Chapter 3

269 11 0
                                    

Diretso ang titig ni Zen sa daan while she's driving her car. She had herself ready na kung may biglang lilitaw sa harap niya ay dapat hindi siya magpapanic dahil baka madisgrasya sila. Nandito sila upang matakot at kabahan---hindi ang mamatay.

Kaya binagalan niya ang pagpapatkbo ng kotse. She estimated she needed to drive, mga thirty to forty minutes dahil sa takbo nila ngayon. 

Nasa ten minutes na nilang binabaybay ang daan, at ni isa ay walang nagsalita tulad nang inutos ni Zen. Kaya nabalot ng katahimikan sa loob ng kotse--- kasing tahimik ng madilim na kalsada.

Sa harapan nila ay tanging ang lumang daan ang sumasalubong sa ilaw ng kotse. Wala kang maaninag na ibang bagay, maliban sa mga tuyong dahon at maliit na mga sanga na nilipad ng hangin.

Napalingon si Zen sa katabi niyang si Ella na natiling tahimik habang diretso ang mga mata nito sa harap.

How does she stay so calm? sa isip ni Zen. Dahil hindi naman sila ganun ka close ay hindi niya alam kung bakit palaging quiet or chill lang 'to. Basa niya hindi 'to ang madaling matakot.

Muli niyang tinuon ang atensyon niya sa daan, pero saglit lang dahil muli siyang napalingon sa direksyon ni Ella. This time, nakatingin na si Ella sa direksyon niya.

Kaya nagkatitigan sila.

Zen thought na ngitian niya 'to. Bakit hindi?

Umangat na ang labi niya pero biglang lumingon si Ella sa harap, kaya nabitin ang ngiti ni Zen. May gumuhit na pagkainis sa pisngi ni Zen. She bit her lips, masyado pang maaga ang gabi upang mainis siya. Inisip niya na dapat ang focus niya sa daan.

When she heard a noise behind her. Kaya agad siyang napalingon sa likuran niya.

Sumalubong ang sarkastikong ngiti ni Claire habang taas baba ang paa nito sa upuan niya. Nararamdaman na ni Zen na umaalog siya.

Umangat ang mga kilay ni Zen habang pinandilatan niya si Claire.

Tumatawa lang si Claire pero walang lumalabas na tunog sa labi nito.

Uminit ang tenga ni Zen, nais niyang batukan ngayon din si Claire. Kundi lang siya nagmamaneho ay ginawa na niya 'to. Instead, she took a a deep breath and turned her attention back on the road.

Dito na napailing si Claire. Naisip niya na sayang at hindi 'to nagsalita. She thought she needed to do something else to make her talk. Pero ano? Napalingon siya kay Tara na nakayakap sa sarili at nakapikit. Parang na estatwa na'to sa upuan niya. Kaya napaismid si Claire. Alam niyang matatakutin 'to pero mukhang masyado nitong sineryoso ang sinabi ni Zen.

Bigla siyang may naisip.

Paano kung takutin niya si Tara? At para mainis si Zen at hindi na nito mapigilan ang magsalita.

She wickedly smiled. Ilang minuto pa ay pinagapang na niya ang kamay niya mula sa ulo, bago dumulas 'to sa leeg ni Tara.

Mabilis na dumilat si Tara na may takot sa mga mata. Handa na siyang sumigaw noong nahagip niya ang kamay ni Claire. Kaya agad napalitan ng pagkainis ang naramdaman niya. Pinitik niya ang kamay ni Claire na parang langaw 'to.

Pero umakto si Claire na sasakalin niya 'to, dito na gumanti si Tara at tinulak 'to pabalik sa inuupuan nito. Sa aliw ni Claire ay kiniliti niya naman si Tara sa leeg.

Kaya napaungol si Tara. Kunti na lang ay sasabog na'to at mapapasigaw na.

Dito na napalingon si Zen. Inabot niya ang hita ni Claire, bago tinapik 'to. Noong hindi 'to tumigil ay hinampas na niya ang hita nito.

Nagkatitigan silang dalawa ni Claire.

Zen arched an eyebrow at Claire, sinama na niya si Tara na aktong gaganti pa kay Claire. Hindi siya makapaniwala na may time pa ang dalawa na mag-asaran, while napakaklaro nang sinabi niya na dapat walang gagawa ng ingay.

The Bloody Road (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon