Ash POV
Dahan dahan akong nagising ng maramdaman kong may gumagalaw sa paa ko. Pinilit kong umupo para aninagin Ito.
Nanlaki ang mata ko ng makitang isa itong ahas!
"A-ahas!" Sigaw ko at mabilis na tumayo. Hindi inalintana ang sakit sa katawan.
Kumuha ako ng bato para batuhin Ito pero bigla itong humarap sakin!
"Wahhh!" Mas malakas nang sigaw ko dahil mabilis itong gumapang palapit sakin. Dali dali akong tumakbo at pinilit umakyat sa may kalakihang bato na natanaw ko, Nang makaakyat ay tinitigan ko ito.
Hindi naman sobrang kalakihan pero nakakatakot dahil lumalabas labas yung dila nito.
Hindi ako mapakali sa pagkakaupo dahil Iginagalaw galaw nito ang ulo, na para bang may hinahanap kaya pinilit kong wag gumalaw para kung sakaling tumingin man sakin ay hindi ako mapansin. Mahaba pa naman ito at kulay itim na parang nag ba-brown.
Takot ako sa ahas kaya ganon nalang ang naging reaksyon ko kanina.
Kahit sino naman yata ay takot ahas?
Sa lahat ng hayop ay isa ang ahas sa pinaka ayaw ko. Bukod sa nakakatakot ang itsura ay makamamdag pa ito.
Pinilit ko itong hindi pansinin kahit yung kabog ng dibdib ko ay sobrang bilis narin. Ngayon ko mas nararamdaman ang pananakit ng mga sugat ko, at wala akong ibang kayang gawin ngayon kundi tiisin lang Ito.
Tiningnan ko ulit yung ahas at unti unti na itong gumagapang papalayo. Don ako nakahinga ng maluwag, kaya kahit papaano ay unti unti naring nawawala ang kaba ko. Don ko lang naisipang ipalibot ang paningin ko at napanganga ako sa nakita ko!
Ang ganda ng lugar!
Walang halong biro, dahil seryoso, napaka ganda nito.
Maraming mga puno at iba iba pa, Ang rami ring bahay pero malayo layo na sa pwesto ko kaya natatanaw ko nalang.
Dito sa kinapwe pwestuhan ko ay kita ko ang lahat! Napaka aliwalas, parang hindi mo maimagine na merong ganitong klase ng lugar.
Nakarinig ako ng parang may umaagos kaya hinanap ito ng paningin ko at napatingin ako sa kaliwa at don ko nakita ang magandang batis! Ang ganda niya, kumikinang pa Ito dahil sa sinag ng araw na tumatama dito! at talagang mula dito sa pwesto ko ay nakikita ko pa ang ilalim sa sobrang linaw ng tubig at maraming isda ang sumasabay sa agos.
Ang ganda!
Sa sobrang pagkamangha ay mas lalo ko pang ipinalibot ang paningin ko, nag hahanap pa ng ibang makikita at doon ko lang napagtanto na hindi lang bahay, puno at batis ang meron! Meron ring talon! Marami ang iba't ibang uri bulaklak at karamihan ay mga rosas!
"Wow!" Naibulong ko pa sa sobrang pagkamangha.
Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Tiningnan ko yung mga bahay kanina at namangha nanaman ako dahil mga nakahilera ito! Oo, nakahilera sila at sa magkabilang gilid pa! may malawak na daan sa gitna, kaya tiningnan ko ang pwesto ko at tsaka yung daan at doon ko lang napagtanto na nasa pinaka gitna pala ako.
"Ang ganda" nasabi ko nanaman. Hindi na ata mawawala sa akin ang pagka mangha.
Sa tingin ko nga ay kulang ang salitang ganda sa lugar na Ito. Parang natalo pa nito ang isang paraiso.
Talong talo talaga!
Pinilit kong bumaba sa bato kahit nananakit parin ang buong katawan ko at tsaka umupo sa damuhan. Pati ang damuhan ay napanganga ako, dahil sa sobrang kaberdehan nito. Habang namamangha sa mga nakikita ay nararamdaman ko nanaman yung sakit ng sugat ko.
At nanghihina nanaman ako kaya umusog ako papalapit sa bato at sumandig dito. Iginala ko muna ang paningin ko naniniguro kung wala nabang ahas o kung ano at nung masiguro ay ipinikit ko ang mata ko.
Pero hindi pa nag iilang minuto ay may naramdaman ako kaya dahan dahan kong iminulat ang mata ko at nanlaki Ito.
"S-sino ka?!" Utal na tanong ko habang nanlalaki pa ang mata.
Tiningnan lang ako sa mata ng nasa harap ko at para akong naestatwa sa lamig ng titig nito.
Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng isang katulad niya, na merong 'Asul' na mata.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito na nakapag pawala ng natitirang lakas ko. Mahinhin ang pag kakabigkas niya, pero ramdam mo ang lalim ng kanyang paghinga.
"N-naligaw ako" utal kong saad na hindi makatingin dito.
Hindi ko alam pero parang may kakayahan siyang pigilan ang isang taong tumingin ng diretso sa mata niya. Nakakapag pawala ng lakas.
"Alam mo ba kung nasaan ka?" Tanong pa nito kaya nilingon ko siya.
Pero bigla akong napapitlag ng pag lingon ko ay nasa harap ko na ito.
"H-hindi" nanghihinang sagot ko.
Hindi ko alam kung bakit ako nanghihina. Para bang may humihigop ng lakas ko at hindi ko Ito mapigilan.
Totoong hindi ko talaga alam kung nasaan ako. Sumama lang ako sa mga kaibigan kong nag camping at habang nag lalakad kami ay naiwan nila ako. Yun ang natatandaan ko at nung hinahanap kona sila ay bigla nalang akong napunta rito.
Parang may isang malakas na hangin ang humila sa akin. Hindi ko Ito kinaya kaya nagkanda tama tama pa ako sa mga punong nadadaanan namin. Hanggang sa makatulog ako sa sobrang sakit ng katawan at ayon na nga pagkagising ko ay nandito nako.
Ngayon palang ako nakakita ng ganitong kagandang lugar. Yung para bang nasa isa kang paraiso? Hindi ka maniniwala kung ano ang nasa paligid mo. Sobrang ganda.
Kulang ang salitang perpekto para maipaliwanag ko ang buong lugar na Ito. Maraming nag gagandahang bahay at iba't ibang uri ng mga puno. Pero sa pinaka gitna nito ay may makikita kang palasyon. Oo tama ang narinig mo. Palasyo.
Bumaling ako sakanya pero bigla akong nahilo. kaya ipinilig ko bigla ang aking ulo nag babakasakaling mawala Ito. pero mali ako, dahil mas lumala lang ito. Pilit kong inaaninag ang mukha niya pero bigla siyang pumitik kasabay ng pagdilim ng paningin ko.
YOU ARE READING
The Blue Eyed Prince
FantasyMay isang Principe sa isang kaharian, Isang kaharian na walang nakakaalam. Nag iisang prinsipeng merong asul na mata, HINDI tumitingin sa mga kasama. KASALANAN kung ika'y mag tatangka, KAMATAYAN ang mapapala. Ngunit may isang BAGUHAN na DUMATING sa...