Keziah's POV
Hindi lang kaibigan o ano pa ang tingin ko kay Raven.
Kaso kaibigan lang pala ang tingin nya sa akin.
Napangiti ako ng mapait sa sinabi ni Raven, kaibigan.
Raven's POV
Umiwas ng tingin sa akin si Keziah. Bakit ba ayaw nya sabihin sa akin ang dahilan nya?
Tch.
Nang hindi parin ako pinapansin ni Keziah tinawag ko sila Audrey at Nicole.
Sinabi ko sa kanila na kausapin nila si Keziah dahil ewan ko kung bakit ganito nararamdaman ko simula nong hindi na ako kinakausap ni Keziah.
Tch.
Nicole's POV
Nang mapansin namin hindi nagpapansinan ang dalawa bigla kami tinawag ni Raven at sabi nya kausapin daw namin si Keziah.
Kaya pumayag kami sa kagustuhan ni Raven.
Siguro hindi sanay ng ganito si Raven dahil tuwing may problema sila dalawa naaayos din naman kaagad pero ngayon kakaiba na kasi.
Azriel's POV
Flashback
Nang makita ko mag isa lang kumakain si Keziah sa Cafeteria hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya.
Dahil iyon na ang chance ko na makita ko at makasama ko ang babaeng mahal ko kaso may sagabal pa at gusto ko nang mawala na si Raven kaya tinawagan ko na si Andrea ang aking kapatid na gawin na nya mapasakanya si Raven at sumangayon naman sya.
Habang nasa Cafeteria ako nakita ko si Keziah na mag isa lang kaya hindi na ako nag abala hindi sya lapitan at tabihan.
"Hi! Pwede makishare?" wika ko kay Keziah habang pinagmamasdan ko sya ng malapitan.
Napakaganda nya talaga at maamo ang kanyang mukha.
"Sure!" tugon ni Keziah sa akin habang hindi ito tumitingin sa akin
"Hi Keziah! My name is Azriel." wika ko kay Keziah
"H-how did you know my name?" pautal utal nyang tugon sa akin
"Find your own babe!" sabay tayo ko sa kinaupupuan ko at kinindatan syaEnd of Flashback
Alam kong gulong gulo na ang kanyang isipan at yon ang gusto ko mangyari sa kanya.
At sa susunod na pagkikita namin akin na si Keziah at wala nang magiging sagabal pa.
Someone's POV
Nang sabihin sa akin ni Kuya na napalapit na sa kanya si Keziah hindi na ako nag atubili na mag enroll sa kanila Unibersidad para makasama ko na si Raven.
Kaunting tiis nalang Raven mapapasakin ka na.
Raven's POV
Nang matapos na ang klase hudyat na uwian na.
Nilapitan ko si Keziah at tinulungan sya sa pag aayos ng mga kanyang gamit.
Habang tinutulungan ko sya sa pag aayos sa kanyang gamit hindi ko maiwasan na pagmasdan ang kanyang mukha sa malapitan.
Maganda si Keziah actually nasa kanya nang lahat ng gusto ng mga lalaki kaya hindi din maiwasan ng ibang lalaki na pagmasdan si Keziah.
Nang matapos kami sa pag aayos ni Keziah lumabas na kami ng aming classroom at dumiretso na sa parking lot.
Kotse na dinala ko para hindi mahirapan pa si Keziah.
"Kanino sasakyan to?" tugon ni Keziah
"Sa akin. Sakay ka na." sabay pinagbuksan ko sya ng pintuan at sumakay naman na sya.Habang nagmamaneho ako hindi ko namalayan na nakatulog na si Keziah sa sobrang pagod.
Tinigil ko muna ang sasakyan ko at tinititigan ko muna sya.
Napakaganda nya talaga kahit na dati pa.
Malapitan o malayuan.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kaya unti unti ko nilapit ang aking mukha sa kanya para akong inaakit ng kanyang mga labi.
Nang makita ko magigising na si Keziah lumayo na kaagad ako dahil baka mahuli nya pa ako.
"Saan na tayo?" usal ni Keziah
"Nasa sa inyo na." wika ko sa kanya
"Sorry! Nakatulog pala ako. Hehehehe." akward na tugon ni Keziah
"Ayos lang yon atleast nakapagpahinga ka." wika ko
"Thank you nga pala sa paghatid Raven. Ingat ka." ani ni Keziah sabay bukas sa pintuan ng kotse ko
"Walang anuman! Salamat." sabay tugon ko sa kanya at nginitian ko syaNang makababa na si Keziah sa kotse pinaharurot ko na ang kotse ko para makauwi na kaagad ako sa amin.
Nang makarating ako sa amin.
Binuksan ko na kaagad ang pintuan ng kotse ko at lumabas na kaagad ako.
Binuksan ko ang pintuan namin at napatingin ako kay Mama na nagluluto ng pagkain namin.
"Anak luto na to ulam natin. Tara't kumain na tayo!" wika ni Mama
"Busog pa po ako Ma." usal ko sabay taas na sa aking kwarto at nahiga na kaagad ako sa kamaHindi mawala wala sa aking isipan ang pinkish na labi ni Keziah pero mali magkaroon kami ng relasyon na dalawa dahil kaibigan lang ang turi ko sa kanya.
Pinikit ko ang aking mga mata at bigla dumamba ang malaanghel na mukha ni Keziah.
Tch.
Keziah's POV
Nang makaalis na si Raven dire diretso ako pumasok sa loob ng bahay at naabutan ko si Mama na nagluluto ng pagkain namin.
"Anak nariyan ka na pala. Halika't kumain na tayo." wika ni Mama
"Opo Mama! Susunod po. Magpapalit lang po ko ng damit ko at itataas ko lang po sa kwarto ko mga gamit ko at bababa na po ako para makakain na po tayo!" wika ko kay Mama
"Sige." usal ni MamaNang makapagpaalam ako saglit kay Mama na itataas ko lang ang mga gamit ko at magpapalit lang ako ng aking damit ko sumang ayon naman ito kaya't nagmadali ako sa aking gagawin.
Nang matapos ako magpalit at ng maitabi ko na mga gamit ko bumaba na ako kaagad dahil alam ko naghihintay si Mama sa akin.
Habang kumakain kami hindi ko maiwasan na hindi mapangiti sa sobrang sarap ng niluluto ni Mama.
Tutuparin ko ang maging Chef sa isang restaurant para kay Mama dahil iyon ang pangarap ko at hindi lang yon iyon ang gusto ko ang iregalo ko sa mga magulang ko ang magkaroon kami ng sariling Restaurant.
Nang matapos na kami ni Mama na kumain sinabi ko kay Mama na magpahinga na sya at ako na bahala sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin.
Sumang ayon naman si Mama sa gusto ko dahil alam ko pagod din si Mama sa kanyang mga ginagawa dito sa bahay.
At ayoko naman magkasakit o mapagod ang Mama ko.
YOU ARE READING
I FELL INLOVE WITH MY BOY BESTFRIEND (COMPLETED)
RomanceBest friend, the person whose always with you through ups and downs, the person who loves your flaws and the only person who understands you in your worst, but what if fate put its twist? What if I suddenly realize that he's no longer just a bestfr...