🍊 - OO6

39 7 1
                                    

Y U J I N
[ narration ; lowercase ]

chocolates? check! letters? check! confession? check na check!

eh ako kaya? check na check rin ba sa puso niya?

i know na wala akong pag-asa lalo na't nalaman kong may gusto siyang iba. pero, wala namang masama kung susubukan diba?

di talaga ako sumabay kay eunji pumasok dahil nagprepare ako para sa confession na gagawin ko. yes, magcoconfess ako this valentines sa taong matagal ko ng gusto which is si jeno.

napatingin ako sa may full length mirror dito sa kwarto ko atsaka inayos ang sarili ko. huminga ako ng malalim atsaka ngumiti.

kaya mo to yujin! it's now or never.

---

nandito ako ngayon sa may rooftop ng building namin, hinihintay na pumunta si jeno. sinabihan ko kasi siya na magkita kami ngayong uwian sa may rooftop dahil may mahalaga akong sasabihin sa kaniya.

di nagtagal ay nakita kong bumukas yung pinto kaya biglang umaliwalas yung mukha ko nang makita ko siya ngayon sa harapan ko. akala ko hindi siya darating.

lumapit siya sa kin ng nakangiti kaya di na ko nagpaligoy-ligoy pa at inilabas ko na yung mga regalong itinatago ko sa may likod ko kanina sabay sabing, “surprise! happy valentines day jeno!” masiglang sabi ko sa kaniya. ang kaninang malaking ngiti niya ay napalitan ng tipid. bakit? ayaw ba niya?

“uhm... ito oh! para sayo.” sabi ko ng nakangiti atsaka binigay yung mga regalong inihanda ko para sa kaniya. kinuha naman niya ito pero hindi niya ito ginalaw. napayuko naman ako atsaka napakagat ng labi dahil sasabihin ko na ang dapat kong sabihin.

it's all or nothing yujin!

“jeno...” tawag ko sa kaniya. pag-angat ko ng tingin ay nakatingin pala siya sa kin ng seryoso. “i like you.” sabi ko tsaka napapikit dahil sa magiging reaction niya. there! i said it!

narinig ko siyang bumuntong-hininga atsaka hinawakan ang balikat ko. napamulat ako atsaka napatingin sa kaniya. may mga lungkot sa kaniyang mata.

now i know...

“i'm sorry yujin pero alam mo namang may gusto akong iba hindi ba?” malungkot na tanong niya sa kin. napatango naman ako sa sinabi niya. tama siya, sinabi na niya nung una pa lang na may gusto siyang iba pero ito ako ngayon, umaasa.

niyakap niya ko atsaka paulit-ulit na nagsorry. akala ko okay lang mareject pero masakit pala. akala ko—

“sorry pero si eunji ang gusto ko.”

okay lang na malaman ko na ang best friend ko ang gusto niya pero hindi pala. i felt betrayed.

U̶N̶DESTINED ¦ 이제노.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon