Ash POV
Naalimpungatan ako ng may marinig akong nag uusap. Mumulat na sana ako ng mapag desisyunang pakinggan muna ito.
"Anong lagay niya?" Tanong ng isang babae, Base sa boses niya ay tingin ko matanda na siya.
"Maayos napo Madam" magalang na sagot ng isang babae rin.
"Mabuti kung ganon, Bantayan mo siya at pag nagising ay ipaalam mo kaagad sa akin." mautoridad na sabi pa nung madam daw.
"Opo." sagot din nung isa sa magalang na tono.
"Mauuna nako"
Yun lang at wala nakong narinig pa pwera sa pag sara ng pinto at tunog nitong ni lock.
Naging tahimik ang paligid kaya unti unti kong iminulat ang paningin ko at umupo.
Tiningnan ko ang lugar kung nasan ako at sa tingin ko ay sa isang silid, may nakita akong isang babae na kagaya ko na nakatalikod sa akin at nakaharap sa pinto.
"N-nasan ako?" Mahinang tanong ko at dali dali naman itong humarap sa akin.
"Gising kana" parang hindi pa makapaniwalang sambit niya at pumunta sa harap ko.
"Anong pakiramdam mo?" Tanong pa nito na sinalat ang noo ko, pinakiramdaman ko naman ang sarili ko at feeling ko ay naubos ang lahat ng lakas ko.
"M-maayos na" pag sisinungaling ko sabay iwas ng tingin. Pinagmasdan ako nito bago nag salita.
"Nag sisinungaling ka" bigla ay sambit niya kaya napatingin ako sakanya.
Hindi ko siya sinagot imbes ay nag tanong."Nasaan ako?" Pag uulit ko sa tanong ko kanina.
"Nasa kwarto" maikling sagot niya kaya kinunotan ko siya ng noo.
"Alam kong nasa kwarto ako, Ang ibig kong sabihin ay kanino?" Seryosong tanong ko. Nakita kong ngumiti siya.
"Sa akin"
"Sayo?" Takang tanong ko.
"Hmmm" sagot niya na tumango pa.
Hindi ko siya sinagot at pinalibot nalang ang paningin sa buong kwarto. Maganda at sobrang lawak, May mga nakasabit sa ding ding na kung hindi painting ay abstract, At lahat yon ay iba't ibang uri ng bulaklak.
"Mahilig ka sa bulaklak?" Tanong ko na hindi tumitingin dito.
"Oo"
"Hindi halata."
"Ikaw lang ang nag sabi niyan" parang hindi makapaniwala sa narinig na sambit niya.
"Talaga?" Tanong ko at tumingin dito.
"Hmmm, Lahat ng nakakakilala sakin ay sinasabing itsura ko palang ay halata nang mahilig sa bulaklak. Ikaw lang ang hindi haha" Sabi nito na tumawa pa at tsaka lumapit sa single sofa nasa harap ko at umupo.
"Hindi kita kilala kaya siguro Ganon, at tsaka hindi talaga halata sayong mahilig ka sa bulaklak." diretsong sagot ko. Nginitian lang ako nito.
"Pero, para sa akin lang yon. kase sa tingin ko ay iba ang propesyon mo" sunod ko sa sinagot ko sa una.
"Hmmm" lang naisagot niya lang at tsaka pinagmasdan ako.
"Maganda ka" bigla ay sabi nito habang nakatitig sakin. Hindi ako sumagot.
"Kakaiba" dugtong pa niya. Nag salubong ang kilay ko.
"Matalino" Hindi ko siya sinagot.
"Anong sinasabi mo?"
YOU ARE READING
The Blue Eyed Prince
FantasyMay isang Principe sa isang kaharian, Isang kaharian na walang nakakaalam. Nag iisang prinsipeng merong asul na mata, HINDI tumitingin sa mga kasama. KASALANAN kung ika'y mag tatangka, KAMATAYAN ang mapapala. Ngunit may isang BAGUHAN na DUMATING sa...