Keziah's POV
Nang pinunasan ni Raven ang labi ko alam ko namumula na ako sa kilig dito dahil bigla nya nalang pinunasan kaagad ang aking labi.
Napatingin ako sa labi ni Raven parang ang sarap halikan ba.
Nang matapos kami kumain nila Raven, Audrey at Nicole.
Nagpaalam kami kay Raven na magrerestroom muna kami tatlo.
Ang mga gaga!
Kinikilig sa mga nasaksihan nila.
"Wow Keziah! Wow! Pulang pula ka ha." Audrey said.
"Kilig kaba girl?" sabay sabi ni Nicole at humalakhak sila dalawa ni Audrey
"Heh! Magsitigil kayo ha!" tugon ko sa kanila
"Hahahahaha." tawa nila pareho kaya napapatingin na ang iba sa kanila. Hays.Nicole's POV
Nang makarating kami sa Unibersidad galing sa Mall madaming mga kababaihan na tumitili ng makita si Raven.
Sino bang hindi mapapatili?
Kung may kasama kang gwapong nilalang diba?
Habang papunta kami sa classroom nila Audrey, Raven at Keziah.
Panay ang asar namin ni Audrey kay Keziah tungkol sa nangyari kanina sa Mall.
Nang makarating kami sa aming classroom saktong sakto naman ang pagdating ng Professor namin.
Habang naglelesson kami panay ang tingin naman ni Keziah kay Raven.
At ang gaga!
Pulang pula na naman sa kilig.
HahahahahahahaTinignan ko si Audrey sabay turo kay Keziah na pulang pula si kilig.
At ang lokaret na babae may plinaplano na naman yata kay Keziah at Raven para mamaya.
Hays.
Someone's POV
Raven, babalik na ako.
Magiging masaya na tayo dalawa.
Hintay lang Raven.
Sabay napatingin ako sa litrato namin dalawa nong mga bata pa kami.
Raven's POV
Nang matapos ang klase namin bigla ako lumapit kay Keziah para ihatid na sya sa kanila.
Habang tinutulungan ko sa pag aayos sa gamit si Keziah bigla naman lumapit ang dalawa naming kaibigan sa amin at nagpaalam na uuwi na sila.
Nang matapos na kami sa pag aayos ng gamit ni Keziah.
Niyaya ko na sya na uuwi na kami at tumango naman sya kaagad.
Nang nasa tapat na kami ng motor ko bigla na ako sumakay at inangkas ko naman si Keziah at pinaharurot na ito.
"Kapit ka sa akin Keziah!" wika ko sa kanya.
"O-okay?" utal utal na sabi ni Keziah at bigla yakap sa akin ni Keziah at minadali ko na ang pagpapatakbo ng motor dahil hating gabi na.Nang makarating kami sa bahay nila Keziah bumaba na sya ng motor ko at nagpaalam na ako sa kanya.
Nginitian nya lang ako at kinawayan lang kaya tumango nalang ako sa kanya.
Nang makarating ako sa bahay namin nakita ko ang aking kapatid na nanunuod ng basketball hindi ko na sya pinansin at bigla nalang ako tumaas ng aking kwarto para makapagpahinga na dahil sa sobrang pagod ngayon araw.
Keziah's POV
Nang makauwi na si Raven pumasok na ako sa loob at dumiretso na sa kwarto ko.
Busog pa naman ako kaya hindi ako nagugutom.
Nang makapasok na ako sa kwarto ko dumiretso na ako sa kama ko at nahiga na lamang at nakatulog na ako dahil ramdam ko pagod na pagod ako maghapon.
Maaga ako gumising ngayon araw at ginawa na ang mga routine ko.
Pagkatapos ko gawin ang mga routine ko bumaba na ako ng aking kwarto at lumapit kay Mama na nasa kusina habang nagluluto nag almusal namin.
"Mama bakit ang aga nyo gumising po? Dapat ako nalang po nag asikaso nyan." wika ko kay mama
"Ayos lang anak. Kaya ni mama to!" sabay nginitian ako ni Mama at tinulungan nalang kaagad syaHabang tinutulungan ko si Mama bigla may kumakatok sa pintuan namin.
At nang bumukas yon laking gulat ko na mapagtanto si Raven pala yon.
Napapalagi na sya dito sa amin pero hindi ko parin alam kung mag ano kami dalawa dahil sobrang sweet namin ni Raven.
Nang makapasok si Raven sa loob ng bahay namin pinaupo ko muna sya sa sofa namin dahil alam ko napagod din sya sa pagmamaneho ng kanyang motor.
"Good morning Tita!" pagbati ni Raven kay Mama sabay nagmano ito kay Mama bilang tugon na pag galang
"Good morning din iho. Hintayin nyo nalang to malapit naman na din ako matapos sa niluluto ko." tugon ni Mama kay Raven
"Sige po tita. Mukhang masarap na masarap naman po yan mapapadami na naman po ang kain ko." wika ni Raven
"Oo naman anak!" tugon ni Mama kay Raven.Napangiti nalang ako at pinagmasdan ng pasimple si Raven.
Hays.
Ang gwapo nya talaga nakakainis!
Dapat sa akin lang sya.
Dami dami kasi babaeng linta na tumitingin sa kanya.
Bwusit.
Nakakapangselos tuloy.
Someone's POV
Sana ako nalang sya.
Sana ako nalang una mong nakilala at hindi na si Raven.
Sana ako ang nagpapasaya sayo palagi.
Babawiin kita sa kanya Keziah.
Babawiin ko ang pag mamamay ari ko at hindi sa tao na yon.
At pinagmasdan ko sya sa malayuan habang nakatingin naman aking kapatid kay Keziah.
Keziah's POV
Nang matapos na kami kumain. Nagpaalam na kami kay Mama na papasok na kami dalawa ni Raven.
Binilinan kami ni Mama na mag iingat daw kami dalawa ni Raven at tumango nalang si Raven kay Mama.
Hays.
Boto talaga si Mama kay Raven.
Boto din naman ang mga magulang ni Raven sa akin kaso hindi ko talaga alam kung ano kami dalawa.
Hindi pa ni Raven alam ang nararamdaman ko para sa kanya kaya wala syang kaalam alam na kung ano.
Nang makarating kami sa Unibersidad ni Raven nakita namin ang mga barkada namin na naghihintay sa amin ni Raven.
"Oh! Ayan na pala ang Lovebirds." sabay halakhak ni Audrey.
"Tagal nyo dalawa nagdate pa ba kayo?" ngisi sa amin ni Nicole.
"Hindi no! Hindi kami nagdate na dalawa." wika ko at inirapan sila
"Masyado kang defensive, Keziah Montenegro." aniya ni Audrey kaya't napahalakhak naman si Nicole sa sinabi ni AudreyIniwan ko na sila tatlo at nagpapadyak ako dahil hanggang ngayon wala parin silang tigil sa kanilang pang aasar sa aming dalawa ni Raven.
"Sana nga nagdate diba?" bulong ko at napairap ako sa sobrang inis dahil sa dalawa na iyon
Tch.
Mga kaibigan ba namin tong dalawa to?
Tch.
YOU ARE READING
I FELL INLOVE WITH MY BOY BESTFRIEND (COMPLETED)
Storie d'amoreBest friend, the person whose always with you through ups and downs, the person who loves your flaws and the only person who understands you in your worst, but what if fate put its twist? What if I suddenly realize that he's no longer just a bestfr...