E U N J I
[ narration ; lowercase ]“g-gusto ko siya yujin. m-matagal na. i'm sorry.” sabi ko nang di nakatingin sa kaniya. binitawan niya ko atsaka lumayo sa kin. di nagtagal, pagkalingon ko sa kaniya, dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. isang sampal ang natamo ko sa kaniya.
naramdaman ko namang lumapit sina hyuck sa min. hawak ako ni jaemin habang hawak naman ni jeno si yujin na nagpupumiglas at nagwawala. iyak ng iyak si yujin kaya naluha na rin ako.
masisira na ba kami ng tuluyan?
“i'm sorry.” naluluha kong sabi at sinusubukang lumapit kay yujin pero pinipigilan ako ni jaemin. patuloy pa rin sa pagwawala si yujin habang hawak pa rin siya ni jeno. kasalanan ko to. pinigilan ko sana tong nararamdaman ko nang di kami umabot sa ganito.
di na nakapagpigil si jeno kaya hinarap nito si yujin atsaka nagsalita, “yujin tama na! gusto ko si eunji at gusto niya ko! ba't di mo na lang tanggapin yon?!” galit na sabi ni jeno. natahimik naman si yujin pero masama ang tingin na binibigay nito. nakaalis si yujin sa hawak ni jeno atsaka binigyan rin ito ng sampal. nagulat kaming lahat sa ginawa niya. hindi ko alam na makakaya palang gawin ni yujin to.
“bakit ko tatanggapin ha?! traydor kayo! alam mong gusto ni jaemin si eunji pero ginusto mo siya! at ikaw!” sabi niya saka ako dinuro. “alam mong gusto ko si jeno pero di mo pinigilan ang sarili mo! anong klaseng kaibigan ka ha?!” galit na galit na tanong niya. napayuko ako atsaka muling naiyak. ganito ba pag nagmahal? sobra kung manakit?
“tsaka ano yan?” turo niya sa hawak ko. “bulaklak? sino pa yung iba mong hinarot sa grupo ha?!” sabi pa niya. ang sakit. ang sakit lalo na kung ganyan pala ang tingin sayo ng kaibigan mo.
“yujin tama na!” sigaw ni jaemin kaya natahimik ang buong paligid. “matagal ko ng alam na may gusto si jeno kay eunji pero pinili ko na lang manahimik kaya pwede ba? tumigil ka na rin! sumosobra ka na!” dugtong niya pa. napayuko na lang si yujin at muling naiyak. nakawala naman ako sa hawak ni jaemin atsaka tumakbo papalapit kay yujin at niyakap siya pero humiwalay kaagad siya sa kin atsaka tumakbo palayo.
napaupo na lang ako tsaka napatakip ng mukha. umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa may maramdaman akong lumapit. nilingon ko ito at si jeno pala. napatayo ako atsaka inayos ang sarili. nagulat siya nang layuan ko siya atsaka tinalikuran. biglang lumungkot ang mukha niya.
i'm sorry jeno but, i have to do it.
“puntahan mo si yujin.” sabi ko habang nakatalikod. nagulat naman yung iba sa sinabi ko lalo na siya.
“pero—”
“i don't need your love jeno so please! puntahan mo siya dahil mas kailangan ka niya.” pagputol ko sa sasabihin niya at nagmakaawa. narinig ko naman siyang bumuntong-hininga na ibig sabihin ay sumuko na siya. yun na rin ang naging hudyat ko para tumakbo palayo sa kanila lalo na sa kaniya.
narinig ko naman ang mga yabag niya papalayo. tumakbo na rin siya paalis habang ako naman ay napapikit dahil sa sakit.
magkaibang direksiyon ang tinahak namin. we separated ways. hindi tugma ang dinaanan namin tulad ng nararamdaman namin para sa isa't isa, di tugma sa oras. right love at the wrong time.
BINABASA MO ANG
U̶N̶DESTINED ¦ 이제노.
Fiksi Penggemar❝ we are u̶n̶destined for each other ❞ ↺ in which a girl named tak eunji knows that she is u̶n̶destined with a boy named lee jeno. Date started: 08/07/20 Date ended: 08/21/20 STATUS: COMPLETED