THIRTEEN

75 22 1
                                    

(Chael's POV)

sa bawat hakbang namin ni jul sa haunted house ay kabang kaba ako.

hindi ko lamang ito pinapahalata sakanya dahil ramdam kong takot na takot siya.

pero nkakalimutan ko ito dahil hawak ko ang kamay ni jul.

masaya akong kasama ko siya ngayon.

habang panay padin ang sigaw ni jul ay ako naman ay pinipigilan ang gulat.

nkikita ko na ang pinto palabas kaya medyo nakakahinga na ako.

ngunit bago pa man kami makalabas ay nagtatalon si jul at umikot ikot.

dahilan para magdampi ang mga labi namin.

tumagal ng ilang segundong magkadikit ito dahil hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin.

hindi ko nakikita ang reaksyon ni jul ngunit nadadama ko na nagulat din siya gaya ko.


hindi ko inaasahan na mangyayari ito.

nang bumukas ang pinto ay natamaan kami ng liwanag mula sa labas kaya parang automatic na kumilos kami pareho ni jul palayo sa isa't isa.

binitawan nya nadin ang kamay ko at nauna siyang lumabas.

hindi ako makatingin sakanya.

hindi ko alam pero parang hiyang hiya ako dahil hindi ko talaga inasahan na ganun ang mangyayari.


nakatingin lang si jul kung saan.

nakahawak siya sa tuhod nya at nakatanaw sa malayo.

bumubuga buga pa ito ng hininga.

malamang ay natatakot padin ito.

hindi ko naman magawang lapitan o kausapin siya dahil naaalala ko padin ang nangyari.

biglang tumakbo ung mga tao palapit sa gitna.

si jul naman ay parang gustong makigulo kaso di alam ang gagawin.

hinawakan ko ang kamay nya.

napatingin naman sya sakin.

habang hawak ko ang kamay nya ay hinihila ko siya patakbo sa gitna.

hindi ko siya binitawan kahit na nasa gitna na kami.

maya maya lang ay biglang sunod sunod na nagputukan ung mga fireworks.

nakatingala lang kami pareho ni jul.

hindi ko maiwasang titigan siya habang nakangiti itong nakatingala.

sobrang ganda nya talaga.

tanaw na tanaw ko sa mukha nya ang paghanga sa nakikita.

kita ko din ang mga fireworks sa mga mata nya na lalong nagpapaganda nito.

dinukot ko sa bulsa ko ang phone ko at kinuhaan ko siya ng dalawang shots na pictures.

hindi pa ako nakuntento at vinideohan ko siya habang siya naman ay hindi naaalis ang mga ngiti sa labi.

napaiwas naman ako ng tingin sa labi nya.

bigla akong nakaramdam ng ilang dahil sa nangyari sa haunted house.

dali dali kong inistop ung video nung titingin na siya sa akin.

sinave ko na ito at itinago sa bulsa ko.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon