi niya ng nakangiti kaya nagsihiyawan sila maliban kay jaemin, hyuck, at yujin. napansin din ata nila yung kanina.

“okay...” sabi ni hyuck kaya tumigil ang iba sa pag-i-ingay. “hindi man natin alam kung sino pero atleast alam natin na may gusto talaga si jeno.” sabi niya pa atsaka napatingin sa kin pero umiwas din kaagad. sabi na nga ba! napansin niya din yon!

gusto nga ba ako ni jeno o ina-assume ko lang lahat?

U̶N̶DESTINED ¦ 이제노.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon