Chapter 3- Stranger

1 2 0
                                    

Ash POV

Pag pasok ko sa hotel ay kumuha kaagad ako ng isang kwarto at tsaka tumuloy doon. Hindi ko pinili yung sobrang laki, pero hindi rin naman  sobrang liit. Yung tama lang para sa akin. May veranda doon kaya dun muna ako tumambay.

Habang nakaupo ay kinuha ko ang cellphone ko at Itinext yung number na binigay ni Mauvee.

Sinabihan ko lang itong lumipat nako ng tirahan at sinabi ko rin sakanya kung saan.

Hindi siya nag reply siyempre, dahil busy siya. Ngayon ang araw ng final exam nila pati narin ng iba pa naming kaibigan.

Tinanaw ko muna dito sa pwesto ko ang napakagandang tanawin. Hindi ko inaasahang itong napili kong suit ay malapit sa may dagat. Sobrang presko ng hangin at ramdam mo talaga sa balat mo. Natigil lang ako sa pag re-relax ng biglang kumalam ang tiyan ko. Tiningnan ko ang oras sa aking suot na relo at ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makitang tanghali na pala.

"Ang bilis naman ng oras?" Nasabi ko pa kasabay ng pag tayo para lumabas at pumunta sa resto nitong hotel.

Pag labas ko ay dumiretso kaagad ako sa elevator para pumunta sa ground floor at doon kumain.

Mag isa lang ako dito at walang ibang tao. Nang pipindutin ko na ang close para sumarado ang pinto ay biglang may pumigil na kamay dito dahilan para hindi Ito matuloy.

Isang lalaki, dali dali itong pumasok at tsaka ngumiti nung makita ako pero tiningnan ko lang Ito.

Tumabi siya sakin ng tayo kaya umusog ako ng konti, pero narinig ko siyang tumawa kaya tiningnan ko Ito ng masama.

"What?" Tanong pa nito ng may nakakalokong ngiti sa labi.

"Psh" Sabi ko at tsaka tuluyang sinarado ang pinto.

Nang tumigil sa ground floor ay dali dali akong lumabas. Hindi ko alam pero parang hindi ako komportable na kasama yung lalaki. Hindi ako nakatingin dito pero nararamdaman ko ang titig nito. Pagkalabas ko ay akala ko sasarado na ang pinto dahil iba ang destinasyon niya, pero nagulat nalang ako ng lumabas rin Ito at sumabay saking mag lakad!

"Hi" bigla ay bati nito.

Ang ngiti sa labi ay hindi natatanggal.

Diko Ito pinansin at nag dire diretso lang. Nang makita ko na ang resto ay pumasok kaagad ako dito. Iginala ang paningin, nag hahanap ng bakanteng upuan. May lumapit sa aking isang waitress.

"Hi ma'am, welcome to our restaurant. Table for one ma'am?" Tanong nito ng nakangiti.

"Yes, please." Sagot ko na nginitian rin siya.

"This way ma'am" Sabi pa nito ng nakalahad ang kamay sa daan.

Sumunod ako hanggang sa pwestong itinuro nito, malapit sa may bintana.

"May I take your order ma'am?" Nakangiti pa nitong sabi na nakahanda na ang papel at ballpen na pag susulatan. Sinabi ko dito kung anong oorderin ko na agad naman nitong sinunod.

Habang hinihintay ang order ay pinalibot ko muna ang paningin ko sa buong lugar. Maraming tao at halata mong lahat mayayaman. Maganda ang lugar kaya siguro ganon nalang kung dagsain.

Habang busy sa pagmamasid ay biglang may tumikhim sa gilid ko kaya napatingin ako dito. Biglang nag salubong ang kilay ko ng makita yung lalaki sa elevator.

"What are you doing here?" Mataray na agad na tanong ko.

Nakaupo na Ito sa harap ng mesa ko at hindi ko alam kung saan kumuha ng upuan. Ngumiti lang Ito sakin at inayos ang pagkakaupo.

"I'm joining you, because I noticed that you're alone." sagot nito na hindi pinansin yung pag tataray ko at tsaka ngumiti. Hindi na yata nawawala ang ngiti nito sa labi nito, Yon ang napansin ko sa elevator palang.

"I'm not alone I'm with myself so get out of my table." Mahinahong sagot ko na, pinipigilan ang inis na namumuo sa dibdib.

Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko dito sa lalaking to. Sa uri palang ng pagkakangiti niya ay para bang may dala siyang problema, Hindi ko maipaliwanag pero nakangiti nga siya pero yung mata niya iba ang sinasabi.

"You're so mean, I'm insisting here." Sabi pa nito na ngumiti ng mas malawak.

Tiningnan ko Ito ng masama.

Ano bang problema ng lalaking to? Feeling close e hindi ko naman kilala, Psh.

Huminga ako ng malalim pinipigilan ang inis.

"I don't need your accompany, so please. I want to be alone." Nakangiti kong sagot pero yung inis ay mas lalong lumalala.

Nakita ko kung paanong nawala yung ngiti sa labi niya na unti unting napapalitan ng blangkong mukha.

Bigla itong pumitik at sa isang iglap ay parang tumigil ang lahat. Tumayo Ito at nag lakad papunta sa harap ko, Yumuko at tsaka bumulong.

"Soon, you will know why I show my self to you. And when that time comes, you will beg to me and ask for mercy." Mahina nitong bulong na nakapag pataas ng lahat ng balahibo ko at tsaka pumitik ulit.

"Ma'am"

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya, Ang ibig niyang sabihin. Pero Isa lang ang alam ko, bakit ganito nalang katindi yung kaba ko?

Sino ba ang lalaking yon?

"Ma'am" Nagising ako sa pagkatulala ng biglang may mag salita sa gilid ko at hawakan ang kanang balikat ko.

"Are you ok ma'am?" Tanong pa nito, kaya napatingin ako dito at dun ko lang mapagtanto na yung waitress Ito.

"H-ha?" Utal ko pang tanong sa pagkalito.

Pinalibot ko yung paningin ko sa buong lugar at balik na ulit sa dati na parang walang nangyari. Nang may maalala ay bigla akong bumaling sa waitress at tsaka nag tanong.

"Did you see the man who just sit in that chair a while ago?" Tanong ko dito na tinuro pa yung inupuan nung lalaki kanina, bakas naman sa mukha nito ang pagkalito.

"A man ma'am?" Tanong pa nito na parang naninigurado kaya sunod sunod akong tumango.

"Yes, a man."

"I didn't see anyone ma'am except you." Magalang nitong sagot, At don nanaman ako nalito.

Panong hindi niya makikita e hindi naman tago yung pwesto ko? At tsaka mapapansin agad nila yon dahil tumayo pa Ito at lumapit sa akin!

"Are you sure?" Paninigurado ko pa.

"Yes ma'am. I left you alone here." 

Tiningnan ko lang Ito at hindi na sumagot. Bakas parin ang pagkalito sa akin.

Ano nanaman bang nangyayari?

"This is your order ma'am by the way, Call me if you need anything, enjoy your meal." Sabi pa nito ng nakangiti bago itinuro yung mga pagkaing inorder ko kanina na hindi ko namalayang naiserve na pala tsaka umalis.

Naiwan akong tulala at nalilito.
Parang nawalan tuloy ako ng ganang kumain gayong kanina ay kumakalam na ang sikmura ko.

Pinilit ko nalang na ubusin ang mga inorder ko kesa naman sa masayang Ito. at tsaka bumalik agad sa kwarto kong hindi parin nawawala ang pagka lito.

Pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso kaagad ako sa may veranda at doon umupo. Nakakarelax ang hanging tumatama sa akin pero hindi non natatanggal sa isip ko yung mga nangyari kanina.

"Hayyyysss" bumuntong hininga ko pa.

"Ano batong mga nangyayari?" Tanong ko pa sa sarili.

Litong lito nako. Simula sa park, pati sa bahay, at hanggang dito ba naman? Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari!

"Kailangan ko na yatang magpatingin sa espesyalista" nasabi ko pa sa sarili ko.

Hanggang sa mag gabi ay nandon lang ako, Hindi umalis sa pwesto. Laman parin ng isip ko yung mga nangyari kanina. Hindi nadin ako nag dinner dahil busog pa naman ako.

"Sana bukas hindi na ganito" panalangin ko bago tuluyang makatulog.



The Blue Eyed PrinceWhere stories live. Discover now