TWENTY SIX

84 11 0
                                    

(Japs POV)

Nasa bahay lang ako buong araw.

nagpahinga lang ako dahil may gig na ulit kami bukas.

9:39pm na kaya parang inaantok na ako pero biglang tumunog ung phone ko kaya nataranta akong kunin ito.

Hello jul?
himala gising ka pa?

pwede pumasok?
nandito ako sa tapat ng bahay nyo.

inisip ko na nagloloko lang ito pero hindi nman nya gawain iyon kaya nataranta akong dumungaw sa bintana ng kwarto ko.

nakatingin naman siya sa bintana at kumaway pa sa akin.

okay ibaba ko na to nandyan na ako.

pinapasok ko sya agad.

tahimik lang kami dahil tulog na sila mama.

dumiretso kami sa kwarto ko.

iniwan ko muna sya at kumuha ako ng tubig dahil parang nanghihina ito.

nakaupo sya sa kama ko kaya tinabihan ko sya.

okay ka lang?
saan ka ba galing?

lumingon siya sakin.

kumunot naman ang noo ko ng mapansin kong kalat ang makeup nya kaya kumuha ako ng tissue.

lumapit ako sakanya.

ano ba yan?

umiilag pa siya pero hinawakan ko lang ang mukha nya kaya di na siya nakapalag pa.

habang tinatanggal ko ang makeup nya ay nakatitig lang siya sakin.

napahinto ako sa ginagawa ko ng makita kong may luhang tumulo sa kaliwang mata nya.

umiiwas siya ng tingin pero dko sya binitawan.

hinawakan ko siya sa likod at niyakap siya ng mahigpit.

bigla namang lumakas ang paghikbi nya ng yakapin ko siya.

sa bawat pag iyak nya ay ramdam kong sobra syang nasasaktan.

hindi pa man nya nasasabi sakin ang dahilan ay alam kong si chael ito.

nakita ko din kasi ung huling pinost nya sa facebook nya kaya alam kong magkikita sila.

hinagod ko ang likod nya at pilit pinapalakas ang loob.

i'm here juliana.
please stop crying.

maya maya ay bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin.

pinigilan ko namang matawa dahil kumalat ung makeup nya lalo.

napatingin naman siya sakin.

hindi ko na napigilan pa ang tumawa dahil nagmuka itong sabog.

napahiga ako sa kama ko habang natawa padin.

hinampas naman nya ako sa tiyan.

kainis ka talaga kahit kelan!
nagmomoment ung tao e.

tawa padin ako ng tawa.

napahinto naman akong ng iunan nya ang ulo nya sa braso ko at humiga din.

hindi ako makagalaw dahil baka mahirapan sya kaya nanatili akong nasa ganung pwesto.

medyo nangangalay na ako kaya sinilip ko sya dahil natahimik na ito.

nakatulog na pala sya habang nakaunan sa braso ko.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon