Prologue

7 2 0
                                    

"S-sino ka?!" Tanong ko dala ng pagkabigla.

Tiningnan niya lang ako sa mata at para akong naestatwa sa lamig ng titig niya.

Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng isang katulad niya, na merong 'Asul' na mata.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito na nakapag pawala ng lakas ko. Mahinhin ang pag kakabigkas niya, pero ramdam mo ang lalim ng kanyang paghinga.

"N-naligaw lang ako" utal kong saad na hindi makatingin dito.

Hindi ko alam pero parang may kakayahan siyang pigilan ang isang taong tumingin ng diretso sa mata niya. Nakakapag pawala ng lakas.

"Alam mo ba kung nasaan ka?" Walang emosyong tanong ulit nito kaya napalingon ako.

Pero napapitlag nalang ako dahil pag lingon ko ay nasa harap ko na ito.

"H-hindi" kinakabahang sagot ko.

Sino ba siya?

Hindi ko alam kung bakit ako nanghihina. Para bang may humihigop ng lakas ko at hindi ko ito mapigilan.

Totoong hindi ko talaga alam kung nasaan ako. Sumama lang ako sa mga kaibigan kong nag camping at habang nag lalakad kami ay naiwan nila ako. Pero nung hinahanap ko na sila ay bigla nalang akong napunta rito.

Parang may isang malakas na hangin ang humila sakin. Hindi ko Ito kinaya kaya nagkanda tama tama ako sa mga punong nadadaanan namin. Hanggang sa makatulog ako sa sobrang sakit ng katawan ko at ayon na nga pagkagising ko ay nandito nako.

Ngayon palang ako nakakita ng ganitong kagandang lugar. Yung para bang nasa isa kang paraiso? Hindi ka maniniwala kung ano ang nasa paligid mo. Sobrang ganda, Kulang ang salitang perpekto para maipaliwanag ko ang buong lugar na Ito. Maraming nag gagandahang bahay at iba't ibang uri ng mga puno. Pero sa pinaka gitna nito ay may makikita kang palasyo. Oo tama ang narinig mo, Palasyo.

Bumaling ako sakanya pero bigla akong nahilo. kaya umiling iling ako, nag babakasakaling mawala Ito. pero mali ako, dahil mas lumala lang ito. Pilit kong inaaninag ang mukha niya pero bigla siyang pumitik kasabay ng pagdilim ng paningin ko.






Hi Aciamerss!

Note:
I just want to say that this is the first time that I will write this kind of Genre a 'FANTASY' and I hope it turns out good. Also, please support my other stories. All of them are still ongoing including this one. Enjoy!

Stay tuned for the next chapter, Love you all guyss! God bless.

The Blue Eyed PrinceWhere stories live. Discover now