Ash POV
Nagising ako tanghali na ng umagang yon. Pagbangon ko ay naligo kaagad ako, pagkatapos ay saktong pag labas ko sa banyo nag ring ang cellphone ko kaya nilapitan ko Ito.
~Mauvee calling~
Dali dali ko itong sinagot.
"Hi, Ash!" Masiglang bati nito pagkasagot ko nung tawag.
"Napatawag ka?" Nakangiting tanong ko. Inipit yung cellphone sa pagitan ng balikat at pisnge ko.
"Gala tayo!" Bakas sa boses ang sobrang ka excited-ang sambit niya.
Nag bihis muna ko bago siya sinagot.
"Saan?" Excited ding tanong ko.
Sa wakas makakagala rin! YESSSS!!!
"Kahit saan"
"Sinong kasama?"
"Alam mo na!"
"Yiiiieee kailan?"
"Ngayon na!"
"Talaga?!"
"Oo!"
"Sige! Sige! Sakto nakabihis narin ako."
"Excited masiyado, Hahaha"
"Hahaha soooobra!"
"Oh sige na at mag papaganda pa ako, haha bye!"
"Sige, itext mo location sakin"
"Oo, oo."
"Sige,"
"Bye."
"Bye."
Yun lang at pinatay ko na.
Hindi nako nag palit pa dahil maayos naman na yung suot ko. Sinuklay ko lang yung may medyo kahabaan ko nang buhok at tsaka hinati sa kaliwang parte at inipit sa kanang tenga yung mas maraming natirang buhok.
Nag lagay din ako ng konting foundation at lipgloss.
"Tssssaaaarrraaannn!!" Nasabi ko pa pagkatapos ayusan ang sarili.
Hindi ko na kailangan pang mag lagay ng maraming kolorete sa mukha dahil natural na naman ang ganda ko. Hindi sa pagmamayabang pero yun ang totoo.
Naka high waist akong itim na pantalon. Crop top na puti na may design na tatlong maliliit na apoy na magkakatabi. Pinarisan ko Ito ng highcut na puti.
Hindi ako mahilig sa mga dress at matataas na takong dahil hindi ako komportable kapag suot ko yon.
Lumabas nako sa kwartong yon at habang nag lalakad papunta sa elevator ay nag vibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko Ito at nakitang text ni Mauvee, Sinasabi kung saan kami magkikita kita.
Sana naman maging normal natong araw nato...
Pag labas ko ng hotel ay pumara kaagad ako ng taxi at nag pahatid sa lugar kung saan kami mag kikita kita.
Nang tumigil ang sasakyan ay saka lang ako nag bayad. Pero iaabot ko na sana yung pera nang matigilan ako. Nanlaki pa yung mata ko ng makilala ko kung sino yung driver. Siya yung sinakyan ko papuntang hotel kahapon!
YOU ARE READING
The Blue Eyed Prince
FantasiaMay isang Principe sa isang kaharian, Isang kaharian na walang nakakaalam. Nag iisang prinsipeng merong asul na mata, HINDI tumitingin sa mga kasama. KASALANAN kung ika'y mag tatangka, KAMATAYAN ang mapapala. Ngunit may isang BAGUHAN na DUMATING sa...