FORTY FIVE

70 8 0
                                    

(Jul's POV)

pagkagising ko ay hinanap ko na agad si japs.

naghilamos na muna ako at tsaka lumabas ng kwarto ko.

napangiti naman ako nang makita ko si japs na nasa kusina.

goodmorning japs.

binati ko ito dahil kahapon at nasungitan ko ito kaya babawi ako ngayon.

hindi naman ito kumibo kaya nagtaka ako.

lumapit ako sakanya.

sinisilip ko ang kung anong ginagawa nito.

tinakpan nya naman ng katawan nya ang space kaya hindi ko ito makita.

mas matangkad naman kasi siya sakin kaya mas mabilis nya maitago kung ano man ito.

naupo nalang ako at hinintay kung anong gagawin nya.

binuksan ko muna yung cellphone ko.

ang dami namang text sakin ni mirs kaya nagulat ako.

(Almira 5:21am)

goodmorning jul.

(Almira 6:49am)

jul gising ka na?

(Almira 7:10am)

nandyan si japito noh?
uyyy!

(Almira 8:44am)

ay mamaya pala samahan mo ako sa mall ha?

(Almira 11:29am)

1st anniversay na nga pala namin ni rj sa makalawa,tulungan mo ako pumili ha?iloveyou juliana.

natuwa naman ako na parang ang bilis at first anniv. na nila agad ni rj.

magrereply palang sana ako kay mirs pero hinablot ito ni japs at binulsa.

napakamot nalang ako ng ulo.

natuwa ako ng ilapag nya yung pinggan na kanina nya pa pinagkakaabalahan.

fried rice ito at may fried egg and hotdog.

nagulat naman ako sa cappucino na nilapag nya sa tabi nito.

omg!ang ganda ikaw gumawa?

ginawan nya pa ng art ito na rose ang nakalagay.

yan lang kinaya ko e.
bati mo na ako?

napatingin naman ako sakanya.

para itong bata na nakikipag bati.

akin na yung phone ko!

hindi nya ito binigay ang iniabot nya ay phone nya.

nagtaka naman ako pero kinuha ko nadin dahil pipicturan ko lang naman ito at ipopost ko mamaya sa ig ko.

nanlaki naman ang mata ko nang makita ko ang wallpaper ni japs.

ako ito habang natutulog.

nakanganga pa ako habang may laway pa na patulo sa gilid ng labi.

napatakip naman ako sa mukha ko.

ahhhh japeeeettthhhh!

HAHAHAHAHAHAHA
ang cute mo dyan!

parang mapapahiga na ito kakatawa dahil sa sobrang pagkapahiya ko.

tumawa lang din ako sa huli dahil wala naman akong magagawa pa at nakita na nya akong ganun.










Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon