THIRTY EIGHT

70 8 0
                                    

(Mirs POV)

naisipan kong puntahan si jul dahil nacurious talaga ko kung anong meron at ako ang ginamit nito para tawagan kagabi.


alam ko naman ang password lock  ng condo nya kaya pagkapalusot ko sa guard ay dumiretso na ako agad sa room nya.


nagulat naman ako ng makita ko syang nakahiga sa sofa.


anong ginagawa nito dito?



tiningnan ko ang itsura nito hindi pa ito nakabihis.



nakatokong ito tapos naka over sized shirt at nakasapatos pa habang nakataas ang mga paa.



inisip ko na lasing ito kaya lumapit ako sakanya at inamoy siya.



hindi ka naman amoy alak.
anong nangyari at hindi ka manlang nakapagbihis at nakahiga sa kama?



maya maya ay gumalaw ito.



napatayo naman ito bigla ng makita ako.



mirs?
hindi ko alam na pupunta ka wala pa akong pagkain e.



natatawa naman ako dahil nataranta itong nagpunta sa kusina.



wag kana magluto.
may dala ako.



tumango naman ito at napatingin bigla sa sarili nya.




oh my god!
hindi pala ako nakabihis.




natatawa ako dahil parang iba ang kinikilos ni jul.




parang hyper ito na ewan hindi ko maintindihan.




dyan ka na muna mirs ha?
maliligo lang ako tapos tsaka tayo kumain.




hinila ko naman ito kaya hindi sya nakaalis.




mamaya kana maligo!
lalamig tong lomi na dala ko.




naupo na sya sa harapan ko.




nakatitig lang ito sa lomi pagkatapos maya maya ay napapangiti ito.




ang ganda ng aura mo ngayon.
anong meron?




napatingin naman siya sakin dahil sa sinabi ko.




h-huh a-ano bang sinasabi mo?




halata kong nauutal pa ito pero hinayaan ko nalang muna siya.




madaldal ito kaya alam kong hindi nya matitiis na hindi magkwento sakin.




nakatapos na kaming kumain.




nasa kwarto nya na kami.




nakahiga ako sa kama nya habang siya naman ay naliligo.




nag online na muna ako at sumilip sa mga social media ko.




habang nag iiscroll ako sa facebook ay nakita kong may nag friend request sa akin.




RJ Cruz sent you a friend request.




nanlaki talaga ang mata ko nung nakita ko kung sino ito.




chineck ko agad ito dahil baka fan account lang.




alam kong hindi dahil nakaprivate ito.




Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon