Chapter 20

150 9 0
                                    

Finally, they're back on the main highway, at last nakahinga na ng maluwag si Zen. Feeling niya, this might be the longest night of her life. Samantalang alas dos y media pa lang ng madaling araw.

Una nilang narating ang lugar na napili nilang pag-iwanan sa sasakyan na dala ni Mika, noong nagawa na nila 'to ay bumalik na agad si Claire sa loob ng kotse. Tapos nagpatuloy si Zen sa pagdrive.

Tahimik ang highway na dinadaanan nila, tanging sila lang ang dumadaan ngayon na parang sumasang-ayon sa plano ni Zen. Naisip niya na kung nasunod lang sana lahat ng plano niya ay hindi sila magkakaproblema ngayon. Bigla na lang sumagi sa isipan niya si Ella. Naalala niya ang banta nito na magsusumbong 'to. But she's still confident that nobody would believe her, kaya hindi siya concern sa banta nito. Mas concern pa nga siya kung makakaalis 'to doon. Like how would she return on her own? Dahil sa malayo iniwan ni Ella ang kotse niya.  At hindi niya maalala na may pera o cellphone 'tong dala.

Napailing si Zen. Stop thinking about her, desisyon niya na maghirap ngayon.

"Zen," si Claire.

Napalingon si Zen kay Claire na nakaupo na sa pwesto ni Ella. "Ano?"

"Doon na natin iiwan ang unang katawan." Turo ni Claire sa lugar na may ilang pulgada ang layo sa poste ng ilaw. Kaya medyo madilim rito.

Tumango si Zen. "Si Mika na ang unahin natin."

"Ikaw bahala."

"Meg," si Zen, "maghanda ka na."

Walang tugon si Meg dahil balot ito ng kaba na halos hindi na'to gumagalaw sa upuan nito.

Pero hindi na inulit ni Zen ang sarili niya, instead binilisan na niya ang pagpapatakbo sa kotse niya para marating na nila ang unang spot na paglalagyan ng bangkay.

Noong narating na nila 'to ay agad bumaba sina Zen at Claire. While kailangan pang katokin si Meg upang gumalaw 'to.

Tanging si Tara ang naiwan sa loob ng kotse, at kahit wala na sila sa the Bloody Road ay hindi pa rin humuhupa ang takot niya. Paano kung may makatuklas na sila ang nagtapon sa mga bangkay sa highway? Paano kung may nakakakita sa kanila ngayon?

Napailing si Tara. "Sana... wala naman... please. Hindi ko naman pinatay si Jessa... sabi nga ni Meg si Ella ang may sala." Nagusot ang noo niya. Naalala niya bigla si Ella. She wondered if she's okay. Did she manage to get to the main road on her own? "Sana nga..."

Tumaas ang balikat niya noong narinig niyang sumara ang trunk ng kotse.

Tapos napalingon siya. Nakita niya na binubuhat ng tatlo ang katawan ni Mika, bago binagsak sa damuhan malapit sa highway.

Agad napaharap si Tara. She couldn't imagine if she's the one who died. Dahil hindi niya nakikita ang sarili niya na itapon na lang na parang basura.

"Mabuti na lang buhay ako," she said. "At wala akong planong mamatay." Napabuntong hininga si Tara. Alam niya na dapat hindi niya iniwan si Ella mag-isa sa daan, pero natatakot na siya tumagal doon, at isa pa mas natatakot siya kay Zen. Mabuti si Ella dahil hindi naman niya 'to schoolmate pero siya na makikita palagi si Zen sa campus. Alam niyang Zen would make her life miserable kung kumampi siya kay Ella. At feeling niya, nararamdaman din 'to ni Ella, dahil 'to pa ang nag-udyok sa kanya na sumama na sa kotse.

"I'm sorry Ella, pero bakit kasi ayaw mo maniwala kay Zen," sabi niya. Napaisip si Tara kung naniniwala ba siya kay Zen. Pero wala siyang mahanap na sagot, ang alam lang niya ay gusto na niyang makabalik sa tinutuluyan nila dahil pagod na siya.

Bumalik na ang tatlo sa loob ng kotse, bago muling nagdrive si Zen. She decided to get rid of the second body farther from the first body. Also mas malayo sa highway ang katawan ni Jessa lalo pa't namatay 'to sa saksak. Naisip niya baka maisip ng mga pulis na Jessa was trying to escape from her attacker, pero naabutan pa rin 'to kaya nasaksak.

Noong narating na nila ang lugar na napili niya para kay Jessa. Ay tulad kanina ay bumaba silang tatlo, at kung kanina she felt like the body was heavier, this time mas magaan 'to kahit naglakad pa sila papasok sa kakahuyan ay madali nilang naiwan ang katawan dito.

Finally, nakangiti na si Zen. Ang naiisip na lang niya ngayon ay bumalik sa pension house na tinutuluyan nila. Nais na niyang makaligo dahil dumikit na ang dugo sa damit niya, at nais na niyang matulog sa malambot na kama niya dahil napapagod na siya sa kakaupo sa kotse.

"Tara," tawag niya rito. "Makinig ka dahil ikaw naman ang gagawa nito. Pagdating natin sa pension house, I want you to go inside our rooms and grab us some new clothes. Dahil hindi kami pwede makita na may dugo ang aming mga damit. Okay?"

"Okay," Tara agreed.

Nangiti si Zen habang pinaandar niya muli ang kotse. Tahimik pa rin ang daan pero noong palapit na sila sa pension house ay may iilan ng mga sasakyan sa kalsada.

"Zen... iyong nilagay mo na camera sa pulang van," mahina ang boses ni Claire.

"Meg took care of it," she said.

Napalingon si Claire kay Meg. "Nakuha mo ba?"

"Ang alin?"

Sasagot na sana si Claire pero nakatitig si Tara sa kanya.

"Ang alin?" si Meg.

"Iyong nasa pulang van," diretso na wika ni Claire.

Biglang namutla si Meg na parang maaga siyang minulto nina Mika at Jessa.

"Don't tell me..." Claire paused; she could feel her heart pounding like a drum.

"I left it behind. Hindi ko..." Natigil si Meg noong biglang napalingon si Zen sa kanya.

"Naiwan mo sa loob?" bato ni Zen.

"I'm sorry, Zen," Meg said.

Dito na nagkatitigan sina Zen at Claire. Alam nila na malaking problema 'to, at kahit hindi 'to matuklasan ni Ella ay kailangan pa rin nila 'tong makuha.

"We're going back," Zen declared.

"Saan?" Nagugulahan na si Tara. "Kung sa Blood Road ay ayaw ko nang sumama. Just leave me here, ako na lang ang maglakad pabalik sa pension house. Ibigay na lang ninyo ang susi sa room ninyo para makuha ko kayo ng mga damit. Hintayin ko na lang kayo sa labas."

"No, sasama ka," sabi ni Zen.

"Pero hindi na ako kailangan doon," protesta ni Tara.

"No. Sama-sama tayong pumunta at umalis roon, kaya sama-sama din tayong babalik," diin ni Zen.

Napailing si Claire. "Dapat nga maging happy ka pa na babalikan natin ang pinsan mo pero mukhang ayaw mo pa."

Napalunok si Tara. "Hindi sa ganun... dahil hindi naman siya ang rason bakit tayo babalik. Diba?"

"Hindi nga," sagot ni Claire.

"Eh ano?"

Zen took a deep breath. "Babalikan natin ang camera na nilagay namin sa pulang van. Okay na?"

Hindi na nakasagot si Tara.

"Bilisan ko na," sabi ni Zen. "Doon na tayo dumaan sa entrance ng the Bloody Road. Mas malapit na kasi 'to rito.

Wala ng kumontra kay Zen, na mabilis na pinatakbo ang kotse niya. Wala na siyang iniisip kundi ang spy camera na sana naroroon pa sa pinaglagyan niya, at sana hindi pa 'to natuklasan ni Ella. Dahil kung mangyayari 'to ay may pang hahawakan na 'tong ebidensiya laban sa kanya. At hindi siya makakapayag nito.















The Bloody Road (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon