THIRTY ONE

71 9 3
                                    

(Japs POV)

habang kumakain kami ay tahimik lang si jul.

pinagbihis ko nadin siya dahil baka lamigin lang siya.

12am na ngayon at nagyayaya nanaman silang uminom pero tumanggi ako.

naaalala ko pa kasi yung gulo na nagawa ko noon kay jul dahil sa pag inom kaya sinabi kong hindi na muna.

si jul naman ay pinililit ni gwy na uminom.

pinipigilan ko siya dahil kakagaling lang nya sa sakit.

huwag ka na muna uminom.
pwede ka naman tumanggi e.

nakakahiya kaya.
baka sabhin nila namamana na ako sa pagiging killjoy mo!

sumimangot naman ako sakanya dahil sa sinabi niya.

tara na kasi jul minsan lang naman e.
hayaan mo ng si japs lang ang KJ satin.

sabi ni gwy kay jul pero ako ang sumagot sakanya.

huwag nyo na munang pilitin si jul.
hindi muna siya iinom ngayon!

madiin kong sabi at nagtinginan naman silang lahat sakin dahil parang napalakas ata ang boses ko.

bakit boyfriend ka ba nya para pigilan mo siya?

sa sinabing iyon ni gwy ay napahiya talaga ako ng sobra.

lalo na't nagsigawan pa sila carl dahil sa pang aasar sakin.

pakiramdam ko ay kumapal ang pisnge ko dahil sa pagkapahiya.

nilingon ko naman si jul at tahimik lang ito at parang pilit lang naman ang tawa.

tumayo ako at kinuha ang towel ko.

tsk!bahala kayo!
uminom kayo hangga't gusto nyo!

lalo namang nagtawanan sila carl dahil sa inasta ko.

nasa kwarto na ako ngayon.

si chael ang kasama ko kaya malalaman ko kung tapos na sila kapag nandito na siya.

mga 2am ay narinig ko na pumasok na siya.

nakahiga ako at nakatalikod kaya hindi ko alam kung sino ang dumating.

japs?
alam kong gising ka pa!

boses ni carl ang narinig ko kaya lumingon ako.

bitbit nilang dalawa ni rj si chael.

hindi na kasi ito makalakad ng tuwid kaya buhat na nila ito.

mukha namang hindi lasing si rj at carl dahil nakaya pa nilang mag alalay ng iba.

si juliana nandun,puntahan mo.

napatayo naman ako dahil sa sinabi ni rj.

pinuntahan ko agad si jul.

nakahiga ito sa sahig kaya pinilit ko syang buhatin kahit na ang bigat bigat nito.

dinala ko sya sa room nila ni gwy.

pagkapasok ko ay nagulat pa ako dahil gising na gising pa si gwy.

hindi ka lasing?

tanong ko sakanya para naman maalis ang tingin nya dahil kitang kita nya na buhat buhat ko si jul.

hindi naman ako uminom masyado e.
naaliw lang ako sa mga kwento ni jul.HAHAHAHA dami kong nalaman.

pinilit kong ngumiti kahit na bigat na bigat ako kay jul.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon