Chapter 18

166 9 0
                                    

"Kasamahan ka ni Zen!" bitaw ni Ella noong nasa likuran na siya ng babae na nakasuot ng mahabang puting damit.

Agad 'tong napalingon kay Ella.

"What?" bato ni Ella. "Hindi ka ba makapaniwala na alam ko na, na hindi ka totoong multo?" Ella smirked when she  witnessed how her face went from disbelief to fear. Hindi 'to bumagay sa nakakatakot na make up nito. "Yes, ako 'to si Ella, ang kanina pa ninyo tinatakot."

Bumuka ang labi nito pero walang lumabas na salita rito.

"You can speak... Unahin mo na lang sagutin ang tanong ko. Anong pangalan mo?" Ella continued.

"Meg," she answered, habang agad 'tong palinga-linga sa kapaligiran na parang may hinahanap.

"Hindi ko kasama si Zen if you're looking for her. Pero hahabol sila rito, don't you worry," si Ella.

"So... alam mo na?" pabulong na wika ni Meg.

"Yes," diin ni Ella. Tama nga siya sa mga hinala niya. Pinagplanuhan siya ni Zen na takutin rito sa the Bloody Road, at ngayong na kompirma na niya 'to ay tiyak niyang mahihirapan na si Zen na i-deny 'to. "Nasaan si..."

"Si Jessa!" sagot ni Meg. Biglang 'tong tumakbo patungo sa likod ng pulang van. "Nandito si Jessa."

Biglang kinabahan si Ella but she decided to follow her. At ang bumungad sa kanya ay ang katawan ni Jessa na naliligo sa sariling dugo kaya ang dating kulay puti nitong damit ay malapit ng maging pula. Napansin niya na humihinga pa'to noong ilawan ni Meg ang dibdib nito.

"Tulungan mo ako... buhay pa siya," saad ni Meg. "Kanina ko pa pilit tinatawagan si Zen pero walang signal."

Napatitig si Ella kay Meg, kahit nakakatakot ang mukha nito na may dugo pang effect, nakita pa rin niya na nakapinta sa mukha nito ang pag-aalala at marahil kundi lang 'to may kaliitan ay binuhat na nito ang katawan ni Jessa. Nakaramdam siya ng awa rito kaya dali-dali siyang napaluhod sa gilid ni Meg.

"Buhatin natin siya patungo kina Zen," sabi ni Meg.

"Pero baka umalis na sila."

"Kung umalis na sila, kay Mika tayo pupunta. She's expecting us na bumalik sa sasakyan niya."

"Si Mika?"

"Yes, pagkatapos ka naming takutin, si Mika ang kukuha sa amin. Iyon ang napag-usapan namin ni Zen."

Biglang dumiretso ang balikat ni Ella. Feeling niya nabawasan ang awa niya para kay Meg. "Wala na si Mika... she's dead."

"ANO?!"

"Nabundol siya ng kotse ni Zen."

Napatakip ng labi si Meg. "Patay na si Mika." Napailing 'to.

"Yes, it was an accident. Tulad nang nangayari kay Jessa. She was stabbed..." She paused. Naisip niya na marahil hindi pa alam ni Meg na si Tara ang sumaksak kay Jessa, at wala siyang plano na siyang mag-announce rito. "Sino ang sumaksak sa kanya?"

"Honestly I don't know... pero noong naghihintay kami sa kagubatan may lalaki na may dalang itak. May hinahabol siya na babae... I think siya ang nakasalubong ni Jessa noong bumalik siya sa kagubatan. When I went looking for her... nakita ko na lang siya na may saksak."

"Pero multo ang lalaki na may dalang itak," Ella said. Naalala niya na nakita din niya 'to sa kagubatan.

"Alam ko." Bumilog ang mga mata ni Meg. "And I think he was the one who stabbed her." Sabay titig nito kay Jessa na mabagal na ang paghinga nito.

Hindi alam ni Ella kung matatawa ba siya o mahihibang sa sagot nito. "Meg, walang multo na pumapatay ng tao..."

"Hindi mo iyan alam," singit ni Meg.

The Bloody Road (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon