Chapter 2

411 213 0
                                    

Keziah's POV

Flashback

Habang kinukwento ni Audrey sa akin kahapon ang elementary days pa namin.

Hindi ko maiwasan na hindi kiligin at maging masaya.

Sino bang hindi magiging masaya lalo na't binanggit nya ang pangalan ni Raven na crush ko slash ang boy bestfriend ko diba?

"Keziah!" sabay tawag sa akin ni Audrey
"Oh? Bakit?" aniya ko
"Alam mo bang nakakakilig talaga kayo ni Raven dati? Ang dami nagsasabi kung ano ba kayo sabi namin magkaibigan lang kayo eh. Pero sabi samin kung magkaibigan lang daw kayo bakit ang sweet sweet nyo daw?" Audrey said
"I don't know too." tugon ko sa kanya
"Alam mo Kez! Sayang kayo dalawa eh!" hindi mawari na nasabi ni Audrey

Tama naman sya.

Sayang kami dalawa ni Raven pero hindi ko maisip bakit ang sweet namin dalawa dati.

Habang nag uusap kami bigla nalang tumingin si Audrey sa kanya at orasan.

"Kez! Una na ako ha? Ingat ka. See you on next sunday!" paalam sa akin ni Audrey
"You too! Ingat ka din." sabay naglakad na ako pabalik sa bahay namin

End of flashback

Nakita ko si Mama na naghahain na ng pagkain namin.

Lumapit ako kay Mama at kiniss ko ang kanyang pisngi.

"Mama tulungan ko na po kayo dyan sa inyong ginagawa." aniya ko sa mama ko
"Sige nak. Salamat talaga. Teka? Saan ka nga pala nanggaling?" tugon ni mama sa akin
"Nagpahangin hangin po Mama. Ay! Nakita ko po pala ang kaklase noong mga bata pa po kami Mama." aniya ko
"Sino? Si Audrey ba?" Mama said
"Yes po Ma! Gumanda na si Audrey ma. Hindi ko sya nakilala." aniya ko
"Lahat naman kayo magaganda at gwagwapo noong mga bata pa kayo eh!" aniya ni Mama sa akin

Nang matapos na kami ni Mama sa pagkwekwentuhan at nang matapos din kami kumain.

Nagpaalam ako kay Mama na aakyat muna ako sa kwarto ko at matutulog muna saglit.

Pumayag naman si Mama sa akin.

Nang marinig ko ang alarm clock ko na tumunog tinignan ko kung ano na oras ala sais na pala ng gabi kaya't bumangon na kaagad ako.

Habang bumababa ako ng hagdanan naamoy ko na kaagad ang niluto ni Mama na Caldereta.

"Mama! Tulungan ko na po." aniya ko
"Wag na anak. Kaya ko na ito. Maupo ka nalang dyan. Patapos na din naman ako dito." tugon ni Mama sa akin

Kumuha nalang kaagad ako ng plato namin ni Mama.

Habang kumakain kami ni Mama bigla naitanong ni Mama sa akin kung kailan ako magpapaenroll.

"Anak malapit na pasukan. Kailan ka ba magpapaenroll?" Mama said
"This Sunday po mama. Magpapasama ako kay Audrey po!" aniya ko kay mama
"Sana magkita kita parin kayo at maging magkakaklase ulit" tugon ni Mama sa akin

I hope so too.

By the way, college na pala ako.

At ang kukunin kong kurso is HRM para matupad ko na ang hiling ko kay Mama.

Gusto kasi ni Mama na maging Chef na ako.

Kaya ngayon College na ako kukunin ko ang kursong HRM.

Nang matapos na kami ni Mama kumain.

Nagpaalam na kaagad ako sa kanya at umakyat na sa aking kwarto dahil nakakaramdam na naman ako ng antok.

Kinabukasan maaga ulit ako nagising ewan ko ba kung bakit ko gustong gusto gumigising nang maaga.

Masarap kasi magpahangin at maglakad lakad kapag tuwing umaga.

Sobrang lamig lalo na tag ulan na ngayon.

Nang maaga ako nagising ginawa ko na ang mga routine ko at bumaba na ng aking kwarto.

Habang pababa ako nakita ko si Mama na gising na kaagad lumapit ako sa kanya sa kusina dahil naamoy ko kaagad ang kanyang niluluto.

"Mama bakit po kayo maaga nagising?" wika ko
"Ipaghahanda kasi kita nang makakain bago ka maglakad lakad sa labas anak!" sabay sabi ni Mama sa akin.
"Thank you po Mama! I love you." aniya ko

By the way, ang Papa ko pala ay nasa Batangas dun sya nakadestino ngayon.

At ang aking mga kapatid naman ay mga nag aaral.

4 kami actually.

Panganay ako sa kanila lahat.

Nang matapos na ako kumain lumabas labas muna ako sa bahay at nagpahangin.

Sobrang sarap kapag malamig ang hangin ngayon.

Masarap sya sa feeling.

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasan isipin kung dun din ba mag aaral ang Boy Bestfriend ko sa University na papasukan ko.

Sobrang namimimiss ko na kasi sya.

May girlfriend na kaya iyon?

O wala pa?

Hays.

Napabuntong hininga nalang ako dahil hanggang ngayon, si Raven Anderson Morrison ang matagal ko nang gusto simula noong nag aaral pa kami.

Hindi mawala wala isipan ko ang lahat ng sweetness namin dalawa noong bata pa kami kaya't napapangiti ako at kinikilig sa dahil nararamdaman ko.

Muli kong tinignan ang mga litrato naming noong elementary days namin.

Audrey's POV

Napansin kong online si Keziah, kaya't gumawa ako ng Groupchat para sa batch namin at inadd ko lahat ng mga kaklase namin sa ginawa ko.

Nang iwan ako ng mensahe sa groupchat at napansin kong nagmessage si Raven kaya't dali dali ko itong nireplayan at natawa naman ako sa kanyang inaakto.

"Kamusta na kayo mga classmate?" message ko sa groupchat
"Ayos naman ako, Audrey. Ikaw ba?" aniya ni Bryson
"Ayos lang din naman ako. Gumagwapo ha?" aniya ko
"Oo naman. Ito habulin ng babae parin." aniya ni Bryson
"Hahaha. Sira ka, Bry." aniya ko kay Bryson at napapangiti nalang ako dahil sa kakulitan nila lahat
"Ayos naman ako, Audrey." aniya ni Pauline

Matapos ang pag uusap namin ay nag offline na ako dahil nakaramdam ako ng gutom kaya't bumaba na ako sa aking kwarto at pumunta na sa sala.

Napansin ko nagluluto si Manang Lourdes kaya't nilapitan ko ito at tinulungan.

Nang matapos ang aming pagluluto ay niyayaya ko si Manang Lourdes na saluhan ako sa hapag kainan at sumang ayon naman ito sa akin at nginitian.

"Manang!" aniya ko
"Thank you anak." pagpapasalamat ni Manang
"Walang ano man Manang. Pangalawang Ina na po kita kaya't ayoko napapagod kayo at nagugutom. Hindi lang kayo bilang isang katulong dito, Manang kundi isa na rin po kayo Ina para sa akin." aniya ko at nginitian ko naman si Manang

I FELL INLOVE WITH MY BOY BESTFRIEND (COMPLETED) Where stories live. Discover now