ELEVEN

81 24 1
                                    

(Japs POV)

Nagreready na ako para sa gig namin.

Kuyaaaa!nandyan si ate.

hindi ko pa naririnig kung sino ang tinutukoy ni frances ay lumabas na ako sa kwarto ko.

wow kuya excited.

dirediretso lang ako sa may gate at hindi ko pinansin si frances na nang aasar pa.

hi babe!

yumakap ito sakin at hinalikan ako sa pisnge.

o bakit ganyan ung muka mo?

huh wala wala!pasok ka.

dumiretso kami sa kwarto ko.

umupo muna siya sa kama ko habang ako ay abala sa pag aayos ng mga dadalhin ko sa gig.

nasaan ung paborito kong medyas?

what babe?

nang marinig ko ang salitang babe ay parang natauhan ako bigla.

si jul kasi ang nasa isip ko.

hindi ako sanay na wala sya dito ngayon.

wala ecah sorry.

anong ecah?
babe mo ako.

lumapit ito sakin at hinalikan ang noo ko.

napatayo naman ako dahil parang hindi na ako sanay na may ibang babae sa kwarto ko.

sa loob ng 7years si jul lang ang labas masok sa kwarto ko.

okay ka lang ba babe?

kitang kita ko sa mga mata nya ang pag aalala kaya tinigilan ko na ang pag iisip.

yes babe I'm okay.
hindi ko lang talaga mahanap ung favorite socks ko.

okay tutulungan nalang kita.

habang naghahanap kami ay tanong ng tanong si ecah kung anong itsura nito kaya dinedescribe ko naman ito sakanya.

saan mo ba kasi nilagay yon babe?
ang burara mo naman kasi ata e.

nagulat ako na sinabi yon sakin ni ecah.

ayoko ng mag isip pa dahil alam kong mali.

kinuha ko ung phone ko at tinawagan ko na si jul.

Hello jul?

nasaan ka na?

nandito pa ako sa bahay e.
alam mo ba kung nasaan ung pair of socks ko?

kung yung mga black and white socks ang hinahanap mo e nasa may ilalim ng mga maong mo.
pero kung ung favorite mo nasa may ilalim ng favorite shirt mong stripes.

okay tingnan ko lang wag mo ibababa ha?

o ano nandyan ba?

oo jul nandito.

tandaan mo hinihiwalay ko ung favorites mo sa mga karaniwan.

okay okay.
thankyou.

sige na.
bilisan mo na.

nakakatuwa dahil si jul ang mas nakakaalam ng gamit ko kaysa sakin.

bigla ko namang naalala na nandito si ecah.

babe let's go na.

ngumiti ito sakin at kinuha na ang bag nya.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon