🍊 - OO5

48 7 16
                                    

E U N J I
[ narration ; lowercase ]

“that's how i confessed to her while she, on the other hand, confessed to me during valentines.” nakangiting sabi ni jeno sa emcee kaya napatili ito sa kilig. kinikilig ba siya dahil sa kwento or dahil kay jeno mismo?

“gosh! ang sweet naman pala ni mr. lee pero gaano naman kasweet ang soon-to-be mrs. lee?” tanong nung emcee and gave a teasing look. nagsitawanan ng mahina ang mga guests habang napangiti naman ako.

flashback...

february 14th, valentines day. araw ng mga puso ngayon kaya puro puso ang makikita mong disenyo sa buong campus. puro pula nga eh.

hindi naman sa bitter ako pero wala bang ibang kulay maliban sa pula? medyo masakit kasing tignan lalo na kung iisa lang ang kulay.

habang naglalakad ako sa may hallway namin, may mga nakikita na kong nagbibigayan ng gifts tulad ng chocolate at flowers. aga-aga pero ang haharot.

napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko si mark. hinihingal siyang tumigil sa harapan ko. nakayuko at nasa tuhod ang mga kamay. bakit ba kasi tumakbo to? sa kabilang building pa naman klase niya.

nagulat na lang ako nung may inangat siyang kulay pula. ba't naman siya mamimigay ng ganito?

nang makahinga na siya ng maluwag, hinarap niya ko atsaka nagsalita, “since kaibigan naman kita, deserve mong mabigyan ng rosas.” nakangiti niyang sabi. napangiti naman ako atsaka tinanggap yung bulaklak. in fairness, ang fresh pa ng bulaklak.

maglalakad na sana ulit kami nang may marinig kaming sumigaw, “eunji! mark hyung!” sigaw nina jisung, chenle, atsaka renjun habang papalapit sila sa min. nang makalapit sila, sabay-sabay na nag-abot ng pulang rosas sina jisung at chenle. nakangiti ko namang tinanggap iyon at nagpasalamat.

“sabi ko focus lang ako sa studies ko pero ito ako ngayon, namimigay ng rosas since kaibigan kita.” sabi naman ni renjun tsaka inabot yung kaniya. natawa naman kami sa sinabi niya habang napapikit naman siya sa hiya.

“maraming salamat kahit mukhang napipilitan ka lang.” sabi ko ng natatawa. muli silang natawa habang namula naman si renjun sa hiya. cute!

natigil kami sa pagtatawanan nang makita namin si jaemin na casual lang kung maglakad habang may tinatago sa likod nito. pinagtutulak naman ako ng iba papalapit sa kaniya. aray ko ah?

nang malapit na kami sa isa't isa, inilabas niya yung tinatago niya kanina pa. bulaklak rin ito atsaka kulay puti? bakit white rose?

“out of all roses, seriously? bakit white? pinapatay mo na ba ko na jaemin?” tanong ko kaya tinawanan naman ako ng iba habang napakamot naman sa ulo si jaemin. bakit ba kasi white?

“grabe ka naman sa pinapatay! gusto kita so bakit kita papatayin?” sabi niya atsaka ngumuso pero bigla rin nagliwanag ang mukha niya atsaka muling nagsalita, “on a second thought, pwede rin. pinapatay kita ng pagmamahal.” sabi niya sabay taas-baba ng kilay niya habang nakangiti. sinuntok ko siya sa may braso niya at napadaing naman siya, “ouch!” maarteng sabi niya habang hinihimas yung sinuntok ko. “diba pwedeng dahil special ka?” tanong niya. i rolled my eyes at him atsaka naunang maglakad. iniwan sila sa may pwesto nila.

“uy! kinikilig siya!” tukso nila kaya napatakbo ako ng wala sa oras. pinipigilan ko ang ngiti ko habang tumatakbo papunta sa classroom namin.

ba't ako kinikilig?

U̶N̶DESTINED ¦ 이제노.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon