FORTY SIX

66 7 1
                                    

3 WEEKS LATER

(Chael's POV)

nasa bahay lang kaming lima ngayon nila carl.

may gagawin kasi kaming vlog ngayon para sa mga juanistas.

pagkatapos namin ay naisip kong umuwi nalang muna pero napansin kong parang may problema si japs.

pasakay palang ito sa kotse nang habulin ko ito.

broooo!

napalingon naman siya sakin.

tiningnan nya lang ako na parang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

saan ka ngayon?
may gagawin ka pa?

wala naman bro pauwi nadin.

ngumiti naman ako sakanya.

tara sa bahay?

yaya ko sakanya.

bahay?
bakit wala ka pa din bang kasama?

hindi natuloy umuwi sila mama e.
ano game?

ngumiti naman ito ng bahagya at tsaka tumango.

sumakay na ako sa kotse ko at sinundan nalang niya ako pauwi sa bahay.

pagkarating namin ay sa living room ko muna siya pinagstay at tsaka inayos ko muna ang kwarto ko.

naghanda muna ako ng anim na beer in can at tsaka ko siya tinawag.

nasa kwarto na kami.

tumungga agad ito sa beer na iniabot ko.

marami nadin kaming napag usapan pero hindi pa namin napag usapan yung gusto kong malaman tungkol sa problema nito.

nakakaisang beer palang ako at siya naman ay pang apat na.

pero hindi nya ata napapansin dahil parang may tama nadin ito.

hindi muna ako umimik.

alam ko namang magkukwento ito kapag nalasing ito.

hindi lang ito ang unang beses na nakita ko itong namorblema.

hindi mahahalata na problema ito dahil masaya padin siya sa harap ng tao.

pero ako kilala ko ang mga kilos niya,alam ko kung masaya ba ito o malungkot.

maya maya bigla nalang itong nagsalita.

nahihirapan na ako bro.

nagulat ako pero nagtanong ako sakanya kung ano ba ang dinadala nya.

bakit bro?
magkwento ka lang makikinig ako.

tumungga muna ito ng beer at tsaka nagsalita.

hindi ko alam pero mahal ko na si jul.

hindi na ako nagulat sa sinabi nya.

noon pa man ay alam ko na.

nung unang naging malapit kami ni jul ay halata kong nagseselos si japs samin.

yung time na nasa beach kami dahil birthday ni ecah,alam kong iba ang mga tingin nya kay ecah pero hindi iyon kagaya kung paano nya tingnan si jul.

mali na ginusto ko si jul kahit noong una palang ay alam ko ng gusto ito ng kaibigan ko.

hindi naman kasi mahirap mahalin si jul.

nagsalita ulit si japs kaya nawala ang mga iniisip ko.

sa tingin ko magagalit siya sakin kung aamin ako sakanya kaya natatakot ako,ayokong mawala si jul sakin bro.

Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon