Chapter 1

912 17 0
                                    

Zen took a deep breath, kahit sanay na siyang palaging late si Claire dahil freshman high school pa ay classmate niya na 'to at hanggang ngayon na sophomore college student na sila. But she's still annoyed na late 'to sa gabing 'to.

Dahil matagal na ang plano niya na magtungo sa The Bloody Road.

Ang mysteryosong kalsada ay matatagpuan sa Barangay San Pablo sa Maragondon, Cavite. Ang kasaysayan nito ay nagsimula sa panahon ng mga Kastila. Ayon sa mga kwento bago 'to naging daan ay dating bahagi lang 'to ng kagubatan, na naging tapunan ng mga Filipino na pinatay ng mga Kastila sa iba't ibang dahilan, minsan din ay sa walang sapat na dahilan. Kaya madalas nagkukulay dugo o pula ang lugar na'to dahil sa mga bangkay.

Panahon ng mga Amerikano noong gawan 'to ng kalsada, dito na sinimulan tawagin ng mga local na El Camino Rojo ang kalsada. It means the Red Road.  At mas sumikat pa ang kalsada na'to noong panahon ng dekada setenta. In the early 70s, habang sinailalim ang buong Pilipinas sa Martial Law ay ang Barangay San Pablo naman ay nabalot ng takot. Dahil 'to sa nangyari na karumal-dumal na krimen sa daan na'to.

May dalawang version ang kwento.

Una, may magkasintahan na nakasakay ng kotse ang dumaan rito nang nag-away sila, kaya bumaba ang babae, at ang hindi alam ng lalake ay pagsara ng babae sa pinto ng kotse ay naipit ang palda niya kaya noong pinaandar ng lalaki ang sasakyan ay kasama ritong nakaladkad ang babae na siyang ikinamatay nito. Ayon sa kwento, dumikit ang balat at laman, humiwalay ang ibang parte ng katawan ng babae sa kalsada while ang dugo nito ay parang chalk na gumuhit ng linya sa kalsada.

Pangalawa, may magkasintahan na nakasakay ng kotse ang dumaan rito nang nag-away sila, kaya bumaba ang babae, at iniwan 'to ng lalake. Pero noong luminaw na ang pag-iisip ng lalake ay binalikan niya ang nobya niya pero pagbalik niya ay wala na'tong buhay at nagkalat pa ang lamang loob at dugo nito sa daan.

Sa dalawang version na kwento ay parehas daw na nagkulay pula ang daan kaya simula noon ay tinawag na 'tong The Bloody Road.

Patuloy nang nagsanga-sanga ang kwento, dahil ayon sa mga dumadaan ay may nagpapakita  na babae na tinuturong sanhi ng mga aksidente rito. Naniniwala ang karamihan na ang babae na'to ay iyong namatay habang kasama nito ang nobyo. Pero may iba ring nagsasabi na hindi lang iisa ang nagpapakita rito kundi may iba pang kaluluwa rito dahil na rin sa madugong kasaysayan ng kalsada.

Dahil sa madalas na may na aaksidente rito ay iniiwasan na ng mga sasakyan na dumaraan rito. Maliban na lang sa mga matatapang ang loob at naghahanap ng mga katatakutan.

At kaya nandito ang magkaibigang sina Zen, Tara, Claire at Ella (pinsan ni Tara). To have this horror adventure, not exactly to find out which version was real but they just wanted to have fun. Lalo pa't mahilig sila sa mga ganitong adventure. The last time noong naka semester off sila (maliban kay Ella) sa college ay binisita nila ang kilalang horror house ng Baguio City.

Ideya at plano 'to ni Zen. Naisip niya maybe this was the perfect time to visit the scary road. At since taga Dasmariñas lang silang lahat ay wala silang excuse na hindi sila makakasama sa trip na'to. Feeling niya it's about time na sa probinsiya naman sila mag horror adventure. Kaya first time nilang lahat magtungo sa The Bloody Road.

Kaya hindi maiwasan ni Zen na mainis kay Claire. She planned this trip the whole semester, tapos paghihintayin lang siya ni Claire. While kasama sila sa isang pension house, maliban kay Ella na dinaanan lang nila sa empty lot malapit sa bus terminal, ay nagpaalam si Claire na bibisitahin ang high school friend nito na naka semester off din na nag-aaral sa Laguna, kaya buong hapon ay hindi nila 'to kasama. But Claire promised she'll be back after seven in the evening. Pero wala pa rin 'to.

The Bloody Road (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon