🍊 - OO2

58 8 18
                                    

E U N J I
[ narration ; lowercase ]

"okay class, you may now go." sabi ng teacher namin atsaka na lumabas ng room namin. last subject namin yon para sa oras na to dahil lunch break na namin.

lumabas na kami ni yujin at masaya akong naglakad sa may hallway namin dahil walang na jaemin na asungot na sumisira sa araw ko simula kaninang first subject namin. well except nung papasok kami ng school siyempre.

nang makarating kami sa may cafeteria ay kaagad na umorder ng pagkain si yujin habang ako naman ay naghanap ng mauupuan. sakto naman na may umalis dahil tapos na sila kumain kaya kinuha ko na iyon.

agad din naman dumating si yujin dala ang mga pagkain namin. nang makaupo na siya at nailapag na niya yung pagkain namin, isusubo ko na sana yung kanin nang may biglang naglapag ng tray na may pagkain sa harapan namin. umangat ang tingin ko sa taong iyon at nadismaya sa nakita.

so i thought...

si na jaemin lang naman ang naglapag non habang nakangiti ng malapad. nang-i-insulto ba to?

magsasalita na sana ako nang unahan ako ng isang boses lalake, "hoy sodium! may nahanap ka na?" tanong nung lalake. that voice...

lee jeno...

"uhm... pwede bang makiupo?" tanong ni jaemin saktong nakalapit na sina jeno at yung iba pang kasama nila. kumaway sila sa min at kumaway naman kami pabalik.

ibubuka ko na sana ang bibig ko nang magsalita si yujin, "oo naman! pwedeng pwede kayo dito." sagot ni yujin kaya pinanlakihan ko siya ng mata. maliban sa nahihiya ako, ayokong nandito si jaemin.

ito kasi namang yujin na to, ang rupok!

umupo na yung iba sa harapan namin habang umupo naman sa tabi ko si jaemin at umupo naman si jeno sa tabi ni jaemin. ang awkward.

habang kumakain kami ay nagdadaldalan sila. nakikisama naman si yujin sa usapan habang tahimik lang akong ngumunguya. minsan kakausapin ako ni jaemin pero tanging tango lang ang isasagot ko. pinagtitinginan na nga kami eh. hindi ko alam kung dahil sa ingay ng mga kasama ko or dahil kasama nila kami ni yujin.

---

"bakit sodium tawag niyo kay jaemin?"

"kasi na jaemin."

"ah..."

"joke kasi yon!"

"ha ha ha! okay sodium?"

"na kasi yon! okay na!"

"bakit ba lagi niyong trip apelyido ko?"

yan ang naririnig ko sa paligid habang naglalakad kami pabalik sa building namin. kakatapos lang namin kumain at natahimik na sila kanina pero ito sila ulit, nag-iingay na naman.

hindi naman sa naiirita ako, natutuwa pa nga eh. hindi ko naman kasi aakalain na magiging close namin sila. except pa rin kay jaemin na gustong-gusto akong asarin.

oo, inasar na naman niya ko kanina. akala ko nga tatahimik na buhay ko pero hindi pa pala psh!

"wala na kayong naiwan na gamit?" tanong ni donghyuck habang sinasabit niya yung strap ng backpack niya. lumingon-lingon kami para tignan kung meron and safe to say na wala naman.

naglakad na kami paalis nang sumigaw bigla si jaemin, "teka!" sigaw niya kaya natigil kami sa paglalakad at lumingon kami sa pwesto niya. nagpaiwan pala ang loko.

lumingon-lingon pa siya sa paligid niya na parang may hinahanap. tinignan naman namin siya ng nagtataka. di nagtagal ay nagtanong na rin ako, "ano bang naiwan mo at hinahanap mo?" tanong ko sa kaniya atsaka lumapit para tulungan siyang maghanap.

"jieun! jieun! nasaan ka?" tanong niya kaya napatigil ako sa paghahanap atsaka siya sinikmuraan. napayuko siya sa sakit atsaka ako tinignan at ngumiti. at nakuha pa niyang ngumiti kahit nasasaktan siya?

"ngayon, nakikita mo na ko?" pagsusungit ko sa kaniya. tumango naman siya habang namimilipit pa rin siya sa sakit sabay nagpeace sign pa siya. naipailing na lang ako saka siya tinalikuran. nainis mo na naman ako jaemin.

"hoy! teka! sandali lang!"

"oh! nandito na tayo. sabay-sabay tayo umuwi mamaya ah?" sabi ni renjun nang marating na namin yung tapat ng room namin ni yujin. nagsitanguan kaming lahat at pagkatapos non ay pumasok na kami ni yujin habang sila naman ay pumasok na rin sa klase nila.

napalingon ako sa labas ng room namin at nakitang nagpaiwan si jaemin kaya tinaasan ko siya ng kilay. bigla siyang nagflying kiss kaya sa inis ko, hinabol ko siya pero napatigil ako sa may pintuan namin dahil nakalayo na siya. bwiset ka talaga na jaemin!

U̶N̶DESTINED ¦ 이제노.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon