Ash POV
Nag simula na kaming mag lakad. Sabi ni Bront ay dun daw kami malapit sa may batis mag Ca-camp dahil maganda daw doon. Diko alam kung san niya to nalaman pero sumunod nalang kami.
Pila kami kung mag lakad dahil sinusundan lang namin yung makipot na daan. Maraming mga kahoy at damo na nakaharang kaya kailangan pa naming tanggalin.
Nauunang mag lakad si Bront dahil siya yung nakakaalam. Nakasunod naman sakanya si Auden at sunod kay Auden ay si Mauvee sunod naman kay Mauvee ay si Marlowe. Sunod naman kay Marlowe ay si Bry, sa sunod ni Bry ay si Riordan at ako ang huli. Gusto nga ni Rio (short for Riordan) na mag palit daw kami ng pwesto, siya nadaw sa huli pero sabi ko wag na dahil wala namang mangyayari sakin kaya hinayaan niya nalang ako.
Dahil kung sakali mang mawala ka ay hindi ka naman mahihirapang makabalik. Kase kung saan ka nag simula kanina nung papunta dito ay kailangan mo lang sundan yung nag iisang daan kaya madali lang. Kung sakali mang maiwan ka o maligaw madali mo lang silang mahahanap.
"Aray!" Rinig kong reklamo ni Mauvee. Natamaan kase siya nung isang sanga sa kanang paa.
"Ayusin mo nga Aud yung pag tanggal ng sanga! Natatamaan ako e!" Reklamo pa nito. Narinig ko namang tumawa si Aud (short for Auden)
"Sisihin mo si Bront, siya yung nauuna e"Sagot naman ni Aud na bumungisngis pa.
"Tch!"
Habang nag babangayan sila ay pinapalibot ko naman ang paningin ko. Puro matataas na puno ang makikita mo. Maganda kung titingin ka sa taas dahil nasisinagan Ito ng araw.
"Do you like the view?" Bigla ay tanong ng nasa unahan kong si Rio.
"Slight" Sabi ko at tumingin bigla sakanya. Nakita ko siyang nakalingon sakin.
Ngumiti lang siya at humarap na ulit sa unahan. Tumingala naman ulit ako. Di ako nangangamba na baka mabunggo dahil alam kong nakaalalay sakin si Rio. Diko narin kailangang mamroblema sa mga sanga dahil sa unahan palang nila Bront ay tanggal na.
"Pagod nako" rinig kong bulong ni Bry.
"Grabe ka, ilang minuto palang naman tayong nag lalakad ah" si Aud.
"Nakakapagod kaya" Sabi niya at pinunas ng likod ng palad ang noo.
"Here" rinig kong sabi ni Rio. Inabutan siguro ng panyo.
"Thanks" sagot naman ni Bry.
"Guyyss malapit na tayo!" Bigla ay sigaw ni Bront.
"Thanks God" parang nakahingang sabi ni Mauvee.
"Ang arte mo Mauv" sita dito ni Marlowe
"Excuse me? Ikaw kaya mag lakad ng naka heels?" Mataray na sagot dito ni Mauvee kaya bigla akong napatingin sa paa niya at ngayon ko lang nalaman na naka heels nga siya.
"Haha, Sino ba kaseng may sabi sayo na mag heels ka? e mag ca camping tayo." Tatawa tawang tanong dito ni Marlowe.
"Alam ko ba? E sabi niyo kaya mag ga gala lang tayo!"
"Hahaha mag tiis ka ngayon. Ang arte mo kase!"
"Arte?! Saan ang maarte don?! Ikaw kaya ang pasuotin ko nitong heels? Baka nakatayo kalang nga ay nag rereklamo kana!" Sigaw dito ni mauv.
Tinawanan lang siya ni Marlowe.
Nag patuloy pa ang sagutan ng dalawa at ako naman ay pinag patuloy yung pag tingala sa mga puno. Nagagandahan kase talaga ako dahil yung sinag ng araw ay parang ilaw sa mga punong natatamaan. Sa sobrang busy ko sa pag tingin ay hindi ko namalayang napatigil na pala ako sa paglalakad para lalong pag masdan yung paligid. Hindi ko alam na naiwan na pala nila ako kaya ganon nalang bigla ang kabang naramdaman ko.
"Mauv!" Sigaw ko sa pangalan ni Mauv baka sakaling marinig nila ako at mapansing hindi ako nakasunod sa kanila at balikan ako dito.
"Aud!" Sigaw ko naman kay Aud. pero wala akong ibang narinig kundi ang echo ng boses ko.
"Shit!" Bigla akong nakaramdam ng kaba. Kanina nung sinabi ko na kung maiiwan o mawawala ka ay madali mo lang silang mahahanap dahil iisa lang naman yung daan. Pero ngayon na nangyayari na sakin ay parang kabaliktaran na kase iba sa pakiramdam.
Binilisan ko yung pag lalakad ko. Hindi ako nahirapan dahil wala naman ng mga nakaharang. Natanggal na siguro nila.
Pero habang binibilisan ko ay parang may humihila sakin paatras. Pinipilit kong ihakbang ang paa ko pero mas lumalakas ang humahatak sakin sa likod. Hindi ko alam kung ano yon o sino pero ang lakas niya. Hanggang sa diko na nakayanan pa. Nahigit na nga ako nito at para akong hayop na hinahatak ng amo ko.
"A-ah aray!" Nasabi ko pa nung natama ako sa may puno.
Patalikod ako kung hilain kaya hindi ko makita kung sinong gumagawa non. Hindi ko na narin alam kung ilang beses naba akong natama sa mga damo at punong nadadaanan namin. Habang tumatagal ay mas lalong bumibilis ang pagkakahila sa akin kaya ganon nalang ang sakit ng katawan ko.
"T-tama na!" Pilit ko pang sigaw nung matama nanaman ako sa puno. Pinilit kong pang aninagin yung katawan ko at naluha nalang ako sa dami ng sugat nito.
"M-masakit na ang katawan ko!" pilit kong isinisigaw ang linyang yon pero nanghihina na talaga ako.
Anong nangyayari sakin? Bakit ganito? Sana tumigil nato...
Biglang nahinto yung humihila sakin at bigla nalang akong bumagsak sa may bato. Hindi ko alam pero feeling ko inihulog ako galing sa taas gayong ramdam ko namang hinihila lang ako nito.
"A-aw" nasambit ko pa nung matamaan ko ang sugat ko sa may braso. Pinilit kong umupo sa pagkakahiga sa may damo at tiningnan ang buong katawan ko. Naluha nanaman ako sa sobrang daming galos nito.
"Ang sakit" Sabi ko pa na pilit tinitiis ang hapding unti unting kong nararamdaman.
Hindi Ito tulad ng mga galos lang na nadapa ka. Oo, yun ang itsura ng mga sugat ko ngayon, pero yung sakit sa pakiramdam ay iba. Parang unti unti nitong inuubos ang lakas ko. Hindi ko narin magawang aninagin kung saan na ako dahil dahan dahan ng pumipikit ang mga mata ko.
Author's note: Maikli lang tong chapter nato kaya pasensya na sa mga mabibitin, hihi. Bawi nalang ako sa mga susunod na chap. Enjoy guys!
YOU ARE READING
The Blue Eyed Prince
FantasyMay isang Principe sa isang kaharian, Isang kaharian na walang nakakaalam. Nag iisang prinsipeng merong asul na mata, HINDI tumitingin sa mga kasama. KASALANAN kung ika'y mag tatangka, KAMATAYAN ang mapapala. Ngunit may isang BAGUHAN na DUMATING sa...