CAGE

52 2 0
                                    


Pangarap ni Janelle Imperial ang makapagtapos ng pag-aaral upang makapaghanap ng magandang trabaho at maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Ngunit mukhang mailap ang pangarap na iyon sa kanya.

Isang OFW ang kanyang ina sa Japan ngunit wala pang isang taon iyon doon ay nagkaroon na ito kaagad ng nobyo na isang hapon at kaagad pinutol ang ugnayan nito sa kanila at dahil hindi kasal ang kanyang mga magulang ay walang magawa ang kanyang ama. Dahil sa nangyari ay kailangan niyang magtrabaho at ng kanyang ama upang mabayaran ang lahat ng kanilang mga utang na ginamit para makaalis ang kanyang ina papuntang Japan. Nang mabayaran na ang lahat ng kanilang pinagkakautangan ay hindi lingid pala sa kanilang kaalaman ay humiram ng limang milyon ang kanyang ina sa ilalim ng pangalan ng kanyang ama sa isang mayamang tao na ang pangalan ay  Salvino.

Tinakasan ng kanyang ama ang pinagkakautangan ng kanyang ina kaya naman ay siya ang sinisingil na ngayon ni Salvino.

Kailangang makahanap siya ng trabaho para may maipangbayad sa utang at maipangtustos sa pag-aaral ni Jake ang kanyang bunsong kapatid, hindi siya papayag na pati ang kanyang kapatid ay hindi rin makakapag-aral. Sakto naman ang naging alok na trabaho sa kanya ni Nanay Cecile ang kapitbahay at tumayong pangalawang ina nila ni Jake. Dahil matanda na si Nanay Cecile ay nais nitong siya ang pumalit nito bilang isang kasambahay. Kaagad niya itong tinanggap sapagkat kailangan niya ng pera.

CageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon