Ash POV
Nakarating ako sa bahay na gutom na gutom. Hindi ko alam pero parang gusto ko lang kumain ng marami. Kaya pumunta ako sa kusina para mag hanap ng pagkain at may nakita naman akong sandwich at juice kaya Ito nalang ang kinain ko.
Papaubos na pala ang mga stocks ko at kailangan ko nang mag grocery. Habang ngumunguya ay naalala ko bigla kung paano akong nakauwi.
Kanailangan ko pang mag tanong tanong kung saan ang daan pabalik dito sa bahay, Dahil naligaw lang naman ako nice.
Totoong hindi ko alam na ganon na pala kalayo yung nalakad ko kaninang madaling araw. Para lang makaabot ako sa nakakatakot na park nayon. Hindi ko rin natandaan yung dinaanan kong mga lugar.
Hinding hindi na ako babalik don!
Aaminin kong hindi manlang ako nakaramdam ng pagod habang nag lalakad kanina. Kaya siguro ganon nalang yung gulat ko, na sa sobrang layo ng narating ko ay hindi manlang ako nakaramdam ni katiting na pagod. Hindi ko rin alam kung bakit kaya binalewala ko nalang. Halos mag dadalawang oras rin ako sa paglalakad at nalaman ko lang yon ng pauwi nako dito sa bahay, Nung makasakay nako sa taxi.
Tinapos ko ang pagkain at tsaka umakyat sa taas para maligo. Mag aalas siyete na ng umaga, kaya Binilisan ko lang ang pagligo at tsaka kinuha ang cellphone para mag games.
Gustohin ko mang makipag kita sa mga kaibigan ko ay hindi pwede dahil pare pareho silang busy. By the way, I'm a college student and taking up a business management course. Pero pinili ko munang tumigil ng isang taon para mag liwaliw at para makalimutan narin yong nakaraan.
Don't go there.
Sa susunod na taon ko nalang ipagpapatuloy ang pag aaral ko. Pero ngayon parang gusto ko nang magsisi dahil ang boring ng buhay ko! Wala manlang pwedeng ayain na mag gala. Oo meron akong mga kaibigan, pero busy sila ngayon dahil mag fa-finals na kaya kailangan nilang mag focus. Nung mga naunang araw ay nagkikita kita pa kami dahil hindi pa sila ganon ka busy, pero ngayon, Hindi na.
"Yes! Panalo!" Sabi ko na naitaas pa ang kanang kamay. Nanalo kase ako dito sa games na nilalaro ko. 'Race car' Paborito ko to dahil ang gandang laruin.
Ibinaba ko ang cellphone sa kama at tsaka nag unat. Nangangalay narin kase ang kamay ko. At habang nag uunat ay napatingin ako sa salamin na nasa tabi ng kama ko, Napangiti pako ng makita ang sarili. Nakadikit siya sa isang malaking aparador na dalawa ang pinto. Nasa kanang bahagi siya at ang kaliwa ay puro litrato ko.
Itinabingi ko ang ulo ko na para bang nag papacute dito. Natawa pako sa naging itsura ko. Matagal na ang salamin nayan at bata palang ako nandito na ito. Mga magulang ko ang bumili at hindi ko alam kung anong dahilan. Kung ako ang tatanungin ay parang sa sinauna pa at hindi pasa sa taste ko. Pero sabi nila mama dati ay maganda daw kase ang disenyo kaya nila nagustohan.
Iiling iling nalang akong tinanggal ang paningin doon at tsaka ibinalik sa cellphone. Maghapon akong nasa bahay at nagpa deliver nalang ng makakain nang dumating ang lunch time.
"Bukas nalang ako mag go grocery" Sabi ko pa pagkatapos kumain at iniligpit ang pinag kainan.
Kung nag tataka kayo kung bakit malaki ang bahay namin at hindi ako namomroblema sa financial, ay dahil yon sa iniwang pamana ng mga magulang ko sa akin. Nag iisa lang akong anak kaya sa akin lahat napunta. Masiyado iyong marami na tipong hindi ko na alam kung anong gagawin pa sa iba. Balak kong mag tayo ng negosyo pero kapag nakapag tapos nako.
Bumalik ulit ako sa taas para mangalikot naman ng ibang gamit doon. Hindi ako dumiretso sa kwarto ko kundi sa katabi nito.
Kwarto ng mga magulang ko ang nag mamay ari nito. At ni minsan simula ng mawala sila ay hindi pako nakakatungtong dito.
YOU ARE READING
The Blue Eyed Prince
FantasyMay isang Principe sa isang kaharian, Isang kaharian na walang nakakaalam. Nag iisang prinsipeng merong asul na mata, HINDI tumitingin sa mga kasama. KASALANAN kung ika'y mag tatangka, KAMATAYAN ang mapapala. Ngunit may isang BAGUHAN na DUMATING sa...