𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 20

315 8 0
                                    














LYLLO'S POV

Sumakay kami sa wheel of fate, number 9 ang ang inupuan namin at mas marami ang mga nakapila rito kumpara sa ibang rides. Siguro dahil smooth lang ang andar nitong ferris wheel at nakaka- relax.

Magkatabi kami ni Rohan ngayon at busy ako sa kaka- tingin sa bawat tanawin. Paakyat na kami pataas kaya kinuha ko sa purse ang phone ko at kinuhanan ng picture ang magandang langit.

Naramdaman ko'ng lumapit si Rohan sa'kin at inalalayan ang bewang ko dahil medyo umuga ang sinasakyan namin sa kalikutan ko.

"Kulay orange 'yung langit sa itaas, oh!" Parang bata ko'ng sabi. Nakaakyat na sa itaas ang sinasakyan namin kaya mas tanaw ko ang kahel na langit. Hapon na kasi at medyo bumababa na ang araw.

Hindi siya sumagot. Nilingon ko siya at nawala ang ngiti ko nang makita siyang nakatitig sa'kin.

"Mag- enjoy ka naman diyan! Wag ka'ng tumitig sa'kin." Nagkunyari akong kumukuha ng litrato kahit na kita ko sa gilid ng mata ko na pinagmamasdan niya pa rin ako.

Naco- conscious na 'ko, hello? Baka mamaya wala ka nang kasama umuwi at natunaw na 'ko rito. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko, ayaw ko ng tinititigan ako.

"It's rude to stare, you know?" Ginaya ko ang sinabi niya sa'kin noon. "Very rude."

Ngumisi siya at kinuha ang cellphone ko. "Stop looking at your phone, look at me."

Hindi ako nagprotesta sa 'pag tago niya ng phone ko sa bulsa niya. Pero hindi ko siya matingnan gaya ng paninitig niya sa'kin kanina pa, nag- isip ako ng paraan upang hindi maging awkward ang ride na 'to. Sana pala nag EKstreme tower nalang kami. Magiging awkward 'to para sa'kin.

Nagawa ko'ng tumitig sa mga mata niya. Ang sinag ng araw ay tumatama sa gwapo niyang mukha pero hindi siya nasisilaw, lalong nadedepina ang berde niyang mga mata na nakatitig sa'kin. His hands are resting on my waist, moving in circular motion. Mas lalo akong nag focus sa mga mata niya.

Siguro nga may gusto na 'ko sakaniya? Pero hindi sapat na dahilan 'yon para sagutin ko siya. Medyo nagugustuhan ko na ang panliligaw at pagiging sweet niya sa'kin, medyo hindi na rin ako nahihiya kapag may sinasabi siyang hindi ko inaasahan.

"Martina," Mahinang usal niya.

"Oh?"

"Are you happy?" He said huskily.

Pumikit ako ng mariin bago tumango, minulat ko ang mga mata ko at lumapit sa kaniya. "Masaya naman ako."

"With me?" Dagdag niya.

Tumango ako. "Yeah,"

"I'm torn," ngumiti siya bigla at hinila ako palapit sakaniya. Hinayaan ko siyang yakapin ako, nilagay ko ang aking ulo sa dibdib niya at pinakinggan ang tibok ng puso niya. Ngumiti ako dahil mabilis din ang tibok no'n.

"Please be patient with me, Rohan..." Napakahina no'n para marinig niya, pero ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa'kin. His chest vibrated because of his chuckles.

THE WILD'S DEEPEST AFFECTION | SILVERVILETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon