Chapter 15

192 10 0
                                    

"Zen, I have something to tell you." Ito ang unang sinabi ni Claire pagkabungad niya sa kotse habang pilit niyang iniiwasan mahagip si Ella.

"At pumayag ka talaga, Claire?" Tara snapped. "Sabi ni Zen okay lang sa'yo na iiwan sa highway ang bangkay?"

"We'll talk later," balik ni Claire, bago tinuon ang atensyon kay Zen.

Pero nanggagalaiti sa inis si Tara. "Kung itatapon lang din pala natin sa highway ang bangkay, bakit hindi na lang natin iiwan dito? Bakit sinakay pa natin sa kotse? Paano kung multuhin tayo niyan? Paano kung babangon siya? Paano..."

"SHUT UP!" si Claire.

"May makakakita sa atin kung itatapon natin ang bangkay sa highway at madadamay pa tayo sa ginawa ni Zen." tumaas ang boses ni Tara.

"Hindi ko siya pinatay!" protesta ni Zen kay Tara. "It was an accident!"

"Kung gusto ninyo siya itapon sa highway. Fine. Pero kayo lang. Drop me off somewhere... maybe sa convenience store," diin ni Tara.

Napailing si Zen. "Sabay tayong lahat uuwi. Pero kung gusto mo bumaba. Gawin mo iyan dito dahil hindi kita ibaba kung saan mo gusto."

Dito na natahimik si Tara.

Finally nakahinga si Claire. Pero hindi niya sinasadya na natitigan niya si Ella. Nakaupo 'to at malayo ang tingin na parang wala 'tong pakialam na nagtalo sila ngayon lang.

Biglang naalala ni Claire ang hawak niyang cellphone. Napasulyap siya rito.

Nakita niya ang mukha ni Mika na katabi niya sa picture.

Mabilis niyang pinatay ang cellphone bago muling tinapunan ng tingin si Ella. This time, nagtagpo na ang mga mata nila.

"Zen, we have a problem," mabilis na bitaw ni Claire. "Ang nasa trunk ay si Mika."

Napalingon si Zen. "Mika who?"

"Si Mika, friend at classmate natin," sagot niya.

"WHAT?!" si Tara. "Pinatay ni Zen si Mika?"

This time hindi nagalit si Zen kay Tara, dahil mas pumukaw sa atensyon niya ang binunyag ni Claire. "Paano mo nasabi si Mika 'to?"

Inabot ni Claire ang cellphone nito kay Zen.

Bumilog ang mga mata ni Zen. Sa screen ng cellphone ay ang mukha nina Mika at Claire, picture ng dalawa noong nanalo sila sa badminton's double sa intramural sports nila this year.

Nanginig ang mga kamay ni Zen, kaya dumulas ang cellphone pabagsak sa paahan niya. Hindi siya makapaniwala na napatay niya si Mika. Si Mika ang nabundol niya. Siya ang babae na nasa loob ng trunk ng kotse niya.

Bumigat ang mga talukap ni Zen, habang pilit nilalabanan ang feeling niya na masusuka siya.

"Zen..." Kanina pa tumatawag si Claire nito. "It's not your fault. Hindi mo alam na si Mika iyon. Hindi mo naman alam na doon siya maghihintay."

"Maghihintay?" sabi ni Ella. "What do you mean?"

"Wala," naiirita na sagot ni Claire while she was still trying to comfort Zen.

"Maghihintay," bulong ni Ella. Alam nila na narito si Mika sa the Bloody Road? Anong ginagawa niya rito... sa dilim? Bakit siya naghihintay? Sino ang hinihintay niya? Pilit hinimay ni Ella ang sarili niyang tanong, habang naghuhukay siya ng mga sagot.

Pero wala siyang nahanap na sagot.

Napatitig siya kay Zen na umiiyak na, habang hinihimas ni Claire ang likod nito.

The Bloody Road (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon