Chapter 7

230 9 0
                                    

Biglang dumilat ang mga mata ni Claire, habang hinahabol niya ang hininga niya. Bago mabilis niyang kinapa ang cellphone niya at inilawan si Tara who was fast asleep.

Bahagya siyang nangiti. For she was relieved that it was just a bad dream. It was nothing but a bad dream. Dahil natutulog lang si Tara sa tabi niya.

At hindi totoo na namatay 'to.

Napasandal si Claire sabay nang pagpatay niya sa cellphone niya. Pagkatapos ay pumikit na siya upang muling makatulog. Hanggang bumigat na ang talukap niya, maya-maya pa ay nakatulog na siya.

May fifteen minutes ng lumilipas.

When Claire felt someone was poking at her elbow. Tinaas niya ang kamay niya upang umiwas pero hindi 'to tumigil.

"Tara...ano ba... gabi pa...patulugin mo muna ako..." she mumbled.

Noong wala na siyang naramdaman na sumusundot sa kanya ay bumalik siya sa pagtulog. This time, nagside view siya sa may pintuan kaya ang likod niya ang nakaharap kay Tara.

Muli siyang nanaghinip. Pero sa pagkakataong 'to ay maganda at masaya. Ang tagpo ay nasa campus nila at kasama niya ang mga kaibigan niya habang kumakain sila sa cafeteria at pinag-uusapan ang bakasyon nila. Nakangiti lahat, ang pinakamatamis ay ang kay Zen. Excited ang boses nito habang kinukwento ang plano niya.

Kahit tulog ay napangiti si Claire dahil naghahalakhakan na sila ng mga kaibigan niya sa panaghinip niya. Dahil may nabilaukan, noong aktong sumubo 'to ng malaking piraso ng tinapay ay dumaan ang crush nito. Kaya biglang nalunok nito ang tinapay na bumara sa lalamunan niya. Naluwa naman nito ang tinapay pero tumilapon ito sa loob ng baso ng orange juice. Kaya halos umiyak na si Claire sa kakatawa.

When suddenly, the car's door was flung open.

Na dahilan kung bakit aktong babagsak na ang katawan ni Claire, pero agad siyang nagising kaya napigilan niya na hindi mahulog sa cementadong kalsada.

"What the?!" her voice was loud. Agad niyang kinapa ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya pero wala 'to sa pinaglagayan niya. "Nasaan ba..."

Then she remembered, ginamit niya 'to kanina, naisip niya mukhang nakalimutan niyang ibalik 'to sa pinaglalagyan niya.

Kaya hinanap niya sa may paahan dahil sa isip niya mukhang nahulog 'to dito noong nakatulog siya. Naglakbay na ang kamay niya sa malambot na carpet, nang may tinamaan siya, kinapa niya 'to at kahugis 'to ng bottled water niya.

Out of frustration, ay mabilis niya 'tong binitawan.

Bago sinimulan ang paghahanap ng cellphone niya. Binaybay niya ang bawat gilid sa paahan niya when she reached near Tara's side.

Dito may nahawakan siyang paa.

Ewww, she thought when she imagined Tara's feet. At para hindi siya mandiri ay inalis niya ang kamay niya sa paahan ni Tara. Instead, binalikan niya ang dinaanan na niya kanina. Pero wala rito ang cellphone niya maliban sa bottled water niya.

Pataas na ang kamay niya noong huminto siya sa ere dahil may naamoy siyang mabaho.

"Yuck," she whispered. Naisip niya kaagad ang paa ni Tara. Tapos wala sa isip na nilapit ang kamay niya sa ilong niya.

Dito nagmula ang mabahong amoy.

"Eeeewww," she said. Wala na siyang nais gawin kundi ang hugasan ang kamay niya pero pinigilan niya ang sarili dahil kailangan nila ang tubig upang inumin at hindi panghugas.

Sa inis ay padabog siyang napasandal, at bahagyang tinaas ang kaliwang paa na parang may sinisipa siya.

Dito hindi sinasadya na may tinamaan siyang matigas na bagay.

The Bloody Road (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon