TWENTY TWO

78 13 1
                                    

(Japs POV)

8am na ng magising ako.



ahh sakit ng ulo ko!



parang sasabog sa sakit ang ulo ko.



pagtayo ko ay nagpunta agad ako sa bathroom para maghilamos at magmumog.



nagulat ako nang makita ko ang isang coat tapos may maong pa dito pero mas nagulat ako ng may tube dito.



sobrang lakas ng kaba ko dahil sa nakita kong mga damit ng babae.



kanino to?
anong nangyari kagabi japeth!



paglabas ko ay hinanap ko ay natapilok naman ako dahil sa naapakan ko.



nagulat ako nang makita ko na heels ito.



dahil don ay hindi ko napigilang sumigaw.



maaaaa!
francesssss!
ateeeeee deaaaaaa!




dali dali namang pumasok si mama sa kwarto ko.



ano ba ke aga aga sigaw ka ng sigaw dyan!



ma kanino ba to?



jusko naman japs natutulog pa pala ung tao napakaingay mo!bahala ka nga!



napalingon ako sa tiningnan ni mama bago nya isara ang pinto ng kwarto ko.



nakita ko agad na natutulog si jul sa couch.



parang nakahinga ako bigla dahil si jul ang sagot sa kanina ko pang sagot.



kung ano anong kalokohan na ung naisip ko tsk!



nilapitan ko si juliana.



tulog na tulog pa ito.



hinawi ko ang buhok nya dahil kalat kalat ito sa mukha nya.



hindi ko mapigilang matawa ng makita kong nakanganga pa ito.



bigla syang gumalaw pagkatapos ay dumilat.



nagulat pa sya nang makita akong nakatingin sakanya.



umupo ito agad agad.



ano ba?
sobrang close mo naman sakin!



lalo akong natawa sa unang salitang nasabi nya pagkagising.



HAHAHA reklamo agad?
hindi muna goodmorning?



inirapan lang ako nito.



ang cute nya talaga pag naiinis siya sakin.


bakit ka nga pala nandito?



tumingin ito sakin ng masama.



magtatanong ka pa talaga japeth!
malamang lasing na lasing ka po kagabi tapos ako ang nag aakay sayo pero anong ginawa mo?sinukahan mo ko!



natatawa talaga ako pero pinigilan ko ito at itinaas nalang ang kamay ko sa ere na parang sumusuko.



sorry na.



kinurot ko pa ang pisnge nito.



tsk!hindi mo ko madadaan sa pagpapacute mo japeth!



Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon