Chapter 6

209 10 0
                                    

Malamig na hangin ang sumalubong kay Ella pagkalabas niya sa sasakyan, habang may naririnig siyang tunog ng mga insekto mula sa kakahuyan na nakapaligid sa kalsada.

Huminga siya ng malalim bago niya tinutok ang ilaw sa cellphone niya sa pulang van. Walang duda sa isip niya, 'to ang sasakyan kanina na nadaanan na nila.

Humigpit ang hawak niya sa cellphone like she was trying to stop her hand from shaking.

Inilawan niya ang bintana sa may likuran ng van, bago bumaba ang ilaw sa mga gulong. Sunod muli niyang tinaas ang cellphone, kaya tumama ang ilaw pabalik sa bintana.

Walang kakaiba rito.

Kaya naisipan niyang bumalik na sa kotse, but she didn't move, dahil iba ang naiisip ng mga paa niya. Nais siyang dalhin nito sa unahang bahagi ng van.

Napayuko si Ella na parang hinihimay kung ano ang susundin niya. Dapat ba siyang bumalik sa loob ng kotse? O maari niya bang matingnan muna ang harapan ng van?

She balled her hands like she was getting ready to punch someone. Bago muling umangat ang ulo niya at napatitig muli sa van. This time, nagkakaisa na ang utak at paa niya.

Nais niyang makita ang harapan ng pulang van.

Ella walked cautiously down the dark road and made sure she kept her hand steady while holding her cellphone. Hindi niya inaalis ang ilaw sa van.

Binaybay ng ilaw ang katawan ng van. Mula sa likod patungo sa driver seat.

Tanging ang madilim at maalikabok na bintana ang nakita niya.

Hanggang narating na niya ang unahan ng van. 

Nakatutok na siya sa bintana sa harapan. Dito nakita niya ang ilaw mula sa cellphone niya at ang sarili. Sunod, pinalakbay niya ang ilaw sa buong bintana. Hindi niya alam kung anong hinahanap niya, o kung may nais ba siyang makita.

Ang babae ba na nakita ni Tara ang... She paused. Kahit sa isip lang niya 'to ay bigla siyang natakot baka kasi may nakakabasa sa iniisip niya.

Naramdaman niyang nanginig ang kamay niya na may hawak ng cellphone. Pero hindi niya inalis ang liwanag sa harapan ng van.

Mariin niyang tinitigan ang bintana pero wala siyang nakita maliban sa reflection ng ilaw at sarili niya.

Then she noticed....

Ang reflection niya ay parang nag-iiba.

Bumilog ang mga mata niya.

Ang babae na kaharap niya ay--- hindi na siya.

Bumuka ang labi niya, she wanted to scream. Pero walang salita na lumabas rito. She wanted to run back to the car. Pero parang na glue ang mga paa niya sa kalsada.

So she blinked several times, hoping the girl in front of her would disappear.

Pero hindi 'to nawala.

Instead... napansin niyang umangat ang labi nito na parang nginingitian siya.

Humapdi ang mga mata ni Ella.

Nakita niya na gumalaw ang kanang kamay nito na dahan-dahang umaangat.

Agad pumikit si Ella.

Naramdaman niyang nangingig na ang buong katawan niya pero ang kamay niya nakatutok pa rin sa van.

Ilang minuto ang lumipas, before she forced herself to move. This time, nagawa niya 'to. Kaya parang bulag na binagtas niya ang pabalik sa kotse. Tinandaan niya ang direksyon nito habang kinakapa ang paligid niya.

The Bloody Road (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon