Keziah's POV
Tanghali na ako ng magising dahil Sabado naman ngayon.
Habang nakahiga ako sa kama ko napangiti ako ng mapansin kong nakatingin sa akin si Raven at masayang masaya ito.
"Hey, sleepyhead. Tanghali na. Tulog ka parin. I love you so much." aniya ni Raven
Napangiti ako at hindi ko maiwasan hindi kiligin dahil ang crush ko lang dati ay magiging Asawa ko na bukas.
Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at sabay kami bumaba ni Raven sa kusina at hindi ko maiwasan na mapangiti.
Napansin kong nasa kusina na si mama kaya't binati ko ito.
"Good Morning, Mama!" aniya ko rito at humalik ako sa pisngi ni mama
"Good morning din anak. Nalate ka ng gising hindi pwede ganiyan bukas okay? Bukas na ang kasal nyo ni Raven kaya maaga aga kang matulog. We are so proud of you anak. Hindi na baby ang anak ko. Always remember that. That, I love you so much anak. Mahal na mahal ka namin ng mga kapatid mo at ng Papa mo. Ingatan mo ang sarili mo okay?" mahabang wika ni Mama sa akin at nginitian nya ako kaya niyakap ko sya ng mahigpit
"Lagi ko pong tatandaan yan Mama. Mahal na mahal ko din po kayo. Kayo nila Papa at ng mga kapatid ko. You're the best Mama ever!" wika ko kay Mama at nginitian ako ni MamaUmalis na si Mama para ipagpatuloy nya ang kanyang pagluluto kaya pumunta muna ako sa Garden namin para magpahangin.
Napatingin ako sa pala singsingan ko at hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Bukas na! Ganap na ako bilang isang Mrs. Keziah Montenegro Morrison." bulong ko at napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng simoy ng hangin
Napansin kong nakabihis ng pang alis si Raven, kaya't nagtaka ako rito.
"Saan ka pupunta?" aniya ko rito
"Kila Audrey lang." aniya nito sa akin
"Sama ako!" aniya ko rito
"Huwag na. Ayoko mastress ka baby. Bukas na ang kasal nating dalawa oh?" aniya nito sa akin
"Tch. Sige na nga! Basta umuwi ka kaagad ha?" aniya ko rito at hinalikan ko ito sa kanyang labi na syang tinuguan naman ni Raven
"Yes, boss. I love you." aniya nito
"I love you so much!" aniya ko rito at nagmadaling umalis kaagad si RavenMegan's POV
"Hindi mangyayari ang kasalan na magaganap bukas." bulong ko
Napatingin ako sa aking cellphone at tinawagan ko si Raven.
"Raven." aniya ko
"Hello? Sino ito?" aniya ni Raven sa kabilang linya
"You forgot me. It's me, Megan! Raven. I need your help, please?" wika ko kunwari'y umiiyak ako
"Megan? Where the heck are you?" bulalas ni Raven
"Sa bahay ko. Please, Raven help me." aniya koNarinig ko nalang sa kabilang linya na namatay ang tawag at dagli dagli ko nilagyan ng pangpatulog ang inumin ni Raven para ready na ang lahat.
Mapapasaakin ka din Raven.
Napangisi ako dahil sa akin din ang uwi ni Raven ngayon gabi.
At hindi ko hahayaan na pakawalan ka pa, Raven.
Raven's POV
Nang tumawag sa akin si Megan kaninang umaga, nag ayos na kaagad ako at dali dali ako bumaba at napansin ko na nasa sala si Keziah kaya't nagpaalam kaagad ako kay Keziah na may pupuntahan lang ako ngunit hindi nya alam na tinawagan ko na sila Audrey at Nicole dahil alam kong may maling mangyayari kaya't tinawagan ko sila Nicole at Audrey para samahan ako pumunta kila Megan.
Pumayag naman sila dahil alam nila din na sobrang desperada ni Megan sa akin at gusto nya mapasakanya ako pero hindi na pwede dahil bukas na bukas magpapakasal na kami ni Keziah para wala nang tumutol pa.
Nang mapansin ko nandito na ang dalawa sumakay na sila ng kotse ko at pinaharurot ko na ito habang tinatahak naming papunta kila Megan bigla nagsalita si Audrey na nasa tabi ko lang.
"Alam mo Raven, masasampal at masasabunutan ko na yan Megan na yan. Masyado syang desperada na makuha ka kay Keziah kaya nya sinisiraan si Keziah para layuan mo si Keziah. Psh!" iritable wika ni Audrey
"Kaya nga Raven. Paano mo ba yon naging kaibigan?" Nicole said
"Sya unang lumapit sa akin noong mga High School pa tayo kaso hindi tayo magkakaklase non." sabay tugon ko
"Tch. Iba kutob ko talaga, Raven. Buti sinama mo kami." wika ni Audrey
"Same as mine, Audrey." lintayan naman ni NicoleNicole's POV
Nang sabihin ni Raven na pinapapunta sya ni Megan sa bahay nito bigla kami tinawagan ni Raven na samahan daw namin sya kaya pumayag na din kami dahil wala naman din kami tiwala sa Megan na iyon.
Habang tinatahak namin papunta kila Megan biglang nagtext si Keziah sa akin at humihingi ito ng tulong para sa surprise nya kay Raven.
Napangiti ako dahil crush lang ni Keziah si Raven dati pero bukas, isa na syang ganap na Mrs. Keziah Montenegro Morrison.
Sinabi ko naman sige kaya hindi na ito nagreply pa.
Nang makarating kami sa bahay nila Megan bumaba na kami ng kotse ni Raven.
Megan's POV
Nang may kumatok sa pintuan dagli dagli ako nag ayos at pinagbuksan ito.
"Rav---." pagtatawag ko sa kanyang pangalan pero naputol ito dahil napansin ko kasama nya ang dalawa nyang kaibigan
"Mukhang okay naman sya. Tignan mo ang ayos nya Raven." wika ni Audrey at tinaasan ako ng kilay
"B-bakit kasama mo sila?" bulalas ko
"Mga kaibigan ko sila at tama si Audrey mukhang ayos ka naman at isa pa mukha naman wala kang kailangan kaya aalis na kami." wika ni Raven at naglakad na palayo sa akin
"R-Raven. Mahal kita." ani koSamantalang ang dalawa nyang kaibigan tinignan ako at nginisihan lang ako.
"Akala mo ba masisira mo ng ganon ganon lang ang kasal ng dalawa bukas? If you say so, Megan." wika ni Audrey at naglakad na palayo sa akin
"Wrong move, dear." aniya ni Nicole at tinapik ako sa aking brasoNang makaalis sila bigla ko naihagis ang flower vase na nadampot ko at napaiyak ako sa sobrang inis.
Nasira ang plano ko.
Fuck them all.
Hindi ako susuko sayo, Raven.
Akin ka lang.
Akin lang.
-----
MALAPIT NAAAAAA! 🥺
HOPE YOU LIKE IT. 💖
YOU ARE READING
I FELL INLOVE WITH MY BOY BESTFRIEND (COMPLETED)
RomanceBest friend, the person whose always with you through ups and downs, the person who loves your flaws and the only person who understands you in your worst, but what if fate put its twist? What if I suddenly realize that he's no longer just a bestfr...