Chapter 19

149 8 0
                                    

Kung ano man tapang ang nararamdaman ni Ella kanina ay parang isa-isa na itong nilalamon ng gabi at lamig ng hangin. Hanggang ang naiwan na lang sa kanya ay takot. She realized she was all alone. Sa kalsada na maraming umiiwas dahil sa takot.

Bigla siyang napalingon sa likuran niya.

Wala siyang nakita maliban sa dilim.

Napayakap siya sa sarili niya. Nais na lang niya mahiga at matulog sa kama niya, but she knew mangyayari lang 'to kung gagalaw siya.

She thought she could just walk back to where they came from. At kahit madilim ay mgagawa niya pa rin niya 'to. Dahil wala siyang naalala na lumiko sila, ang daan na tinahak nila ay diretso lamang.

But she didn't make any attempt to move at all.

Una dahil sa ginaw na feeling niya magyeyelo siya, at pangalawa natatakot siya sa mga kaluluwa na nasa kagubatan. Paano kung muli niya silang makita?

Napalinga-linga siya sa kapaligiran niya, pero wala siyang nahagip maliban sa ingay ng mga insekto na nagmumula sa kagubatan.

"Paano ako makakalis rito?" she whispered while she rubbed both her arms to keep her warm.

Ilang minuto siyang nakatayo sa daan habang iniisip ang susunod na gagawin niya. Kung nandito lang sana si Tara baka may suhestiyon 'to. May pagsisisi siyang naramdaman kung bakit inudyukan niya 'tong sumama kina Zen.

May ngiti na dumungaw sa pisngi ni Ella. "Matatakot lang 'yon..." But her smile quickly faded, noong nailarawan niya na palabas na sina Zen ngayon, tapos ay itatapon nila ang katawan nina Jessa at Mika.

"I didn't expect her to be this heartless..." She paused. Habang lumalim ang paghinga niya. "I should have slapped her... Hindi ako makakapayag na wala akong gagawin. Sasabihin ko pa rin ang ginawa nila sa akin at ang koneksyon nito kung bakit namatay ang dalawa. But first I have to leave this Bloody Road."

Huminga ng malalim si Ella. Buo na ang loob niya, maglalakad siya pabalik kung saan sila nagsimula. Hindi na bale kung malamig o natatakot siya. Naisip niya she'd rather walk and die, than stay here and die.

Kaya humakbang na siya palayo.

She talked to herself. It worked for a few minutes... hindi niya naisip na nilalamig at natatakot siya... but she suddenly stopped.

May nararamdaman siyang may kasama siya ngayon.

At nakasunod 'to sa kanya.

Napalunok si Ella. Alam niya ang pakiramdam na'to. Alam niyang may kasama siyang kaluluwa ngayon.

Immediately she thought--- ang babaeng multo.

Pero ano ang kailangan nito sa kanya? At bakit siya sinusundan nito?

Muli niyang naisip na baka tinutulungan na naman siya nito like she suspected earlier. Pinapasunod ba siya nito?

Tumindig ang balahibo ni Ella. Pero lumingon pa rin siya.

Wala siyang nakita.

For a second, parang nawala ang presensiya ng kaluluwa pero muli din 'tong bumalik. Nararamdaman niyang kaharap niya 'to hindi kalayuan sa tinatayuan niya.

And even though she couldn't see her--- ay alam ni Ella na muling nagbalik ang babaeng multo.

Hindi siya nakagalaw, feeling niya buong gabi siyang tatayo sa gitna ng daan. Pero napansin niya na lumuluwag ang paghinga niya. Almost like she's getting used sa babaeng multo.

"Sino ka?" Finally she asked.

Walang sumagot.

Kaya humakbang pabalik si Ella.

The Bloody Road (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon