🍊 - OO7

38 7 4
                                    

E U N J I
[ narration ; lowercase ]

uwian na ngayon at hinihintay ko si yujin para sabay kaming umuwi. sabi kasi niya na may kikitain lang daw siya sa may rooftop at mabilis lang siya kaya minabuti ko ng hintayin siya.

habang naghihintay at wala na gaanong tao, napadaan sina hyuck sa may hallway namin kaya lang napansin ko na hindi nila kasama si jeno kaya napagdesisyunan namin na hintayin sila nina yujin at sabay-sabay ng umuwi.

mahigit limang minuto ang lumipas at dumating na rin si yujin kasama ni jeno? bakit magkasama sila at malungkot si yujin?

it can't be...

“yujin...” tawag ko sa kaniya nang makalapit siya sa kin. nakayuko ito tsaka ang lalim ng iniisip kaya tinawag ko ulit siya. natauhan naman ito at nilingon ako. ano bang nangyayare sa kaniya?

“u-umuwi na tayo.” sabi niya sabay hila sa kin. nagpatianod naman ako pero kaagad rin napatigil kaya napatigil rin siya. nilingon ko sina jaemin na naiwan sa pwesto nila. hindi naman makatingin ng diretso si jeno sa min. something's wrong. hindi ganito si yujin nung nagkita kami ng lunch. ang kaninang yujin ay masaya, hindi ganito kalungkot.

“yujin mag-usap nga tayo. anong nangyare sayo?” tanong ko sa kaniya atsaka siya hinarap sa kin. nakayuko pa rin siya atsaka tulala kaya ini-angat ko ang mukha niya para magkatinginan kami. sobrang lungkot ng mga mata niya.

umiwas siya ng tingin atsaka nagsalita, “w-wala ah! umuwi na tayo. pagod lang ako.” sabi niya tsaka sana ako hihilain ulit nang nagpumiglas ako sa hawak niya. hindi ako naniniwalang walang nangyare. napaka-imposible non. ang dali lang basahin ni yujin dahil ang bilis lang niyang maglabas ng saloobin nito. kapag nasasaktan siya, makikita mo na kaagad.

“yujin magsabi ka na—”

“umamin ako okay?! umamin ako!” sigaw niya atsaka tumulo ang luha niya. kaagad niya pinunasan ito atsaka muling nagsalita, “umamin ako kay jeno na gusto ko siya pero umamin siyang ikaw ang gusto niya!” sabi niya na nagpagulat sa kin. a-ano?

nilingon kong muli sina jeno. gulat na gulat sina mark sa narinig. sina jaemin at hyuck naman ay napaiwas ng tingin na para bang alam na nila habang si jeno naman ay nakatingin sa kin ng seryoso.

bakit ganon? kahit nalaman kong gusto ako ng taong gusto ko, masakit?

hinarap ko si yujin at iyak siya ng iyak. i hate seeing her like this. nasasaktan din ako kapag nasasaktan siya.

“yujin...” tawag ko sa kaniya dahil wala na kong masabi pa. nagulat na lang ako nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat at tumingin sa kin na parang nagmamakaawa. ang bigat sa pakiramdam na makita ko siyang ganito.

“h-hindi mo naman siya gusto diba?” tanong niya habang humihikbi pa rin. hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. dapat ko na bang sabihin sa kaniya?

walang maglilihiman diba?

napabuntong-hininga ako atsaka nagsalita, “g-gusto ko siya yujin. m-matagal na. i'm sorry.”

U̶N̶DESTINED ¦ 이제노.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon