Ashnnie (Ash) POV
Nandito ako ngayon sa sala naka upo sa single sofa habang nag papalipat lipat ng channel dahil walang napipili.
"Ang papangit naman ng palabas" nasabi ko nalang matapos maubos lahat ng channel sa pag papalipat lipat at walang mapiling maganda.
Kaya pinatay ko nalang yung tv tsaka itinapon yung remote sa sahig.
"Hayyyy, boring" Sabi ko at tsaka dumausdos ng upo.
Sobrang tahimik ng buong bahay na akala mo walang nakatira. Ipinalibot ko ang paningin ko sa bawat sulok nito at tsaka ngumiti ng mapait.
Sinong mag aakala na sa sobrang laki nitong bahay ay iisang tao lang ang nakatira?
Mag isa lang akong naninirahan dito dahil wala na akong pamilya. Yes, you heard it right. I don't have a family and I am leaving alone. They leave me when I was just a kid. Naalala ko pa kung paano nila akong iniwan, Tss. Ngumingiti nalang ako ng mapait kapag naalala ko yung araw nayon na parang gusto kong hilinging hindi nalang sana nangyari pa.
"Hayyyss" buntong hininga ko pa.
Tumayo nako sa pagkakasalampak sa sahig at tsaka dumiretso sa taas. Maliligo nalang ako at tsaka matutulog tutal gabi narin naman.
Pag panhik ko sa kwarto ay inalis ko kaagad lahat ng suot ko at tsaka pumunta sa bathroom para maligo.
Binuhay ko ang shower at itinapat ang mukha sa rumaragasang tubig. Malamig ang tubig pero hindi ko yun pinansin, Inenjoy ko lang Ito habang nakapikit. Pero habang tumatagal ay nakakaramdam nako ng antok kaya napagpasyihan kong bilisan na ang pagligo.
Pagkatapos ay nag bihis na ako at tsaka tinuyo ang buhok. Nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin at sinusuklay ang may medyo kahabaan ko nang buhok. Nakangiti ako habang pinag mamasdan ang aking sarili.
"Ano kaya ang pakiramdam ng buo pa ang pamilya?" Tanong ko at tsaka itinigil ang pag susuklay.
Bumuntong hininga nalang ako ng walang maisagot sa sariling tanong, at tsaka tumayo sa pagkakaupo at dumiretso sa kama.
Papahiga na sana ako ng biglang humangin ng malakas. Ramdam mo talaga dahil pati ang nagkakapalan kong kurtina sa bintana ay inalon pa. Kumunot ang noo ko dahil hindi yon ordinaryo.
Masiyado iyong malakas kumpara sa natural, kaya inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto at nang tumapat Ito sa pinto ay may nahagip ako. Hindi ko alam kung ano o sino yon pero base sa tayo nito ay nasisiguro kong tao. kaya kinusot ko ang mata ko sinisiguro kung tama ba ang nakikita, pero nung mag mulat ako ay pinto nalang ang nakita ko. Inilapit ko pa ang mukha ko na para bang inaaninag ang parte'ng yon ng kwarto pero wala na talaga akong makita. Kunot ang noong iiling iling nalang na humiga ako sa kama at hindi na pinansin pa tsaka pumikit na.
MAAGA akong nagising kinabukasan. Balak kong mag lakad lakad sa labas makalanghap man lang ng sariwang hangin.
Alas kwatro palang ng madaling araw at wala pa masiyadong tao kaya ako palang ang nag iisang palakad lakad dito. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng short ko at tsaka nag patugtog. Habang nag lalakad ay sinasabayan ko pa ito.
Pero natigil ako ng matapat ako sa isang malawak na lugar. May mga bench sa gilid at playground naman sa dulo na sa tingin ko ay para sa mga bata. Meron ding katamtamang taas na mga puno. Kumunot ang noo ko at tsaka lumapit dito. Ito ang unang beses na nakita ko to dito.
Meron palang park dito?
Natawa pako sa sariling tanong. Pano kong malalaman e lagi akong nasa loob ng bahay?
YOU ARE READING
The Blue Eyed Prince
FantasyMay isang Principe sa isang kaharian, Isang kaharian na walang nakakaalam. Nag iisang prinsipeng merong asul na mata, HINDI tumitingin sa mga kasama. KASALANAN kung ika'y mag tatangka, KAMATAYAN ang mapapala. Ngunit may isang BAGUHAN na DUMATING sa...