Chapter 21

153 9 0
                                    

Hinihingal na si Ella habang nilalakad niya ang daan palabas sa the Bloody Road pero hindi siya huminto. Sa nakuha niyang spy camera sa pulang van, its enough motivation for her to keep going. Kahit ang malamig na hangin ay hindi na niya nararamdaman, nakatulong na rin na pinagpapawisan na siya.

Maliksi man ang paghakbang niya ay paminsan-minsan napapahimas siya sa bulsa ng sweater niya kung saan niya nilagay ang spy camera. She wanted to be make sure she still had it, dahil 'to ang ebidensiya niya sa akusasyon niya laban kay Zen.

Nang bigla siyang bumagal.

Dahil nahagip ng ilaw ng cellphone niya ang pangalawang pulang van, kung saan may nakita si Tara na multo, which turned out to be fake. Huminga ng malalim si Ella. Nanggigigil siya kay Zen at sa mga kasabwat nito.

Mga walang hiya talaga kayo... What have I done to you, Zen? she thought. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang maisip na dahilan kung bakit 'to ginawa ni Zen sa kanya.

Instead, na hanapin pa ang sagot ay muli na siyang lumakad.

Ilang minuto pa ay napansin na niya na pa low batt na ang cellphone niya.

"No. Huwag muna!"

Pero hindi na niya napigilan ang tuluyan na pag off ng cellphone niya. Kaya biglang dumilim ang kapaligiran niya, dito na natigil si Ella. And for the first time, she felt the icy cold wind around here.

Napayakap siya sa sarili niya. Naisip niya dapat nagpa umaga na lang siya sa pulang van, pero agad niyang naalala na ang van ay nilagay lang sa kalsada to scare her.

Napailing si Ella. "I have to keep going..." She paused.

Sa unahan niya ay napansin niya ang nakakasilaw na ilaw na palapit sa kanya. Immediately, she knew there's a vehicle heading towards her direction. Parang nabuhayan siya ng loob, na hindi na niya kailangan maglakad sa dilim at lamig, dahil makakasakay na siya.

She smiled. Naisipan niyang magpagitna sa daan, plano niya sasalubungin niya ang sasakyan, para makita siya ng sakay nito.

She raised both her arms to get their attention. Para siyang nawawala sa gubat na hinahanap the way she's waving her hands desperately.

"STOP!" she yelled. "Tulong!"

It was only inches away from her when it finally stopped.

Nakangiti siya muli. Bago tinakbo ang sasakyan.

Pero bigla siyang nahinto. Dahil familiar ang sasakyan.

"Kotse ni Zen," sabi niya bago napatitig sa unahan.

Wala siyang nakita dahil madilim sa loob, pero nakakatiyak siya na nakasay si Zen. "Anong kailangan niya? I thought she already left?" Dito na siya kinabahan, dahil baka may pakulo pa si Zen sa kanya. Dahil dito ay agad siyang napaurong.

"HEY!"

Narinig niya ang boses ni Claire. And instead, na umalis ay bigla siyang na estatwa noong nasaksihan niya ang pagbaba sa kotse nina Zen at Claire. Seryoso ang mukha ni Zen but si Claire looked like she's amused to see her.

"Ella," sabi ni Zen, "hindi ka pa pala nakakaalis."

Hindi siya sumagot.

"Oo nga, akala ko nga wala ka na," si Claire.

"Akala ko din wala na kayo," Ella finally said. "Bakit kayo bumalik?"

Hindi sumagot ang dalawa.

Biglang kinabahan si Ella noong naisip niya si Tara. "May ginawa ba kayo kay Tara?"

Dito nagkatitigan ang dalawa.

"Nasaan siya?" bato ni Ella.

Bahaw na ngumiti si Zen. "Kung sana kasing concern si Tara like you."

Nagusot ang noo ni Ella. "Nasaan siya?"

"Don't you worry... nasa loob siya ng kotse." Napalingon si Zen sa kotse niya. "I told her she needs to stay dahil kami na ang kakausap sa'yo. Guess what? Hindi na siya nagprotesta." Napailing si Zen.

Habang hindi nakakibo si Ella. Naisip niya na matatakutin si Tara kay it would make sense if she's more comfortable to stay inside the car.

"Well... mauna na kami sa'yo," tamad na sabi ni Zen. Nakita niya na hindi naman 'to nagulat sa sinabi niya about her cousin. At wala na siyang rason to stay any longer, dahil kanina pa nawala ang curiosity niya na masilayan 'to muli noong naramdaman niya ang lamig ng simoy ng hangin na bumabalot ngayon. "Claire, let's go."

Tumango si Claire, bago sumunod.

Walang naging tugon si Ella. Nais niya na kung muli niyang makita si Zen ay kasing pula na ng kamatis ang pisngi nito sa hiya dahil sa ginawa nito sa kanya.

Natanaw niya ang pagpasok ng dalawa sa loob ng kotse.

"Ella."

Bigla siyang napalingon sa kaliwa niya.

Wala siyang nakita pero kinilabutan siya sa tinig ng babae.

"Ella."

Muling may tumawag sa kanya, kasabay 'to sa tunog ng makina ng kotse ni Zen.

This time sa kanan lumingon si Ella.

Wala siyang nakita, maliban sa paggalaw ng kotse.

"Ella."

Napalingon si Ella sa kaliwa niya. Dito na niya nakita ang babaeng multo, nasa harapan na niya 'to. This time, napansin niya na may dugo na pumapatak sa noo nito habang namumula ang mga mata nito. Bumuka ang labi niya but before she could scream. She felt something much colder than the wind on her chest. At bago pa siya makapagreact ay naradaman na lang ni Ella na parang lumutang siya palayo rito, sunod ay nakaramdam siya ng matigas na bagay na tumama sa katawan niya.

Tapos lumagapak na si Ella sa kalsada.

Wala siyang naramdamang sakit, feeling niya namanhid ang buong katawan niya na nakadapa at naka side view ang ulo. Nakabuka ang mga mata niya habang nakatitig sa liwanag mula sa kotse.

Nakita niyang umaatras ang liwanag. Pero saglit lang dahil muli 'tong umandar diretso sa kanya.

Pakiramdam ni Ella, bumagal ang lahat, naririnig niya ang gulong na palapit sa kanya. So, she forced herself to move out of its way.

Gumulong si Ella.

Dalawang pulgada lang ang layo ng gulong sa mukha niya, kaya noong dumaan ang kotse ay naaamoy niya ang pagkiskis ng gulong sa kalsada.

She knew she's still not safe, malakas ang kalabog ng dibdib niya na nagsasabi na aatras ang kotse. Kaya pinilit niyang makaupo, pero noong gawin na niya 'to ay naramdaman niya sa unang pagkakataon ang sakit na bumalot sa katawan niya na parang hinataw siya ng kahoy.

Dito na tumulo ang luha niya, pero hindi siya tumigil, pinilit pa rin niyang makaupo.

Finally, nakaupo siya.

At tama siya.

Nakita ni Ella--- mabilis na umaatras ang kotse--- diretso sa kanya.

Pinilit niya this time na gumapang palayo pero nahihirapan na siyang gumalaw.

Patuloy ang pag-atras ng kotse.

Nakaupo pa rin si Ella.

Hanggang dumiretso na'to sa kinaroroonan ni Ella. For a few seconds, you could hear her cry, pero saglit lang, bago bumalot ang nakakabinging katahimikan sa buong kapaligiran.











The Bloody Road (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon