Chapter 8 - The Preparation

74 1 0
                                    

ARON'S POV

malapit na nga pala birthday ko. Este namin. Pareho kami ng birthday ng best friend ko, si Carlo. Parang destiny talaga kami. Hahaha. Bilang mag kaibigan syempre.

It's Wednesday. At next week na yung birthday ko. Ayyy mali. Namin nga pala. Gusto ni Mommy na maging memorable yung 18th birthday ko kaya naman hindi na ko nakatanggi. sinabi ko rin sa kanya na since sya naman nag organize ng party ko eh sya na din bahala mula sa Theme hanggang sa "PRINCESS" ko. Tch. Dami kasing alam ni mom eh. Hahaha pero mahal ko yan :)) Jusko! Dagdag problema pa yung "Princess" na yun. -_- nako! Sigurado akong magiging memorable talaga ang 18th birthday ko. Nakakastress eh XD birthday ko inii-stress ako ng aking inay kaiyak dude! Haha!

Eh kasi naman. Hindi ko mahindian nanay ko. Mahal na mahal ko eh :) kaya sige. Para kay Mommy, :)

Nga pala, nag class picture kami nung Monday tapos ngayon nabigay na. Ang bilis diba? May sarili kasing photographer yung school. Para sa mga Events tsaka sa mga I.D at class picture. Yaman eh. Hahaha. Edi sila na. XD

Kinakabahan nga ako eh. Hahaha. Kasi nga diba sabi ko kay Mom sya na bahala sa lahat kaya sabi nya: O sige pagka bigay ng class picture nyo bigay mo sakin ha? Para makapili ako sa mga classmates mo na pwedeng maging Princess mo. :)

Ayos! Huhu T^T Sana lang maganda mapili ni Mommy XD loko lang hahaha. Sana naman ka close o kaya maayos mapili nya. Pwede na sina Faith or Lei. Close friend ko sila eh. :))

CARLO'S POV

lapit na birthday ko. Ang saya pala mag prepare. Ngayon ko lang na realize. Lalo na kapag makakasama mo yung pinaka espesyal na tao sa buhay mo sa araw na yon. Hindi ko muna sasabihin sa inyo kung sino yon. Saka na, baka masurprise kayo eh. Hahaha. Pagkakauwi ko galing school, dumederetso na agad ako kung saan saan with my Mom at yung Organizer. Inaayos na kasi habang maaga pa. Tsaka nagpagawa na rin kami ng suit at yung gown ng "buhay ko". Yeah yan tawag ko sa kanya. Kung korni, eh wala kayong magagawa. Buhay ko sya at higit sa lahat mahal ko sya eh. Nakakabakla mang pakinggan pero yan yung nararamdaman ko sa kanya.

Magkasabay kami ng birthday ni Aron yung best friend ko. Pero sinabi ko naman sa kanya na hindi muna ako makaka attend ng party nya kasi nga may sarili din akong party. Gulat na gulat nga eh. Hahaha.

Mama calling...

Anak sino ba kasi yung kapartner mo sa birthday mo? -Ma

Secret muna Ma. Sa birthday ko nalang po okay? Surprise yun. :D -Ako

Hayy. Osige agahan mong umuwi ha? Yung invitation mo kasi inaayos na. Gusto ko na ikaw ang pumili ng mga ilalagay at tsaka ng theme. -Ma

Sige po. Uwi na rin ako kagad pagkatapos ng klase. Bye ma -Ako

Bye anak ingat pag uwi. -Ma

Excited na si Mama na malaman. Hahahaha. Excited na rin ba kayo? Malalaman nyo rin kung sino. SOON :)

MOMMY ELSA'S POV (Aron's Mom)

Ma eto na po yung class picture namin oh. Gandahan nyo po ang pagpili ah? Hahahaha. Sige po bihis po muna ko. -Aron

Sige lagay mo nalang muna dyan. Titignan ko mamaya. -Ako

Parang mas excited pa ata ako sa anak ko ah. Hahaha. Pasensya na ganyan talaga. Tinigil ko muna ang pagluluto ko at tinignan class picture ng anak ko.

Pili... Pili... Pili...

Biglang nakaagaw ng atensyon ko ang simple pero magandang babaeng nasa bandang kaliwang bahagi ng picture.

Nako mukhang bagay sila ng anak ko. Hihihi. Tama. Eto na nga ang bagay na maging prinsesa ng anak ko. Tatanungin ko muna sya kung sino to. At saka kung saan nakatira para mainvite ko sya personally. Gusto ko syang makilala pa. Para malaman ko kung bagay nga sila ng anak ko. Parang bagay na nga silang ang nobyo't nobya eh. Hihihihi...

Ano po? May napili na po ba kayo? -Aron

ARON'S POV

Ano po? May napili na po ba kayo? -Ako

Ayy. Oo nak! Eto oh sya! -Mom, sabay turo dun sa babaeng nasa kaliwa.

Pagkita ko...

Ma!!! Sure po ba kayong sya?? -Ako

Bakit naman hindi diba? Ang simple nya lang tignan pero maganda. Tsaka mukhang mabait. Sino ba sya? At saka san sya nakatira? Gusto ko syang makilala at iinvite. :D -Mom, ohmgggg!

Ma s-si ano po y-yan s-s-si---


[A/N: helllooo guuuyysss! Bitin diba? Pasensya na kung sinadya ko yan. Hahahaha kkaebsong! Sorry sa late UD :) keep supporting :) ilysm guys :* <3 thanks for reading. Abangan ang next Chapter :))) <3

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon